Chapter 21
••Hera POV••
Malakas kong binawi ang mga kamay ko. Nagulat pa sila pero sinuntok ko lang sila. Sinenyasan ko si West at Vien. Nakita ko na pumalag na sila at nakipaglaban.
Nakita ko na naalarma yun boss daw nila kuno. Pero umatake ito sakin. Mabilis ang mga kilos nito kaya di ko nasangga ang isang suntok na papunta sa tyan ko.. Napahiga ako at medyo nagpagulong gulong sa sakit.
Fvck!Puputulin ko talaga ang ari nito pagnakabawi nako! Sinabunutan ako nito at sinampal nang malakas."Yan ang gusto ko miss palaban HAHAHAHA!"
Kahit makirot yun tyan ko ay sinuntok ko padin sya. Nakita ko na nakatayo na pala yun dalawa at may hawak na lubid. Tinakbo ko ang pagitan namin at sinipa yun isa. Nakaiwas naman sya at muntik nang itali ang paa ko pero naiwas ko ito.
Inatake ako nun isa nang suntok. Sinangga ko ito at inatake din sya. Mabilis lang ang nanyari dahil nakitaan ko sya nang butas. Kaagad kung tinuhod yun alaga nya at sinuntok sya sa may bandang puso. Napahiga ito.
Bigla akong nahawakan nun isa kaya siniko ko ito sa muka. Napahawak ito sa muka pero tumakbo ito sakin. Nakahanda na yun mga lubid kaya hinatak ko ito at sinuntok ito sa muka. Napahawak sya sa kamao ko kaya sinipa ko yun leeg nya para makatulog ito. Bumagsak yun katawan nya.
May humampas sa likod ko kaya napaupo ako. Ang sakit nun puta. Sinipa sipa ako nun kaya napilipit ko ang katawan ko. Shit!
Natamaan nya yun tyan ko kaya medyo napasigaw ako. Kawawa naman ang tyan ko potrages. Hinampas nya uli sakin yun kahoy nang paulit ulit. Di pa sya natuwa at inapakan pa ako.
Nanlalabo na ang paningin ko. Biglang may malakas na kalabog akong narinig. May nakita akong isang pigura na parang galit dahil narinig ko ang paghinga nya nang malakas.
Dahil nataranta ako dali dali kong hinawakan ang paa nun nakaapak sakin at sinipa ang ano nya. Napahiyaw ito sa sakit. Nagmadali akong tumayo at kahit masakit ang katawan ko ay binalibag ko ito. Narinig ko ang pagtunog nang leeg nun.
Ngumisi ako saglit pero agad din napaupo. Naramdaman ko na may umalalay sakin bago nagdilim ang paningin ko.
••West POV••
Nagulat kami nang mawalan nang malay si ate Hera.Agad itong inalalayan ni Rade.
"Sa clinic Vien,West!!"
Tumakbo ito palabas. Nakita ko na may mga sumisilip. Psh mga tsismoso/tsismosa.
Inalalayan ko si Vien na parang nahihirapan huminga."Halika Vien,Magpunta na din tayo dun.."
Sumandal sya sa pader at hindi nagsalita. Kinuha ko si Emerald na nakatingin sa mga lalaki na nasa sahig. "Let's go Emerald...Vien halika na,"
Kinuha mo na ni Vien yun mga jacket pero di na nag abala na isuot ito. Sabay kaming lumabas ni Vien at pumunta nang clinic.
"Grabe ang first day of training natin naging realistic HAHAHAHA! Kala ko yun sandbag lang masusuntok ko ngayon HAHAHAHA!"Wika ni Vien.
Napatawa nalang ako nang mahina. Naramdaman ko yun sakit kaya naging ngiwi yun. "Kulang pa talaga ako sa lakas...grabe sakit nang katawan ko,"
Pabirong minasahe ni Vien yun mga balikat ko."First training eh.
Tignan mo yun isa nahimatay.. pfft."Napailing nalang ako sakanya. Grabe yun closeness nila ni ate binibiro biro nya lang yun nanyari kanina.
"Di kaba natakot,Vien?" Nakita ko naman yun pagtataka sa muka nya. Pero umiling sya.
"Bakit ako matatakot? Alam ko naman na mapapasabak tayo kanina nun pumasok sila eh..."