(Unedited*)
Hera POV:
Nang sinabi ko na magtago sila ay agad naman silang sumunod.Nilabas ko maliit na kutsilyo sa bulsa ko habang nagtatago.
"YUHOOOOOOOO!West? West nasaan ka? Tsk..parang wala naman si West dito pre sabi mo narinig mo sya?"Rinig kong malakas na sabi nang anino.
"Oo nga. Narinig ko syang sumigaw kanina."Sagot nito sa kasamahan.
Nakita kong bumulong si West kay Vien at lumabas sila sa pinagtataguan nila.
"Alex!Seid!"Sigaw ni West.
"Sabi sayo eh si West yun narinig ko."sabi nang isang lalaki.
Hay..gusto ko nang matapos ito. Nagugutom na ako at inaantok.Lumabas nadin ako sa pinagtataguan ko.
"Ang lakas naman ng pandinig mo kung narinig mo sya."Matabang na sabi ko.
"Hera...."sabi nun lalaki na naghahanap kay West.
Hindi ko na sya pinansin pa at nagpaalam nako kila Vien dahil di naman talaga ako sasama sa paligsahan.
Aalis na sana ako nang parang bula na ewan ang nakaharang.Pilit ko tong binubutas pero ayaw.
Naglakad papalapit sakin yun Seid"Wag mo nang pilitin iyan..ginawa na namin lahat kanina ngunit ayaw talaga."
Napabungtong hininga na lamang ako at nag kibit balikat.Lumapit samin sila Vein at nag aya na magpahinga muna.
Lumakad sakin yun isa pang kasama nya"Hi I'm Alex!"sabay alok nang kamay sakin "Si Seid naman yun nagsabi sayo na dito mo masisira yan. Kaibigan kami ni West"
"Hera.."Simpleng pagpapakilala ko at hinawakan saglit ang kamay ni Alex.
Bigla naman nagsalita si West"Sooo..Alex,Di nyo naman sakin sinabi na gusto nyo din makapag aral ah?"
"Wala naman kase ako interes dyan eh..ayan si Seid ang humatak sakin."Tugon ni Alex.
"Ahhh..may nalaman ba kayo kung paano ang laro?"Sunod na tanong ni West.
"Meron..kailangan daw kunin yun gintong laso.."
"Iyon lang ba kailangan? Pfft. Ang dali pala nito." Sabat ni Vien.
Agad kong tinignan si Vien"Hindi mo ba nakuha? Akala mo ganun kadali iyon?"
Napakunot ang noo nito"Bakit? Di ba iyon ganon?"
Ngumisi ako."Sa tingin mo bakit lima lang ang laso?"
Umiling lamang siya. Kahit ang mga kasama nila ay napatingin na sakin. Seryoso ko silang tinignan"Satingin mo kapag nakuha mo na ito..Iyo na agad?Hindi,Maagaw pa din sayo yan kung di mo binantayan.Dahil katulad mo,May mga desperado din makapag aral..at gagawin nila ang lahat para makuha yon. Kahit pa buhay mo ang kapalit."
Tumayo ako."Kaya pag may nakita ka nang laso,asahan mong may aatake sayo."
--End of chapter 2