Chapter 88••Vien POV••
Inapakan ko ang tabako at bumaba na. Nakita ko si Emerald na mukang naghihintay pa din kay Hera. Kumaway ako ng bigla itong tumingin sakin. Tumango lang ito at humiga na. Lumihis ako ng gawi at pupunta sa koleksiyon ng mga aklat. Naramdaman ko ang noo ni Veux at pinayagan siyang umalis.
Wala naman akong naging problema kay Veux dahil ito ay masunurin. Inilabas ko ang nakatagong maliit na paputok bago ito tinago sa isang aklat. Ang paputok na ito ay natatangi dahil kapag ito ay pumutok, naglalabas ito ng napakaraming apoy.
Lumabas nako sa silid at tumakbo. Nang sumabog ito, agad na kumalat ang apoy. Napangiti ako pero nun medyo lumapit na ang mga sigawan ay kailangan kong umarte.
"AAAAHHHH-*coughs* umalis kayo-o! S-s-sunog!"
May biglang humila sakin at dinala sa gilid. "Ayos ka lang ba?" Sabi ni Nexan.
Marahan akong tumango at tinuro ang aklatan. "b-biglang may malakas na pagsabog a-at kumalat bigla ang apoy..."
Lumapit si Nexan at pinagmasdan ang paligid. May umaapila na mga tubig ang abilidad ngunit palaki lang ng palaki ang apoy.
Nakarinig kami ng malakas na tunog at mga sigawan sa bandang kanluran. Ngumisi ako ng palihim dahil dito na magsisimula ang aking paghihiganti.
'Humanda kana Herause, Ako naman ang uubos ng iyong mga pinapahalagahan...'
---
"shit!" Sigaw ni Nexan. Mabilis niyan binasag ang isang kahon at may kinuhang maliit na kahoy.
Binali niya ito at binato pataas. Bigla itong nagsabog ng kulay kahel na ibig sabihin ay may umaatake sa unibersidad at hindi na kailangan pang magdalawang isip gamitin ang abilidad hanggang maubos.
Nasulyapan ko din ang ibang alpha na inaasikaso ang mga umaatake at mga gumagamot.
Ngumisi ako muli palihim. 'Umaayon na ang lahat...'
Walang ingay akong umalis doon at nagtungo kung nasaan ang labasan ng mga halimaw na umaatake. Kinuha ko ang mahiwagang patalim at nilakihan ang butas.
••3rd pov••
Sigawan. Kaguluhan. Apoy. Abilidad. Danak ng dugo. Sugatan. Mga katangian na kayang kaya sabihin habang umiikot ang oras.
Tumakbo si Nexan papuntang lagusan ngunit hinarang siya ng tatlong malalaking halimaw. Mabilis siyang umilag ng bigla itong nagpalipad ng kamao pero di nita inaasahan na ganun din ang ginawa ng isa pang halimaw.
Napaubo at dumura siya ng dugo. Simpleng suntok lamang ito pero parang naging triple ang epekto nito nun tumama. Tumingin siya sa lagusan at napapikit sa inis na tila dumadami ang mga halimaw.
Sa pagkakataong ito, naisip na niya si Hera.
"Asan ka na, Herause?"
Muling umatake ang isang halimaw. Sa bawat suntok nito ay sumusunod ang dalawa pa. Biglang umilaw ang mga mata nito at hindi maganda ang kutob nya dito.
Tumalon siya sa isang puno at pinanood kung paano natunaw ang lupa na inaapakan nya kanina. Nagkasalubong ang mata niya sa isang halmaw at di nag dalawang isip na tunawin ang puno.
Nagpaikot ikot siya pagtapos niyang tumalon pababa bago mabilis na pumunta sa lagusan. Sinubukan nya itong harangan ng madaming puno ngunit lumusot lamang ang mga ito.
Tumakbo muli siya sa damit ng halimaw noong may kamay ang muntik nang pumisat sakanya. Napansin niya ang kakaibang bato na nasa leeg nito. Tinignan niya din ang iba pa at wala naman itong mga ganun.
Gumapang at sinubukan nya itong masira ngunit masyado itong napapalibutan ng itim na usok.
Luminga linga ito at naghanap ng matulis na bagay. Napansin nya ang malaking patulis na yelo na pumipigil sa apoy sa bahagi bintana.
Umalis siya sa kaniyang leeg at kinuha ang atendyon ng higante. Napansin naman siya kaagad ng higante at sinundan si Nexan.
Mabilis na tumakbo si Nexan papuntang sa isang baging ng puno at tinali ang isang bato. Malakas na hinatak ni Nexan ang baging at umakyat sa puno. Habang hinihintay ang higante na lumapit sakanya, may binato siyang bato kay Fran.
"Aray! Sino yun bumato?"
Kumaway galing sa taas si Nexan. "Nakita mo ba si Hera? Kadalasan pag ganito ang nanyayari, siya ang nangunguna..."
Umiling si Fran at hindi na muling nakatugon dahil mas dumadami ang mga halimaw.
Napansin ni Nexan na papalapit na ang higante kaya binitawan nya na ang baging. Hindi inaasahan ng higanteng halimaw ang malakas na pwersa ng bato kaya ito ay nadapa at nawalan ng balanse.
Bumaba si Nexan ng puno at napahinga ng maluwag. Sinilip nya ang higanteng nakahilata at ang bato na nasa leeg nito.
Noon nakita nya itong basag ay binitawan nya na ang braso nito at nagmasid sa lagusan.
'Kailangan na namin masarado iyon...'
---------------------TO BE CONTINUED-------------------
A/N
🦕MARAMING SALAMAT SA PATULOY NA SUPORTA! KUNG ITO AY NAGUSTUHAN MAG IWAN NG LIKE, REAKSYON AT KOMENTO!
🦕ILYA AND STAY SAFEEEE!