(WARNING!More more profanity coming. I warned you.)
Chapter 23
••Hera POV••
"Achoooo!"I sneezed. Punyetang lagnat na toh. Kasalanan to ni Rade eh! Pangalawang araw ko na tong may sakit pero wala parin pinagbago. Mas lumala nga eh.
"Ohhh ate---er,Hera pala..inumin mo na to para mawala kahit papaano yun sakit nang ulo mo..."sabay alok sakin ni West nang tsaa.
Tumango nalang ako sakanya dahil ang sakit din nang lalamunan ko kapag nagsalita.
Uminom ako nang unti at lumakad papuntang cr. Pero hinarangan ako ni Vien.
"Hep hep hep!"
"H-hoo-oray-y?"Hirap na hirap na sabi ko sakanya. Para akong sinapak sa lalamunan nang ilang beses sa sakit.
Binatukan ako ni Vien na sanhi nang pagkahilo ko. Alam kong mahina lang yun pero...fuck!
Narinig ko ang pagsinghap ni West sa likod ko."Vien! Bat mo binatukan? Hera..ano ayos kalang?"
Naramdam ko naman na dinala nila ako uli sa kama at hiniga."Sorry naman! Ang kulit kase eh! Dito kalang Hera...kami na bahala sa mga prof. Okay?"
Kahit nakahiga..pinilit ko mag teleport papuntang closet. Narinig ko ang sigawan nila sa labas kaya kahit masakit ang buong katawan ko..binilisan ko ang paghahanap sa mga kakailanganin tsaka nagteleport papuntang cr.
Napahawak ako sa pintuan at nilock ito. Sana pagkaligo ko mawala kahit papaano.
Pilit nilang kinakatok ang pinto at magteleport pero tinuloy ko padin ang pagligo. Nun matapos ako..dali dali ako nagbihis nang uniform at nagsuot nang hoodie.
Lumabas na ako at nagsuklay.Wala silang nagawa sa katigasan nang ulo ko..kaya blinower nalang ni West yun buhok ko at tinali nang patirintas.
Pinakain naman ni Vien si Emerald dahil sabi ko dadalhin ko sya ngayon. Pumayag naman silang dalawa dahil si Emerald lang ang makakapigil sakin kapag sobra na.
"Mapakakulit mong bata Hera! Naiirita ako sayo at the same time,natutuwa,"bulong bulong ni Vien. Sana nilakasan nya para marinig namin lalo diba.
Inirapan ko lang sya at sumenyas na alis na kami. Kinuha ko si Emerald na nanahimik sa gilid kasi kakainom lang nang gatas.
Nang makadating kami sa classroom ay dere deretso ako sa upuan ko at hiniga ang ulo ko. Binati ako ni Aurs pero ngiti lang na maliit ang ganti ko.Hindi ako nagsalita dahil kada salita ko parang pinupunit ang lalamunan ko.
Nilaro laro nya lang si Emerald dahil napansin nya ata na may sakit ako.
Huminga ako nang malalim at pumikit. Fvck! Parang binibiyak naman ang ulo ko ngayon. Gusto ko umiyak kaso parang ayaw nang mata ko.
"Good morning class!"
Pinilit kong tumayo at makisabay sa pagbati kay prof."Good afternoon,Prof!"
Naglip sync lang ako dahil di pa man ako magsalita..nakirot na agad ang lalamunan ko.
Pinaupo na kami ni sir at nag dimula na syang paalalahanan uli tungkol sa evaluation. Paano ako nito?
Ampusa naman talaga oo. Napahilot ako sa noo nang makaramdam nang kirot sa pag iisip.
Mabilis lang ang oras kaya natapos agad yun mga subject namin.Nanatili lang ako sa upuan ko nun marinig ko yun lunch break.
Feeling ko kase natutumba lang ako kapag tumayo kaya matutulog nalang ako dito hanggang magtime na uli.