⚠️Medyo sensitibo ang mga pangyayari, medj lang⚠️
Chapter 76
••Hera POV••
"Hello alphas, magandang umaga."
Tumayo kaming lahat at yumuko ng onti. "Magandang umaga ginoong Sanchez."
Pinaupo nya na kami. "Marahil nagtataka kayo bakit biglang tumindi ang pagsasanay nyo."
"May dalawang rason ito. Una ay kayong lahat ay alpha, ang bawat isa sainyo ay ang pinakanangunguna sainyong mga uri, kayo ang maglelead sakanila..." uminom nya ng tubig at may sinulat sa pisara.
Binaba nya na ang pangsulat at humarap muli samin. May nakalagay na 'Gubat'.
"Alphas, gusto ko lang sabihin na malapit na uli ang inyong pagsasanay at baka makatanggap uli kami nang misyon pero kayong apat na."
May inilabas syang mapa at tinawag kami sa lamesa nya. Pumabilog kami sa mapa na may ekis. "Dito ang destinasyon nyo."
"Que Forest?" basa ni Copper. Tumango ang guro namin.
"Isa ang Que forest sa mga pinaka dinadayo ng mga tao doon. Ngunit, nagsara ito dahil sa mga pangyayari doon." sagot naman ni ginoong Sanchez.
"Anong mga pangyayari?" Tanong ni Fran.
"Patayan. Ang unang kaso noon ay dalawang magkaibigan na lalaki na nagpasyang magkampo doon. Ilang araw makalipas ay nakita silang nakasabit at wala na ang mata at puso."
"Ang pangalawang kaso naman ay isang babae na nag aaral noon dito. Balita ko ay naglalaro lang sila at aksidenteng napunta ang bola sa gubat. Nagpasya syang kunin ito ngunit hindi na nakabalik ayun sa mga kasama nya noon. Nakita ang katawan nya na wala ng buhay at wala ang kanyang mata. "
Wooh. Parang nanlamig ang mg akamay ko. Parang puro mata ang kinukuha?
"Alphas, simula noon ay wala na iba pang insidente ang nangyayari. Noong bago magpasko lamang ang mga pangyayari kaya sariwa pa iyon. Gusto kong malaman ang mga nilalang at kung bakit nila ito ginagawa. Hindi nyo kailangan lumaban kung hindi kailangan, ok ba iyon?"
Tumayo kaming lahat at sumaludo."Opo!"
"Bukas ng umaga ang alis niyo papunta roon. Bukas ko ipapaliwanag ang iba pang kailangan nyong malaman sa bayahe. Ano ang pangako ng alpha sa unibersidad at mga tao?"
"Ang mga alphas ay ginawa upang pamunuan ang mga nangangailangan, sa loob o labas man ng unibersidad!" sabay sabay namin sabi.
"Dismiss!"
Pagkaalis ni ginoo Sanchez ay muli kaming bumalik sa lamesa. "Anong plano pro alpha?" pagtatanong ni Copper kay Nexan.
"Nakakagulat pero ito na ata ang pinakamahirap na naging misyon natin." Kinuha ni Nexan ang mapa at tinuro ang destinasyon namin.
"Narinig nyo si ginoong Sanchez, hindi tayo pwede umatake bigla kung hindi kinakailangan. Ito nag mga tatandaan nyo, Huwag na huwag tayong maghihiwalay, mukang malawak ang gubat na ito. Pangalawa ay hindi natin alam ang mga kakaharapin natin kaya magdala kayo ng armas na pwede sa lahat ng uri. Huwag na kayo magdala ng marami baka bumagal tayo. Magkita kita tayo sa harap na gate bukas ng umaga. "
Nagpaalam na sila Copper at Fran bago lumabas. Hinintay ko syang matapos sa pagtingin ng mapa.
"Ayaw mo pa umuwi?" Tinignan ko lang sya habang nag aayos sya. Sumandal ako sa sa lamesa kaya sa labas naman ang tingin ko.
"Hera?"
"Hmm?"
"Handa kana ba bukas?"
"Hindi ko alam."