Chapter 19

64 2 0
                                    

Chapter 19

••Hera POV••

■Tinuring din itong palasyo dahil ang naging unang direktor dito ay naging maharlika at nasagawa nang maayos ang pamamahala. Sya ay nabansagang 'Harique' na katunog nang isang hari kaya tinawag ang paaralan na palasyo.
-----------------------------

Naknang kagang..Di ko na mabasa ang halos sa baba nang binasa ko dahil may sunog ito.

Nabitin tuloy ako sa nabasa ko kahit alam ko na siya dati pa. Nilipat ko nalang ito sa susunod na pahina pero walang nakasulat.

Wtf?

Nilipat ko nang nilipat pero na talagang nakasulat. Anong nanyari sa ibang pahina.

Nahinto ako sa paglipat ng medyo sa gitna ay nakasulat ang mga bawat nilalang sa buong kastilyo/unibersidad.

-----------------------------
■WIZARDOS/WIZARDS ang pinakamatagal na seksyon nang mga estudyante sa nakaraan na daang taon. Noong 1961, Lahat nang estudyante ay sama sama lamang. Walang lamang..walang lubog.

■Noong 1990,Napagpasiyahan nang bagong direktor nang paaralan na paghiwalayin ang mga estudyante. Sa pinakamalakas ay ang mga wizardos/wizards. Kinilala noon nang direktor na sila lamang at wala nang hihigit pa sakanila. Kahit vampira o taong lobo.

■Ang mga estudyante noong ay walang nagawa kundi sumunod. Lahat nang napabilang sa wizards ay sinusuri mabuti. Naging mahigpit ang paaralan nang higit pa sa inaakala nang mga tao at nilalang. Ang Wizards ang nakaranas ng pinakamahirap na mga pangyayari.

■Sila noon ay nilalatigo kapag sumaway,nahuli sa klase. Sila ay araw araw na nagpapalakas halos wala nang kain kain at wala nang aral..puro pisikal. Sila ay binibigyan nang misyon kahit bagong sala palang. Halos sigaw at iyakan ang naririnig nang mga ibang seksyon mula sa mga Wizards.

■Natigil lamang ito noong 2008,bagong direktor na ang namuno. Halos magmakaawa ang mga wizards noon sakanya na wag silang pahirapan. Doon ay natigil na ang mga pangyayari. Akala nang lahat nang estudyante ay maayos na ang pamamalakad ngunit nagkamali sila. Lahat nang nasa baba nang wizards ay pinahirapan katulad nang ginawa dati sa mga wizards.

■Nagtaka sila kung bakit iyon ginawa sakanila kaya sinabi ng direktor noon ay dahil ito sa pagparusa dati sa mga wizards. Sabi nya ay dapat maghirap din sila katulad dati nang mga wizards. Maraming sumalungat pero kamatayan ang parusa sa lahat nang aalma.

■Simula nun ay hinati na ang kastilyo sa apat na lugar. Halos nakaroon nang tensyon sa pagitan nang mga ito..kaya napagdesisyunan nang direktor na makaroon sila nang alpha kada isang grupo.

-----------------------------

Nilipat ko na uli pero wala na uli itong sulat. Tinignan ko hanggang dulo pero wala na talaga.

Amputcha.

Nakatungo tuloy akong binalik yun libro. Yun na yon? Wala akong ibang alam sa ilang grupo kundi ang mga kulay nang mata nila. Pumunta ako sa sulok kung saan kami ni Rade nagtago dati at inalala ang mga kulay.

Ang mga fairies at commoners ay kulay lupa ang mga mata. Minsan ay amber pero rare case lang daw ito. Ang mga taong lobo o werewolves ay dilaw. Ang mga bampira naman ay abo. Pero sa rare case ay asul. Sa wizards naman ay iba't iba.

Kataka taka, pero para sakin ay sobrang dali lang iclassify nang mga ito. Kahit na halo yun kulay nang mga mata sa wizards ay malalaman ko pa din kung wizard kaba o hindi. Isa yun sa pinakagusto ko na tinitignan at ipinipinta.

Naputol ang pag iisip ko nang may biglang kumalabit sakin."Pst."

Tinignan ko naman ito. Hmm. Mukhang anghel.Umayos ako nang upo at tumingin sa mata nya. Light blue.Wizard."Ano yun?"

Ngumiti naman sya."Bawal kasi tumambay dito..baka maabutan ka nang librarian eh,"

Tumango naman ako at tumayo na. Naglakad nako nang pigilan nya ko."ahm hehe...anong pangalan mo? Ngayon lang kita nakita eh.."

Sasagutin ko sana ng pabalang kaso nakonsenya ako sa muka eh. "Hera.."

"Hi Hera! Ako si Fammi..ang alpha nang Wizards..."Ngumiti sya at naglahad nang kamay.

Tinanggap ko naman ito pero saglit lang at umalis nako agad. Wala akong time makipagdaldalan sa library mamaya ma ban ako dito.

Biglang may nag 'click!' Sa utak ko at lumabas ang imahe nang isang snowflake. So..Ice Wizard pala sya? Hmm.

Bumalik nako sa silid at wala pa pala sila dito..baka naglibot kaya naglaro nalang kami ni Emerald.

Harutan dito harutan doon..sa ganun paraan,di ko namalayan ang oras. Halos nakita ko na naghahanda na sa paglubog ang araw. Mag pa five na pala.

"Tara Emerald..ilalakad kita sa labas.." wala naman akong panali sakanya kaya bitbit ko lang sya. May dagat dito pero malayo at baka mahuli ako kaya sa rooftop nalang kami pumwesto para panoorin.

Nakadating naman kami agad ni Emerald sa rooftop at sakto lang. Lumulubog nang dahan dahan na ang araw.

Dahil may invisible barrier ang rooftop dahil sa ulan dati..inalis ko iyon ng panandalian para madama ang hangin. Nakaupo kami sa upuan ni Emerald habang pinapanood iyon.

'Mama kung naririnig mo man ako..Patawad dahil wala akong nagawa para sayo dati..pangako maghihiganti ako para sayo. Hahanapin ko yun lalaki na iyon at pagbabayarin.'

Biglang humangin nang malakas kaya napadilat ako. Di ko namalayan na napaluha pala ako. Tinignan ko si Emerald. Nakita ko na may kagat kagat sya na panyo.

Napakunot ako nang noo. Saan galing yon?

-----------TO BE CONTINUED------------

A/N:

■THANK YOU FOR READING! LEAVE A LIKE,REACT AND COMMENT!

■KEEP SAFE PIPS!💛🌻

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon