Chapter 85

13 0 0
                                    


Chapter 85

••Hera POV••

Iwas ako ng iwas sa mga goma na lumilipad. Tatayo na sana ako ng parang hindi maalis ang upuan sa aking katawan. Tumayo ako at napagtanto ko na nakadikit pala ang upuan sa aking damit.

Tumitig ako sa bata na halos di na makahinga sa paghalakhak. Sinubukan ko tanggalingng pamano mano pero hindi pa din. Inis akong umupo at tinignan ang libro. Nasa kalagitnaan na ako ng libro pero malapit na matapos ang oras ng klase.

'Mag pokus ka sa Hera!' pnagungumbinsi ko sa sarili. Bumilis ang aking pagbabasa habang nakayuko.

Mga ilan pahina nalang ang natitira pero tumunog na ang pala tandaan na tapos na ang klase. Bagot ako yumuko.

"Pareho kayong naubusan ng oras." Sabi ni Miss Tayme samin. Napatingin ako sa katabi ko na muka din wala sa mood.

Tumayo nako at nawala ang dikit sa aking damit. Tumingin ako nagtataka kay Miss Tayme pero ngumiti lamang siya.

Hinatak ko na paalis si Fran at pumunta sa cafeteria. Inayos ko ang magulo nyang buhok.

"Anong pampawala ng pokus ang ginamit sayo ni Miss?" Tanong sakin ni Fran.

"May bata at palagi nya kong binabato ng goma, maingay din siya at dinikit nya ko aa upuan. Ikaw ba?

" Mga hayop sakin huhu, hinabol ako ng isang aso at naipit pako sa isang puno kaya di ko na natuloy ang pagbabasa..."Inis na singhal nya.

Umuling nalang ako dahil mukang di magiging madlai ang pag eensayo talaga namin ngayon.

Kumuha lamang siya ng mga pampalakas na inumin at sabay kaming umalis. Tumambay kami sa parke habang pinagmamasdan ang kalangitan.

"Hera "

"Hmm?"

"Paano ka napunta sa paaralan na ito?"

Napaisip ako saglit. "Sinama lang ako ng kaibigan ko sa listahan."

Natawa nya kong tinignan. "Seryoso?"

Tumango ako at napa inom. "Sa totoo lang, ayaw ko na bumalik dito..."

"Bakit?" halata ang kanyang kuryosidad kaya kwinento ko nalang ng mabilisan.

"Ayaw ko dito dahil pangit daw ang pamamalakad."

"Ehh? Yun na ba yun?"

"Oo."

Muka naman siyang nakumbisado kaya tumigil na siya sa pagtatanong. Tumayo na ako, "Tara na at maaga pa tayo bukas."

Kinuha nya ang aking kamay at ngumiti siya ng malaki. "Tara."

-------------------TO BE CONTINUED--------------------
A/N:
🍑LEZGAUR 1K LIKES NA ANG KENQUEEEE! I WAS SO HAPPY YESTERDAY THAT I ACTUALLY WRITE THIS WHILE HAVING A HEADACHE. I CAN'T EXPRESS HOW GREATFUL I AM. DAHIL DIYAN DI KO MUNA KAYO PAPAISIPIN NG KUNG ANO ANO HAHA.

🍑MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA. KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN, MAG IWAN NG REAKSYON, LIKE AT KOMENTO SA BABA!

🍑STAY HEALTHY Y'ALL AND ILYA!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon