Chapter 94

15 0 0
                                    


••3rd POV••

Nawala ang mabigat na presensya na nakapalibot kila Hera.

Binuhat ni Vuex si Hera bago sila nagteleport na sila Vien papuntang unibersidad.

Sa makulimlim na mga ulap, nagsimulang magpakita ang munting liwanag. Halos paubos na din ang mga halimaw at nakakapahinga na rin ang mga estudyante.

Natanaw ni Nexan dila Hera at ngumiti dito. Kumaway bigla si Hera at nagtatago naman si Vien sa likod nito.

Tumigil si Veux sa isang puno at nagpahinga. Lumakad naman si Hera kay Nexan at niyakap ito. Gumanti ito ng yakap at idinandal ang ulo nito sa balikat ni Hera.

"Pagod?"

Naramdam ni Hera na tumango ito. Pipikit na sana si Hera ng makita ang papalapit na Nexan? Tila sumisigaw ito pero naramdaman ni Hera ang pagtagos ng patalim sa kanyang likod.

"Nexan?-" napatigil ito sa pagsasalita ng nakangiti ito ng malawak sakanya. Unting unti natunaw ang kanyang muka at inilabas nito si Vien.

Napatingin siya sa pwesto nila Vuex at nakita ang kasamang Vien ay naging usok.

"Satingin mo ganun ganon nalang yon? Hindi ako makakaalis sa nakaraan hangga't hindi ka namamatay, HERA!" tinulak ni Vien si Hera at tumayo.

"HERA!" Sigaw ni Nexan mula sa malayo. Napahawak si Hera sa saksak na umiinit. Nakita niya na hawak na ng mga estudyante si Vien.

Isinandal ni Nexan si Hera sakanya at sumigaw na lumapit ang mga manggagamot sakaniya.

'Akala ko maayos na kami...'

May pumatak na luha sa kamay ni Nexan kaya napalingon ito sa muka ni Hera. Nakita niya ang lungkot at sakit sa kanyang muka.

Hinawakan niya ang muka ni Hera. "Hera..."

Ngumiti ito sakaniya. "Mahal kita sobra."

"Mahal na mahal kita Hera, please don't sound like you are gonna die."

••Hera POV••

Gusto ko magsalita ngunit walang lumalabas sa aking bibig.

Nakaramdam ako ng ihip ng hangin at para akong tinatangay nito.

'Nakakagaan ng pakiramdam...'

Nagdilim ang lahat.

---------

••3rd POV••

Huni ng ibon. Malamig na paligid. Malalakas na busina ng mga sasakyan. Pumapasok na sinag ng araw mula sa bintana.

Tanging tunog lamang ng vital signs monitor ang nangingibabaw sa loob ng silid. Sa payapang kapaligiran, isang dalaga ang nakahiga at walang malay sa puting silid.

"Hindi pa rin gumising?" pumasok ang dalawang nars sa loob ng silid.

"92 days na siyang walang malay... Satingin mo gigising pa siya?"

Napaisip ang isang nars. "Hindi ko masabi. Ngayon lang ako nakaencounter ng ganitong pasiyente eh."

Napangiwi ang isang nars ng mapansin ang madaming pasa sa munting katawan ng babae.

Pagtapos nila kunin ang vital signs at inayos ang feeding tube ay lumabas na sila.

Napansin ng dalawang nars ang doktor na nakakunot ang noo. "Bakit dok?"

Napahinga ito. "Paano ko sasabihin sa mga magulang na ang kanilang anak ay may kakaibang uri ng sakit at ang sakit na ito ay walang lunas o ni dalawang research tungkol sa sakit?"

"hmmm... Sabihin mo nalang ng straight dok. Wala na tayong magagawa tungkol diyan."

"Ano pa nga ba, pakitawagan sila Mr and Mrs. Gomeza." saad ng doktor at inayos ang kanyang itsura. Napatingin siya sa mga librong nakakalat sa gilid ng kanyang mesa.

'Nakapamisteryoso...'

Ilang sandali lamang ay rumaragasang pumasok si Mrs. Gomeza kay doktor.

" Kamusta ang aking anak, dok? Napaman nyo na po ba nag sakit niya? Handa kaming magbayad kahit magkano! Please, please pagalingin niyo lang ang aking anak!"

Tumayo ang doktor at pinaupo ang inang natataranta. "Huminahon ho kayo, Mrs. Gomeza. Hintayin natin saglit ang iyong asawa bago ko sabihin ang kalagayan ng anak niyo."

Nakalipas lamang ang sampung minuto ay dumating na din ang ama.

"Mr and Mrs Gomeaza, magandang umaga ho. Hindi na ho ako magpapaligoy ligoy pa at sasabihin ko na agad ang lagay ng inyong anak."

Pinakita ng doktor ang mga vital signs charts na nareresulta na maayos naman lahat. "Maayos naman ho ang lagay ng anak nyo bukod sa nasa state pa din ho siya ng comatose."

Sunod na nilipat ng doktor ang articles tungkol sa lymptomnan disease.

"Ang Lymptomnan disease A.K.A doll disease. The patient is suffering from limited moves and fragile like a doll. The symptoms are stiffness of muscles, fragile bones, difficulties in sleeping, easily tired, and bruises. Comatose may be one of the symptoms of the disease. We all knew that all the symptoms are 89% she's experiencing right now. The source of it is unknown. The cure is also unknown.  Due in lack of definiton and also our first time encountering this, kaya lang ho namin mag obserba. I'm deeply apologizing in advance, madame and sir. "

Tumigil bigla ang pangdinig ng mga magulang at hindi makapaniwala sa narinig.

" What do you mean lack of definition? Anong klaseng ospital ito kung hindi nyo magagamot at kulang kulang ang impormasyon nyo?! "Sigaw ni Mr. Gomeza.

" Sir, with due of all respect, please lower down your voice. Maaari ho kayo makaistorbo ng pasyente. "

Hinawakan ni Mr. Gomeza ang doktor sa kwelyo. Matatag ang tingin nito dito peor unting unti ito lumungkot at binitawan ang doktor.

Inalo niya ang kaniyang umiiyak na asawa palabas ng silid. Nagpawala ng buntong hininga ang doktor.

Lumabas ang doktor at pinunta ang pasiyente. Sinulyapan niya ito sa bintana at kahit ito ay nangangayayat hindi pa rin nawala ang karikitan nito . Napansin niya na tumatama ang sinag ng araw sa muka nito kaya naman pumasok siya upang isarado ang kurtina.

Inayos niya ang drops ng IV at tinignan ang mga marka ng pasa. Nahagip ng mata niya ang nametag nito sa kamay.

'Herause Gomeza...'

--------------------TO BE CONTINUED-------------------

⚠️Fake disease lang po yan. I made it all up : D

🍿SALAMAT SA PAGBABASA! KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN MAG IWAN NG LIKE, REACTIONS O KOMENTO SA BABA!

🍿STAY HEALTHY AND ILYA!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon