••Hera POV••
Ang pangatlong araw kung saan papayagan kaming umuwi muli sa aming mga tahanan. Pwede din naman manatili dahil isang araw lang din naman ito.
Maaga palang ay nagising na ako sa katok. Nagpaalam sila saakin dahil uuwi daw ang mga ito at inaaya ako ngunit wala naman akong uuwian kaya pinili ko nalang na maiwan.
Muli akong bumalik sa aking pagtulog na umlais na sila. Halos alas tres palang ng umaga kaya madali akong nakatulog muli. Pero mga ilang oras lamang ang lumipas at dinifilaan nako sa muka ni Emerald.
"Oo na... Oo na babangon nako!" Inis akong bumangon at naghilamos. Dahil may nyebe pa naman sa labas nagpasya akong pumunta sa gym. Iniwan ko muna sila dahil sasaglit lang naman ako dun, magpapawis ng onti.
Dahil wala naman tao pwera lang sa gwardiya na nagbabantay, hindi nako kumuha ng pribadong silid at nagtreadmill sa gilid.
Patapos na akong magtreadmill ng may nagsalita sa gilid ko. "Hey."
Napalingon ako at huminto sa pagtakbo. "Nexan? Anong ginagawa mo dito?"
"Wala na ba akong karapatan dito?" pagbalik tanong nya sakin. Umiling nalang ako at kinuha ang tubig sa lapag bago uminom. Huminga muna ako bago nagtanong muli.
"Paano mo nagawa yon?"
"Ang alen?"
"Yun sa kantahan... Binago ko iyon at pinalitan ng pangalan mo, paanong ako parin ang natawag?"
Ngumisi sya bigla. "Ginawa mo yon?"
Napaiwas ako ng tingin. Hindi nya alam? Nautol ang pag iisip ko ng magsalita sya.
"Kapwa wizard mo ang nag host kagabi,"
'Ahhh kaya pala. '
Nagkibit balikat nalang ako at tumalikod na sakanya. "Saglit. "
Napalingon ako muli sakanya.
"Bat?"
"Gusto sana kitang ayain..." saad nya.
Napakunot ang noo ko dahil binitin nya pa ang kanyang salita. "Saan?"
"Bukas sa Ball."
"Kapares ko na si Rade, pasensya na." tumalikod nako at umalis.
••Nexan POV••
Napailing nalang ako habang umaalis sya. Sana pala inaya ko na sya noon. Naglakad ako papuntang field. Umupo lang ako sa gitna tutal wala naman masyadong tao na dumadaan.
Unting unti pumatak ang nyebe sa aking katawan, nararamdaman ko ang lamig pero hindi ako nilalamig. Isa sa mga katangian ng bampira kaya malaya akong nakakaupo o hindi kaya't humiga.
Napapikit na lamang ako at napaisip muli kung bakit ako lumuha sakanya.
**Flashback**
"Mama..." bigla akong bumangon ng maaninag ang bulto ng aking ina papuntang talon. Mabilis akong kumilos at agad syang hinabol.
"Mama!--Ma saan ka pupunta?" Hindi ko alam kung bakit parang napakabagal ng kilos ko ngayon. Napahinto ako ng bigla itong nawala sa paningin ko.
"Ma--Nasaan ka mama? Ma!" Kinakabahan ako dahil hindi pamilyar ang daanan saakin pero wala akong pake basta makita ko si Mama!
Biglang lumabas ang mga nakatakip ang muka. "Itali sya."
Nilabanan ko ang lahat na magtangkang lumaban sakin ngunit may ilaw sila na masakit sa balat.
"AAAAAARRRGGGHHHHHH-" Napahiga ako sa damuhan at agad nilang tinalian.
"Ngayon pagmasdan mo ang pagkamatay ng iyong ina!" At tumawa ng malakas. Napatingin ako sa harap nakita ko si mama na nakatali at nakaluhod habang may dalawang espada naman sa magkabilang gilid nito.