••Hera POV••
"Veux, Vien! Sandali lang!" Sigaw ko habang pilit na hinahabol sila. Sumipol ako kay Emerald pero mukang naapektuhan ng sugat niya ang kaniyang matalas na pandinig.
Umakyat ako sa mga puno upang mas paiikliin ang layo namin pero tumigil ang ilaw sa lumang gusali ng unibersidad. Halos umulit sa aking isipan ang sakit at mga pangyayari dito.
"Bakit ka tumigil, Hera?" Napatingin ako sa direksyon ni Vien. Nakapasok siya sa gusali at parang hinihintay lang ako.
"Bakit, Vien? Bakit mo iyong nagawa?"
Ngumiti ito sakin. "Bakit hindi ka muna pumasok at lumapit saakin, hmm?"
Huminga muna ako ng kaonti bago madahan umapak muli. Para kong naririnig ang sigaw ng aking mga kaibigan.
Nang makapasok ako, pumunta siya sa pataas sa tuktok ng gusali.
"Vien, saglit naman..." Napansin ko si Veux na parang nagtatago sa ilalim ng hagdan at nanghihina. Lumapit ako kay Veux at nakita ang tamlay sa kanyang mata.
"Sdoof lliw eb everes." bulong ko rito at lumabas nag mga pagkain para sakanya. Tinapik ko ito sa noo at naiintindihan ko ang sitwasyon niya. Wala siyang magawa kundi sundin ang mga sinasabi ng amo niya.
Sumunod nako kay Vien pataas. Nakaupo ito sa gilid at may apoy na nakaayos sa gitna.
"Nagtataka ka marahil bakit nangyayari ito... Eh sa simula palang ako ang pumilit sayo tapos ako pa nag gumugulo sa unibersidad."
Akmang lalapit pa sana ako sakanya ng pinigilan niya ako."Diyan!-- Diyan ka lang, Hera."
Umupo ako sa lapag. "Ituloy mo na ang iyong sasabihin."
"Herause Saren, natatandaan mo ba ang mga pangyayari dito?"
Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?"
"Tinanong ko kung natatandaan mo pa ba!" Biglang may tumama na patalim sa aking kamay. Napangiwi ako ng bumaon ito sa lapag.
"Hindi ko alam kung paano mo nalaman pero walang araw na nakalimutan ko ang mga nangyari noon."
Lumuluha itong humarap sakin. "Sobrang saya nila, Hera. Masaya sila habang kwinekwento ka saakin! Halos nagselos ako sa pagtrato nila sayo tapos maabutan ko pa silang--"
Nanlamig ang buong katawan ko. Lumaki ang nakapalibot na aura kay Vien at naging itim ang lahat.
----
"Hera? Gumising ka na please, malapit na niya tayong abutan."
Napahawak ako sa ulo ko. Para itong binibiyak sa sakit. Tumingin ako sa gilid ko at halos napaluha ako ng makita si Jules.
Nakahawak naman sa balikat ko si Stirk at nasa harap namin si Aera.
Hindi ko na napigilan na yakapin silang lahat. Nagulat ang mga ito pero hinayaan nila ako.
"Ayos ka lang ba Hera? Akala namin patay kana! Halos hindi kana humihinga kanina," Saad ni Stirk.
Tumango lang ako at akmang magsasalita pero walang boses na lumabas sa aking bibig.
Hinihingal nila akong binaba sa isang silid at hinarangan ito. Humawak ako sa kamay ni Aera ng makarinig ng kalabog. Gumanti naman ito sa higpit ng paghawak na parang inaalo ako.
Ngumiti siya sakin. "Magiging okay lang ang laha--"
Naputol ang sinasabi ni Aera ng may biglang matalas na sibat ang tumagos mula sa pintuan. Napuno ng takot ang mata ko at hinawakan ang sibat.