●●LEARN TO RESPECT THE REPLY BOX POLICY.WAG PAKALAT KALAT PLEASE.●●
Chapter 16
••Hera POV••
"Class dismissed!"Hay salamat at makakatulog nako nang dalawang araw.
"Hey,Hera...punta tayong canteen? Nagugutom nako kuha tayo kahit snacks lang..please?"Nakanguso sabi ni Aurs.
Tumango naman ako."Wait paalam lang ako kay Vien baka may gusto silang kainin..."
Binato ko nang papel si Vien. Boom!Tinamaan sya sa ulo.
Galit naman syang tumingin sa paligid at nakita ako. Inirapan nya lang ako at lumapit samin.
Binato niya sakin pabalik yun papel."Ikaw Hera ah! Masakit yun!"
Ngumisi lang ako sakanya."Pupunta kami sa canteen..may papakuha ka?"
"Kuha moko kape? Tsaka cheese bread ah? Hehe thanks!"
"Ikaw West?"
Tumingin naman si West."Wag na ate Hera,"
Tumango lang ako at lumingon na kay Aurs. Nakita ko sya na sa pinto na kaya tumayo na ako at lumapit sakanya.
"Oh..may papakuha ba sya?"Tanong nya.
"Mmm...meron."
"So...pwede ko bang makita yun guardian mo? Hehe ang mukhang cute eh! Kamukha mo."
Nagtaka ako kung paano nya nalaman."Pano mo nalaman?"
"Narinig ko kayo nila Vien sa hallway eh hehe," sabay ngiti.
Ahh. "Iniwan ko sya sa kwarto namin. Sa susunod na linggo nalang."
Tumango naman sya at hinatak ako sa....cr?
"Anong gagawin natin dito?"
Di sya nagsalita at pinasok nya kami pareho sa isang cubicle.
Wtf?
"Ssshhh..magteleport nalang tayo dun. Nakakatamad eh.."
Napabuga nalang ako. "Cómos Portás."
Nasa harap na kami nang mini mart kuno. Napangiti naman si Aurs at pumasok na.
Sumunod ako sakanya at kumuha nang basket. Kinuha ko yun gusto muna ni Vien bago yun akin.
Kumuha ako nang dalawang cheese bread yun malaki na tapos dalawang bote nang kape. Yun para sakin naman ay strawberries,sampung garlic bread yun bagong luto at Pomelo na juice.
Nakita ko na hinihintay nalang ako ni Aurs. Ang bilis ah?
Pumila nako para ilagay nila sa supot. Tinawag ako ni Aurs.
"Dami nyan ah?"I just shrugged. Tinatamad ako magsalita eh.
Lumabas na kami pagtapos ko at nagteleport na uli.
Habang naglalakad papunta sa classroom ay nagkwentuhan kami.
"So ano pangalan nang guardian mo?"
Kumuha ako nang isang garlic bread."Emerald."
"Taray! Pang mayaman..."natatawa nyang sambit.
Ngumiti nalang ako at umiling. Kakaiba talaga.
Nakita ko sa bungad na parang may inaabangan si Vien.
"Hera!Ang tagal mo ha,"
Wow demanding ang ate nyo. Tss.Nginudnod ko sakanya yun mga pagkain nya.