Chapter 96••3rd POV••
Pinagmamasdan ni Rei si Hera na kumakain ngayon ng mansanas. Naramdaman ni Hera na may nakatingin sakaniya kaya nawala ang atensyon nito sa mansanas at tumingin sa lalaking nakaupo.
"Gusto mo?"
"Ahh... No, go ahead and kumain ka lang diyan."
Binaba ni Hera ang mansanas at umayos ng upo.
"Ano pala sadya mo ulit at nandito ka?"
"Gusto ko sanang makipag kwentuhan kung anong ginagawa mo dito, bakit nanyayari toh satin, ano ba talaga ang reyalidad, o-"
Nahalata ni Rei ang pagkalito kaya kumalma lang siya.
"Hindi ko alam kung makakatulong ito pero kung saan kita nakilala, ang pangalan ko roon ay Jules..."
Mas lalong nagkunot ang noo ni Hera. "Jules?"
Tumango ito. "Naalala mo ba?"
"Hmm..." Muka talaga itong walang alam kaya hindi na pinilit ni Rei.
"Magkwekwento nalang ako sayo..."
••Rei's POV••
"4 months ago, halos ganyan din ang sitwasyon ko katulad mo. Habang nasa comatose ako, sa panaginip ko ay isa akong bata ngunit namatay dahil sa taong sakim. Pag gising ko ay bumungad sakin ang katawan kong puno ng apparatus at ang muka ng kuya ko. Ang hindi ko maintindihan ay bakit hindi mo ako maalala at wala kang naalala tungkol sa mga napaginipan mo... "
" Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang reyalidad, ito ba o iyon naalala ko? "
Biglang sumakit ang ulo ko kaya umupo ako muli.
" Baka naman gawa gawa lang talaga panaginip yun? "Saad ni Hera.
" Naisip ko rin yan pero kung talagang gawa gawa lang yun, bakit ka nasa harap ko? Kahit bata pa tayo nun, naalala ko ang mga muka, pangalan, mga pangyayari at ang tatlong nunal mo sa muka. Besides that, it feels so real."
"Hoy, ginagawa mo dito?" Biglang salita ng kung sino. Tumingin ako sa pinto at iniluwa nun ang kuya ko.
Napatingin ako sa oras. "Di ko namalayan ang oras, here's my contact number. Update mo ko pag may nararamdam kang relat3d sa usapan natin."
Inakbayan ko si kuya at lumabas na kami.
"So? Anong ginagawa mo sa loob ng kwarto ng pasyente ko? At wala pang bantay..."
"Shut it, bro. Di mo sinabi sakin na may kadamay pala ako sa sakit ko noon."
Inalis niya ang akbay ko. "Nag aasikaso ako nun sayo at saktong nadiagnosed ang sakit nya nun pag alis mo dito."
'so what is this disease all about? Bakit kami biglang nagkaroon nito?'
"Saan ka pa di nakakapunta?" Tanong nito sakin.
"Wala naman na, natour nako kanina eh..."
"Edi ano pa gagawin mo dito?"
Napaisip ako ng konti. Kailangan ko pang makausap si Hera pero satingin ko kailangan nya pa ng pahinga. "Wala na, hintayin ko nalang siguro out mo."
Napatingin ito sa orasan nya. "Hmm, may 2 hours pa pero wala naman ginagawa sa e.r ngayon..."
Di pa man nag iinit ang inuupuan ko ay nagtanong na uli ito. "Type mo si Miss Gomeza?"
Hindi ko ito sinagot at tinulak na lang siya papasok muli sa ospital. Tinawanan lang niya ako at kumaway habang naglalakad.
-----