Chapter 59

20 0 0
                                    


(Kung may moment sila Rade, di papatalo ang isa :> enjoyyy. )

••Hera POV••

Napapagod akong bumaling kay Nexan. Tanginang leader toh wala man lang kaming pahinga. Mabilis ko siyang inatake at sinubukan lagyan ng marka ang muka nya ngunit madali nya lang akong naiwasan at nilagyan ng marka ang damit ko.

'shit, nakakadalawa palang ako kahit mahigit dalawnag oras na ata kaming nag eensayo.'

Di ko na kaya at humiga na ko sa lapag at huminga ng malalalim.

"Bumangon ka diyan, paano tayo matatapos nyan,"

Tinaasan ko sya ng gitnang daliri at narinig ko ang mahina nyang tawa. Napapikit ako dahik ang liwanag ng ilaw sa kisame ng maramdaman ko syang papalapit kaya dali dali kong nilock ang isang paa nya kaya napahiga sya. Kinuha ko ang uling at pinahiran sya ng pinahiran sa muka.

Sinusubukan nyang pumalag pero dahil may hawak ata syang tubigan kaya isang kamay nya lang ang sinasangga ko. Hindi ko naisip na maaari nyang bitawan ang tubigan kaya nakabangon sya at dinaganan ako.

"Gago alis hindi ako makahinga!" hindi nya ko pinansin at kinuha sa kamay ko ang uling. Para akong bulate na galaw ng galaw dahil pinapaliguan nya na den ako marka ng uling.

"puta, alis na hoy! Nexan--ALIS NA PETER, "

Tumigel sya sa ginagawa nya at tinignan ng muka ko. Bumusangot naman ako ng bigla syang tumawa.

"Tsk. Alis,"

Umalis na sya pero tawa pa din sya ng tawa.

'ayy happy na happy?'

Padabog kong kinuha ang tubigan at uminom.

"Kamusta ka?"

"buhay pa naman,"

Kinuha nya ang tubigan at uminom den bago nagsalita muli. "The school anniversary is coming very soon, we have to plan about it."

Tumango lang ako at niligpit na ang mga kalat. Wala ako sa mood makipag kwentuhan dahil pagod na ko.

"Ideas?"

Simpleng iling lang ako ginawad ko sakanya at binigay ang towel nya na nahulog.

"Alis na ko pro, papahinga pako."

"Wait!" lumingon naman ako sakanya pero hinatak nya na ko palabas. Umakyat kami sa pinakatutok ng palasyo at nakakamangha paglubog nang araw ang bumungad samin.

Habang nakatuktok ako sa araw, nasulyapan ko syang sumandal sa pader at pumikit.

'dapat pala sinama ko sila Winter at Emerald, tutal gustong gusto nila panoorin ang paglubog nang araw.

"Alam mo bang..." napatingin ako kay Nexan ng magsalita siya bigla.

"Ano?"

"Pag dumating ang babaeng mamahalin ko ng tunay at tapat, gusto ko araw araw namin panoorin ang pagsikat at paglubog nang araw,"

"Bakit naman?"

Ngumiti sya ng maliit at dumilat kaya nagtama ang paningin namin. "Gusto ko na alam nyang bago magsimula at magtapos ang araw, nasa tabi nya ako."

"Cheesy,"

Parang may nagliparan sa aking loob at gustong kumawala ng bigla syang tumawa.

Umupo kami sa lapag ng lumubog na nang tuluyan ang araw. Binigyan nya ako ng tinapay at dahil nagugutom nako, tinanggap ko na ito agad at binuksan.

Tahimik namin tinapos ang pagkain at naisipan pang tumambay saglit dahil magaganda ang bituin at maliwanag ang buwan.

Nagulat ako ng bigla nyang kinuha ang kamay ko. "A-ano yan bat may hawak hawak?"

"Hahahaha may ibibigay ko sayo,"

"Ano?"

"Singsing."

Nagtataka kong tinignan ang nilagay nya sa kamay ko. "ha bakit naman? Anong meron at nagbibigay ka ng ganto?"

"Sigurado na kase ako..."

"Saan?"

"Sigurado na kong..." napatingin ako sakanya ng pinutol nya ang salita nya.

"Saan ka sigurado?"

Tumingin naman sya saken at tinuro ang pintuan papasok. "Sigurado akong inaantok kana at di mo pa napapakain iyon mga alaga mo,"

Tumingin ako sa langit ng isa pang beses bago tumango. "Oo nga noh. Sige aalis nako ha, Papakainin ko pa kase sila Emerald."

'Tsaka na kita tatanungin Peter, sa ngayon magpapakain muna ako...'

----------------------------TO BE CONTINUED------------------------

A/N:

🍓SORRY LATE NANAMAN AKO AMP PATAPOS NA KASE ANG SCHOOL YEAR NAMEN YEY! Ayan naghihint nako ng mga mangyayari HAHAHAHAHA lezgo baka mag daily update ako or every other day updates so watch out!

🍓Maraming SALAMAT sa pagbabasa mag iwan ng reaksyon at komento sa baba!

🍓KEEP SAFE AT STAY HYDRATED ily💌

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon