Chapter 28
••Hera POV••
Hanggang ngayon ay marami parin ang nagulat sa ginawa nya.
Ang loko ba naman nagsummon ng isang sandata na halos dapat kalahating taon dapat pag aralan.
Pagtapos nyang bumaba ay napapalakpak ang lahat at maraming sigawan. Pumunta ito sa labas kaya naman sinundan ko ito. Hindi biro ang ginawa nya at nakahigop ito nang lakas nya.
"Hoy.."Tawag ko dito. Napatigil naman sya sa paglalakad at lumingon ngunit hindi sya nagsalita.
Hinawakan ko sya sa balikat at nagteleport sa clinic.
Kumuha ako nang isang yelo at dinikit ito na kamay nya. Mapakarami nitong maliliit na sugat at namamaga.
Sinamaan ko ito nang tingin dahil sa ginawa nya. Pilit pala nyang isummon ito.
Napanguso ito at nagsalita."Napagod ako dun,Hera."
Babatukan ko sana sya nang bigla nya akong yakapin. Paghigpit nang pahigpit ito kaya nilagay ko ang yelo sa muka nya.
"Ano ba!"
"Tsk. Bakit mo iyon ginamit?"
Kinuha nya ang yelo at siya na ang nagdampi nito sa balat."Para siguradong panalo."
Napailing nalang ako sa sinabi nya at naglakad na palalayo. Narinig ko na agad ang matinding sigawan. Paniguradong mga bago na uli ang nagpapalakasan sa loob.
Halos inaabot kami nang tatlong oras dun at pinagbreak mo na kami saglit. Habang palabas di ko maiwasang di tumingin sa mga harang sa pagitan namin at sa ibang uri.
Tuloy,tulala ako habang sa matapos ang break time. Dinala ko na din si Emerald at nilagay sa ulo ko. Halos nagin paborito nya na itong upuan ngunit patagal nang patagal lumalaki ito kaya minsan ginagamit ko ito nang pampagaan hehe.
Tumayo na sa stage ang host-like bago nagsalita."OKAY STUDENTS MALAPIT NANG MATAPOS ANG ATIN EVALUATION! SO BE READY!"
"EZRA STONE!"
"SHINEY LOT!"
"ILAB YU!"Bumunot uli ito sa malaking bilog at malakas na binalita ang pangalan."West Fraz!"
Agad na napatingin samin si West at tumayo. You can do it West.
Halos susunod na si West at parang aligaga ito na parang nanghihina.gusto ko sanang tawagin sya gamit ang utak ngunit parang may humaharang na sakin kaya napasimangot ako at nanood nalang.
Nakita ko na biglang may force na pumalibot sa dummy at tsaka ito biglang napipipi! Halos lahat namangha sa bigla nitong pagkapipi. Napatingin naman kasi sa taas.
'8998'
Woah.
Malakas na palakpakan ang binigay dun sa Ilab yu. Para sa isang commoner ay maari syang malipat saamin. Nag aral siguro sya nang mga spells.
Si West ang nakaabang habang inaayos ang isang dummy. Come on West, matatalo mo iyan kapag ipaparanas mo kung paano ang pakiramdam sa loob nang space parallel. Space parallel ang tawag kapag nakapasok ka sa isang teleportation.
Nanginginig na itinaas ni West ang kanyang kamay. Nawala sa isang iglap ang dummy.
Tutok na tutok halos ang lahat nang nanonood. Inaabangan kung kayang higitan ang ginawa nang Ilab Yu.
Pagkurap ko ay nakita na halos nasusunog ang dummy kaya hinintay itong maapula bago tumingin sa taas.
'7685'
Halatang nadismayado si West habang bumababa sa entablado. Ganun pa man,malakas na palakpakan ang iginawad sakanya.
Bumalik ito saamin nang nang gigilid ang luha. West...
Agad itong niyakap ni Vien at pinatahan. Hinila kami nila Alex palabas upang mag kausap usap kami.
"Ang galing mo kanina West!"Masayang bati ni Vien sakanya habang hinihimas nito ang likod para tumahan.
Tumingin ito bigla sakin dahilan para ngumiti ako sakanya at gatungan din ang sinabi ni Vien.
"Nakakamangha..saan mo ba ito dinala?"
