Chapter 54

23 0 0
                                    

●●LEARN TO RESPECT REPLY BOX POLICY. WAG PAKALAT KALAT PLEASE.●●

*Good evening ladies and gentlemen, you are invited to go in our Festa ball... Dance the night away and please enjoy. *

Chapter 54

••Hera POV••

Habang naglalakad ay parang may nakalimutan ako. Tinignan ko ang suot at gamit ko, hmm. May kulang talaga.

"oh bakit Hera? May nawawala ba sayo?"

Tumango ako. "Saglit titignan ko muna uli ang silid ko. Mauna na kayo."

"Osige basta bilisan mo dahil bibilangin tayo ha?" Tumango ako muli at madaling bumalik sa kwarto. Nakita ko sila Emerald at ang ang gwardiya na nagbabantay sakanila.

"Binibini, bakit ay muling bumalik? Hindi ba't magsisimula na ang pagtitipon ninyo roon?"

Nakita ko ang singsing sa gilid ng mesa. Ito pala iyon.

"Pasensya na, May nakalimutan lamang ako... Paalam." sambit ko bago ko sinara ang pinto. Halos tinakbo ko na ang silid kung saan gaganapin ang ball dahil narinig ko ang tunog ng kampana.

Bumungad sakin ang malaking sarado ng pinto. Kinatok ko ito ngunit walang nagbukas. Kaya naman tinulak ko ito ng malakas na sanhi kung bakit tunog ito ng malakas.

Bumukas ito at bumungad ang pababang hagdan kung nasaan napakaraming nilalang ang nakatingin sa direksyon ko. Sumakto pang biglang nahulog ang aking kapa sa sahig.

Lubha akong nahiya kaya naman bumaba na ako agad pagtapos kunin ang kapa. Hindi ko napansin ang dalawa pang baitang kaya natisod ako.

"puta--!!"

Napapikit na lamang ako at sinalubong ang aking kapalaran na madapa. Pero bago lumapat ang aking muka ay may humatak na sakin kamay at hinila papalapit sakanya.

"Hello Hera, Ayos ka lang ba?"

Nalula ako sa sobrang lapit saakin ni Rade. Napabitaw ako sakanya ng marinig ang tilian sa paligid at naradaman ang pusong nakikisali sa sigaw.

"A-ano oo maayos naman, sige mauna nako."

"Sandali,"

Napahinga ako ng malalim nang mas lalo kong naramdaman ang bilis ng puso ko. Napalunok ako bago muling humarap sakanya.

"Kapa mo." Sabi nya bago iniabot ang kapa. Napatango nalang ako at muling naglakad upang hanapin sila Vien.

Hindi pa ko nakakalayo ay bigla akong tinawag ni Fran.

"Wow, nakakabighani ang iyon kagandahan binibini..." Salubong na biro sakin ni Fran. Hinamoas ko sya ng malakas dahil ayokong asarin nya ko buong magdamag.

"Aray! Napakaano mo Hera, Tara uupo daw tayo dun pero mamaya pagtapos ng onting salita ng hari ay pwede kana pumunta uli sa mga kaibigan mo."

Hinatak nya nako sa papunta sa upuan na apat na nakalagay sa medyo harap.

"You look nice, gorgeous," Napangiti ako sa porma ni Copper. Muka syang pirata pero bagay naman ito sakanya. Saktong may takip pa ang kanyang kaliwang mata kaya muka talaga syang pirata.

"Oy anong trip mo Copper? Tignan mo pati si Hera natawa sa itsura mo" Sabi ni Fran sabay tawa. Napailing na lamang ako at umupo dahil alam kong magbabangayan nanaman ang dalawa. Hinahanap ko si Peter dahil nacucurious ako kung anong itsura nya.

"Aherm aherm--MAGANDANG GABI MGA NAGGAGANDAHAN NILALANG! HANDA NA BA KAYO SA ATIN HULING GABI NA KASIYAHAN?"

Sumigaw ang karamihan ng 'oo' habang tumatalon.

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon