Chapter 22
••Hera POV••
"Herause!"
"Hera!!"
"Pst..Hera!"
Napakurap kurap muna ako bago lumingon kay Aurs. "Ano ba yun,Aurs?"
Ngumuso siya sa may pintuan."Narinig ko kase yun lakad nun teacher kaya ginising na kita,"
Pumasok naman bigla ang aming guro. Umayos ako nang upo at sabay sabay kaming bumati sakanya.
Binati nya kami pabalik at pinaupo. "So alam nyo naman class na malapit na ang evaluation... nag simula na ba kayong mag training?"
Kanya kanya sila nang sang ayon. Yun iba ay nanlumo at mukang kinakabahan.
Tumango lang si Sir at nag dicuss na about sa history thingy. Nabasa ko nanaman na iyun kaya tumunganga naman ako sa pisara.
I'm still worrying about Rade tho. Di ako pinansin last time bago ako matulog. Di ko padin alam ang dahilan kung bakit di nya ko pinapansin.
Napairap ako sa kawalan. Kalalaking tao di nagsasabi tss. Pero bakit kaya? Mukang kailangan ko na syang kausapin nang masinsinan.
Pst. Ano bang kasalanan ko sakanya? "Pabebe ang puta."
"Miss Saren,"
Napatingin ako agad kay sir. Shet nalakasan ko ba? Pabo!
"Do you have a question? Ayoko sa lahat ang di nakikinig sakin,Ms Saren. Dahil dyan tayo."
Nahihiya akong nagbaba nang tingin at tumayo. Malas talaga yan si Rade sa buhay ko! Narinig ko ang mahinang tawa nang klase kaya lumingon ako sa likod at sinamaan sila nang tingin. Tss.
"Ms. Saren,Kailan binuksan ang paaralan?"Tanong ni sir kaya napabaling uli sakanya ang atensyon ko.
"Wlang eksaktong date sir,pero may year sya."
Napansin ko na medyo umangat yun sulok nang labi nya. "Then when is it?"
"1961."
"Hmm..bakit natagalan ang pagpapatayo sa unibersidad?"
"Because of the lackness in financial and support from the Head."
"Nice,huling tanong para sayo Miss.. Kailangan nagsimula ang paghihirap nang wizardos?"
Natigilan naman ako saglit at sinilip ang board. "Sir..pero di naman kasama pa iyan at nasa simula palang tayo,"
"I know..Bonus question lang at pag nasagot mo exempted kana sa first quiz ngayon. So ano sasagot ka ba or hindi?" Hmm. Tempting.
Narinig ko ang mga kaklase ko na sila nalang daw. Marami na din nagtaas nang kamay at nagsisisigaw nang 'ako ser!'
Nagsenyas naman si sir na tumahimik at hinihintay ang sagot ko.
Ngumiti ako nang maliit bago sumagot."1990,nagsimula ang paghihirap nila. Nagpasya kase nun direktor dati na sila ang pinakamalakas kaya sinanay sila nang mabuti ngunit maling pagsasanay."
Marahang pumalakpak si sir. Mga three ganun."Well done. Exempted kana. Go on tumulala ka na uli."
Umupo nalang ako at dumukdok sa lamesa. Medyo nakakahiya iyon ah. Pasimple akong sumulyap kay Rade. Nakita ko na nakapokus lang sya sinasabi ni sir. Nagsulat ako sa isang maliit na papel na pasimple kong ilalagay sa bag ni Rade.
Nagtaas ako nang kamay kay sir."Yes, Miss?"
"Can I go out?"
Tumango ito."Go ahead,pag pinagsabihan ka..sabihin mo lang ang pangalan ko."