Chapter 46

41 1 0
                                    

••Hera POV••

Tumayo si Fran at nagpakilala."Hello Hera! Ako si Fran Lux,Ang alpha ng fairies at commoners." Nag bow pa ito bago umupo.

"Hi. Copper Light ang pangalan ko. Alpha ako ng Werewolves." Sabi ni Copper habang kumakaway. Muka syang inaantok pero mahahalata mo ang kislap ng mata.

Dahan dahan itong umupo at tumingin kay Peter na nakaupo parin. Napalingon ito sakin,"Kilala na ko. Kailangan pa bang umulit?"

"Oo."

"Tsk."Tumayo ito at nagsalita."Nexan Peter. Alpha ng mga bampira." Akmang uupo na sya muli ng pigilan ko sya.

"Bakit ang tawag sayo ay pro alpha?"

"Ayaw mo bang hanapin at malaman ng sarili mong sikap?"

Napasimangot ako bago tumayo. "Herause Saren,tawagin nyo nalang akong Hera."

Uupo na sana ako muli nang matanong si Peter. "Anong abilidad mo?"

Umupo ako bago tumingin sakanya.

"Ayaw mo bang hanapin at malaman ng sarili mong sikap?" Pang gagaya ko sakanya kanina upang asarin sya. Pinigil kong matawa dahil baka di nya makuha ang aking biro.

Tinapos namin ang pagkain at saka lumabas. Iginala ako ni Fran sa buong lugar ng mga bampira kaya naman gabi nako nakauwi sa silid.

"Oh kamusta kayo? Masarap ba ang pagkain nyo dun?" Pagtatanong ko kila Emerald na nakahiga. Hindi nila ako pinansin at natulog. Tsk.

Ginising ko sila upang lumipat kami sa kwarto pero si Winter lang ako nagising habang si Emerald ay tulog mantika. Binuhat ko si Emerald kahit napakabigat nya na. Nagmadaling umakyat si Winter samantalang kami ni Emerald ay nasa hagdan palang.

"Emerald! Umayos ka nga! Ang bigat bigat mo na wooh."

Hay salamat at nakahiga nadin kami. Pinatay ko ang ilaw at sinigurado na komportable na sila bago ako natulog.

--Morning--

Tanghali ako gumising dahil wala naman akong gagawin bukod sa mag aayos lang ng pinamili kahapon at magmuni muni sa tagong parte ng gym.

Napatingin ako sa labas at umuulan kaya pala masarap pa ang tulog ng mga katabi ko tsk. Bumangon na ako at bumaba.

Inayos ko ang pagkainan ng dalawa sa baba at nagluto ng para saakin. Hindi ako masyadong magaling pero ako lang naman ang kakain. Mabilis akong natapos at nagpasyang gisingin na silang dalawa.

"Emerald... Winter...,gising na hoy." Tamad na tamad silang bumangon at sabay na bumaba. Napailing nalang ako at nilagyan ang kanilang pagkainan.

Pagtapos kumain ay wala padin tigil ang ulan kaya inaya ko nalang sila mag muni muni sa gym. Nang ayain ko sila ay humilata lang sila sa kama at tinitigan ako. Sumimangot ako bago bumaba at lumabas.

Tinaas ko ang hood ko bago naglakad. Walang tao masyado sa bawat kanto ng paaralan. Ngayon ay araw ng pahinga kaya marami kang makikita sa mga nasa labas na naglalaro sa ulan o di kaya ay sama sama ang barkada habang kumakain sa bleachers. Ang ibang nakikita kong estudyante na nakauniporme ay mga special classes o absent classes. Walang kawala ang mga umaabsent dahil meron silang ginaganap na klase tuwing bakante.

Nakarating nako sa gym at ako lang mag isa. Dahil wala akong susi ay nagteleport nalang ako. Pumunta ako sa pinakadulo kung saan may isang bintana. Medyo malawak at masasabi mong 'cozy'. Umupo ako sa lapag at nagmuni muni. Nilabas ko ang libro na kailangan kong pag aralan dahil kailangan kong makahabol sa tinuturo sa mga alpha.

Ngunit nakakalipas pa lamang ang isang oras ay nabagot na ako at tinamad na intindihin ang nakasulat. Sinarado ko nalang ito at nagmuni muni sa bintana habang pinapanood ang ulan.

Napapikit ako at sumandal. Ang sarap sa pakiramdam ng paligid. Nadala ako ng aking pakiramdam at nagsimula akong umawit.

"Tulog na mahal ko
Hayaan na muna
natin ang mundong ito
Lika na, tulog na tayo,"

Rinig ko ang marahan pagpatak ng ulan na tila bang sinasabayan ako.

"Tulog na Mahal ko
Wag kang lumuha,
malambot ang iyong kama
Saka na mam'roblema~"

"Tulog na,
hayaan na muna natin sila
Mamaya,
hindi ka na nila kaya pang saktan Kung matulog, matulog ka na.."

*CLAP!CLAP!CLAP!CLAP*

Napadilat ako ng wala sa oras at agad na tumayo. Nakita ko na nakangiti si Nexan habang papalapit sa pwesto ko.

"Sasali ka sa paligsahan sa larangan ng kantahan? Kasi kung hindi,isasali kita..."

Nawala ang lahat ng reaksyon ko sa muka. "Hindi at wag mo nang tangkain pa."

Napakunot ang kanyang noo."Why? You have a talent in singing. Don't be shy and show it,"

"No Peter, When I say no,that's a no and that is final." Humakbang nako palabas na hindi ko narinig ang pagbukas at pumunta sa kwarto.

Bumulong bulong pako habang paakyat"Tsk. Marunong naman palang magtagalog ng deretso bakit puro pa sya ingles? Yan nadama tuloy ako."

----------------TO BE CONTINUED-----------------

A/N:

▪Thank you for reading! Leave a react and comment down below.

▪Keep praying,stay hydrated,stay dry and keep safe everyone!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon