Chapter 30
••Hera POV••
"ALEX GAZO!"
Naghiyawan naman ang tao sa buong lugar. Tumayo na si Alex at nakuha pang ngumiti at kumindat samin.
Tss pasikat.
Nanatili ang ngiti nya hanggang makaakyat sya. Nun magkatitigan sila nun kalaban nya na si Tiw,taga section A,ay kumindat uli ito.
Base sa aura nun kalaban ay mukang itong malakas kaya naman mahahalata mo sa muka ni Vien na nangangamba.
Sumenyas na ang host like sakanila na hudyat nang pagsisimula. Umikot ikot sila parehas ng biglang umatake na ang kalaban!
Agad na nasangga ito ni Alex at sumugod pabalik. Naiwasan ito nang kalaban at nag summon nang dragon na gawa sa tubig. Inatake nito si Alex. Sa bilis nito ay di ito naiwasan ni Alex at napuruhan ang kanyang kaliwang kamay. Di man rinig pero batid kona sya ay sumigaw base sa pagkabukas nang kanyang bibig.
••Third POV••
Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa loob nang barrier na galing kay Alex. Napaatras ito nang makitang gumagalaw uli ang dragon kaya naman gumamit sya nang ability nya upang maiwasan ang muling pag atake nito.
Naiinis na kinontrol ng isang lalaki ang dragon dahil hindi nya na muling matamaan ang isang binata. Pilit nya itong hinuhuli ngunit mabilis na nakakaalis ang binata.
Di namalayan nang lalaki na nakalapit na sakanya ang binata at mabilis syang sinapak.
Di pa ito nakakabangon ay pinagsasapak na ito nang mabilis ng binata. Di man magalaw ang isang kamay ay mararamdaman talaga ang lakas sa bawat suntok.
Napangiti ang lalaki dahil nahahalata na sa binata ang pagkahina at pagod kaya sinipa nya ito. Gumawa sya nang malaking bilog na puno nang tubig at kinulong ang binata.
••Alex POV••
Di ako makahinga. Pinilit kong lumangoy palabas kaso parang walang katapusan kahit na mukang maliit lang ito.
Nararamdaman ko na ang kawalan ko nang hininga at pagkalabo nang paningin ko.
Pero bigla akong nakawala sa bola nang tubig at sinipa ako muli nang aking kalaban. Narinig ko din ang mahina nyang tawa.
"Tsk. Sabi ko na nga ba mahina lang kayo"sabay tawa."puro lang kayo paganda at pagwapo wala kayong lakas HAHAHA!"
Napasara bigla ang aking kamao at pinilit na tumayi at sinapak sya. Ramdam ang gigil sa bawat suntok ko.
Bigla akong nakulong sa tubig uli. Mabilis aking pumadyak ngunit katulad nang kanina ay wala itong silbi. Para itong walang katapusan.
Ramdam ko ang sakit sa bawat parte ng katawan kaya tumigil nako kakapalag. Pumikit ako at hinihintay ko na lamang na maubos ang aking hininga.
Ngunit,sa pangalawang pagkakataon,nawala uli ang tubig na pumapalibot sakin.
Napaubo ako nang malakas at hingal na hingal na tumingin sa babaeng may hawak sa kalaban ko.
'Hera'.
---------------TO BE CONTINUED-----------------
A/N:
-SALAMAT SA PAGBABASA!GUSTONG GUSTO KONG BITININ KAYO PARA MAS MACURIOUS PA KAYO HEHE.
-MAG IWAN NANG REAKSYON AT KOMENTO SA IBABA!
-PANATILIHIN LIGTAS PALAGI AT WAG PAPAUHAW!