••Hera POV••Dahil sa nanyari kahapon, pansamantala nilang itinigil ng isang araw ang evaluation. Sabi sabi ay papalitan daw yun barrier.
"West,satingin mo saan ako mapapabilang? Sa pangalawa o pangatlong level?"tanong ni Vien kay West na nagbabasa.
"Hmm...ewan.Wala naman saatin ang desisyon kaya wag natin pangunahan."
Napahinga nalang ako habang yakap si Emerald. Kada araw,kapansin pansin ang paglaki nito. Kung dati ay maliit lang sya,ngayon ay kasing laki na sya nang braso ko.
"Ano kaya kung maglaro tayo?"Vien.
"Ano naman?"
"Truth or dare!"
"Tayong tatlo?" Pagtatanong ni West.
"Oo. Tara dali! Bangon ka na dyan Hera!"
Dahil sa wala naman akong gagawin,tumayo nako at nakisali.
"O sige,sino magsisimula?"Vien.
"Bato bato pik nalang muna?"West.
Sabay sabay kaming nagsalita."Bato bato pik!"
Talo si West saamin ni Vien,kaya naman umulit kami uli.
"Bato bato pik!" Natalo ako kay Vien kaya pangalawa ako at huli sya.
"Osige,bunot na kayo dito!" May nilabas syang mga popsicle stick. May blue at green sa gilid nang mga yun.
"Di mo naman siguro toh planado diba?"di ko masyadong pinahalata ang sarcasm sa boses ko.
Ngumiti lang ito sakin."bilis! Pili na!"
Wala kaming nagawa at pumili na. Maski sya ay pumili. Lahat kami ay nakakuha nang kulay berdeng popsicle.
"Truth ang ibig sabihin nang berde at ang bughaw naman ay dare okay? May mga truth at dare na din dyan nakasulat!"
Napabuga ako bago ko binasa ang nakasulat.
'Nasaan ang mga magulang mo?"
Napangiti ako nang mapait. Sumagot na si West kaya ako naman.
"Nasaan ang mga magulang mo...Wala na."
"Ha? Paanong wala?"
"Patay na sila."
Nabasa ko ang gulat sa kanilang muka. Tumawa ako nang mahina. "Ayos lang kayo? Okay lang din kung natanong nyo."
"A-ahm oh sige,ako naman..."
"Ano bang tanong mo?"West.
"Sino daw crush ko. Wala akong crush!" Sigaw nito.
Napatawa kami ni West pareho dahil halata naman kung sino.
"Anong tinatawa tawa nyo dyan? Bunot na uli dali!" Wala kaming nagawa at bumunot na uli. Sa pagkakataon ngayon,puro bughaw na ang nabunot namin.
"Ano ba naman yan! Parang nadadaya tayo ni Vien ah?"West.
Napailing nalang ako tumingin kay West."Basahin mo na ang sayo."
Napasimangot ito at binasa ang kanya. "Magsisisigaw sa gitna nang field nang 'Sakin lang ako crush ko!' Nang limang minuto" pahina ito nang pahina ngunit natawa agad nang malakas si Vien.
-.-
Basta talaga kalokohan,magaling sya.
"HAHAHAHA ikaw naman Hera!"
Wooh kaya ko toh."Wag mong kakausapin ang mga tao sa paligid. Kapag nagtanong kung anong problema ay kailangan halikan mo sila sa pisngi."
Tangina lang.