Suminghot pa ito bago magsalita."Sa pinag gagawan nang mga espada..nilubog ko ito ngunit di pala ito sapat."
mahahalata mo talaga ang lungkot kaya biniro biro nila Alex iyon hanggang nakarating kami sa amin kwarto. Binaba ko na rin si Emerald at pinainom nang tubig.
Dinaluhan ko si Vien na naghahanda nang mga prutas at tsokolate para gumaan ang loob ni West. Dinala ko ito sa lamesa at kumuha nang tinidor.
"Salamat ah?"Ngumiti samin si West kahit di abot ito sa mata. Kumuha lang ako nang mansanas at kinain.
Walang nagsalita saamin hanggang na ubos na ang mga prutas. Humiga na ito agad at sinabing matutulog na. Tumabi sakanya si Emerald pero tumanggi ito.
Lutang namin tinapos ang gawain namin bago matulog at saka dinaluhan si West sa pagtulog.
-K I N A B U K A S A N-
Maaga palang ay nakaamoy nako nang mabangong halimuyak na nang gagaling sa kusina. Agad akong pumunta sa palikuran,hinugasan ang akin muka at nagsepilyo.
Lumabas ako uli nang matapos ako at saka dumalo sa lamesa kung saan nakahain na ang mga pagkain.
"Magandang umaga,Hera! Halika at kumain na baka mahuli pa tayo sa pangalawang araw!"Masayang bati sakin ni West na medyo naguluhan pako ngunit sumunod na lamang ako.
Tahimik ngunit masagana kaming kumain. Ako ang nagligpit at tinaboy sila para maghanda.
Nang matapos ako ay naghanda na din ako at dinala si Emerald sa ulo ko. Palaging nagtatanong sila Vien kung bakit ko ito palaging nilalagay sa ulo ko ngunit ang palaging tugon ko sakanila ay...
"Wala lang. Pero kapag sya ay lumaki na,ititigil ko na din ito."
Halos kahapon ay sobrang kalat ng basura..ngayon naman ay nagkakalat ang iba't ibang kulay sa paligid. Parang lahat nang pasilyo ay may buhay.
May nagsabi saamin na dederetso muna kami sa labas dahil doon magsisimula ang ikalawang parte nang pagtutuos.
Sa dami namin,ay halos ang iba ay nasa iba't ibang palapag at nakatingin samin pababa. Walang upuan, ngunit inayos kami sa limang linya.
"MAGANDANG UMAGA SAINYONG LAHAT! TAYO AY NANDITO PARA MASULYAPAN ANG PAGSISIMULA NANG PANGALAWANG PARTE! MASIPALAKPAK TAYONG LAHAT PARA SA ATIN
TAGAPAMAHALA!"Nasipalakpak naman kami at kahapon kahapon ay nagsalita muli na napakahaba ang tagapamahala bago ito bumaba sa taas.
"NGAYON NA!"Sigaw nang nagsasalita. Naguguluhan akong napatuktok sa taas at may biglang sumabog.
••THIRD POV••
Halos lahat nang nandoon ay napalingon sa sumabog. Iyon pala ay mga usok ngunit may kulay! Halos lahat nang nasa taas ay nagsaboy nang mga harinang may iba't ibang kulay.
Agad napalitan ang katahimikan nang malakas na palakpakan at sigawan. Maririnig mo din ang hagikgikan. Nagtawag pansin naman sila nang may mga lamesa dun nang mga usok at harinang na makukulay. Agad na nagsitakbuhan sila doon at kumuha nang mga iyon.
Nagsabuyan ang mga estudyante dun ng mgamakukulay na harina at nagpausok uli. Ang usok ay di mabaho at di masakit sa ilong kaya panay sila nang pagsindi.
Halos di rin mapaliwanag ang saya sa muka nila Hera at nagbabatuhan. Inaalingawngaw din ang malakas na tawanan at sigawan.
Habang nakangiti, sa isip ni Hera ay sana di na ito matapos.
--------------------TO BE CONTINUED---------------------
A/N:
■Salamat sa pagbabasa! Mag iwan nang reaksyon at komento sa baba!
■Panatilihing ang sarili na ligtas at wag papauhaw ah? Mahal ko kayo!