Chapter 49

47 1 0
                                    

••3rd POV••

Naayos na naidaos ang unang araw nang paghahanda sa fiesta. Kanina bago magtapos ang araw ay bumuhos ang nyebe.

"Ang lamig...payakap nga. "

Napatingin si Hera sa bulong sa kanya. Si Rade. "Natural yan may umuulan ng nyebe eh. Mag jacket ka nalang ng makapal."

Napanguso ito habang naglalakad. "Bakit mo ba ako tinawag? Para awayin? At bakit ngayon gabing gabi na?"

"Tsk hindi, samahan moko kumuha ng pagkain nila Emerald... Bubuhatin mo."

Napatigil sa paglalakad si Rade at napangisi. "Ayoko nga!"

"Dali na nagpapabebe ka pa, kalalaki mong tao."

"Bakit may basehan ba ang pag iinarte? At inaantok nako. " tumaas ang kilay nito parang mataray na babae. Napahalakhak naman si Hera.

"Bagay sayo.." sabi nito habang patuloy na tumatawa. Inipit ni Rade si Hera sa kili kili nya.

"Ano ba? Alis mahirap maglakad."

"Alam mo..." napatigil sa pagkawag si Hera at nakinig. "Kahit hindi malamig, malamig ka pa din saamin" sabay tawa ng malakas.

••Hera POV••

'aba' y gago... '

Mabilis kong siniko ang tyan nya kaya napabitaw sya saakin at umaarteng masakit daw. Nauna ako naglakad pero hinablot nya ako at inakbayan.

"Ano bang problema mo? Naiinis na ko,"

Ngumiti ito at lumapit sa tenga ko. "Baka kasi sakin ka mahulog kaysa sakanya..."

Napakunot ang noo ko pero tinulak nako nito papasok. Kumaway ito sakin "Hintayin kita dito! "

Mabilis kong kinuha ang mga karne at prutas baka biglang magalit kapag nag tagal ako.

Nagpaalam ako sa kahera at lumabas pero bago ko pa maabot ang pinto may humatak sakin at dinala ako sa may gilid. Sinandal ako sa pader at kinulong. Matalas akong tumingin sa humatak sakin pero nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin.

"Bakit?"

Naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko. Dahan dahan kong tinakip ang likod nya.

••Rade POV••

Napaupo ako sa lapag. Ang tagal naman nun? Napalingon ako sa buwan na kalahati palang bago tumayo at pumasok.

"Hera--" napatigil ako sa pagtawag kay Herause ng makita ko sila ni Nexan sa gilid at nakayakap. Nakita ko ang pag aalala nya sa mata habang tinatapik ang likod nito.

Tumungo nalang ako at muling nagtungo sa labas. Malamig man pero maayos na to.

••Hera POV••

"Anong nanyari sayo?"

Nakatulala lang ito sa habang umiinom ng tubig. "Salamat. Umuwi ka na."

"ok, alis na ko at hinihintay nako ni Rade. Kita nalang bukas."

Tumango lang ito sakin at tumalikod nako at naglakad paalis. Nakalimutan ko na wala pala syang jacket baka umalis na sya sa lamig.

"Tara?" bahangya akong nagulat nang bigla itong nagsalita sa likod ko.

"Nakakagulat ka naman.."  Napansin ko ang bahagyang tamlay sa mata nya.

"Nilalamig ka naba?"

"Medyo."

"Gusto mo kape?"

"Wag na." nauna itong nag lakad saakin. "Bilisan natin baka lumamkg pa lalo."

"osige."

Tahimik namin tinahak ang papunta sa bahay. Binaba nya lang ang mga dala ko at lumakad paalis.

"Saglit!"

Humarap ito."Bakit?"

"Ito oh." binigay ko ang jacket at scarf na nakita ko kanina. Makkapal ang mga iyon kaya walang ubra ang lamig.

"Sige, salamat. Alis nako." tumango nalang ako at pumasok na.

Nagtataka ako kung bakit biglang nagbago ang timpla nya. Baka sobranglamigna ngasa labas kayanaapektuhan ang utak nya hay.

Binuksan ko ang fire place at sinindihan upang ang aming tulog ay mahimbing.

---MORNING---

Inaantok na bumangon ako ng marinig ko ang katok.

"HERAAAAAA GISING NA HOY! MAY SNOW NAKAKATUWAAAAAA!"

'Tsk aga aga nang bubulabog.'

Binuksan ko ang pinto at nagderetso sa cr. Antok na antok pakong nagbuhos ng tubig na pambanlaw bago kumuha ng twalya.

Lumabas ako at pumunta sa damitan. Mabilis kong tinapos ang pagdadamit nang makarinig ako na kakain kami sa labas. Dali dalikong sinuot ang makapal na coat at boots hanggang tuhod. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Simpleng kulay pula na longsleeves tas white leggings na may patong na skirt na pinili ni Vien. Kumuha ako ng gloves, bonet at scarf dahil paniguradong malamig sobra sa labas.

"Wow sabi na sayo bagay eh. Tara taraaaa!"

Nilock ko ang pinto bago umalis at sumakay kay Emerald.

Mangha akong napatingin sa may tulay. Arang mga ulan na naging yelo ang gilid gilid habang ang nakadesenyo na fountain ay tumigas at bumuo na magandang tanawin.

'Ngayon palang busog na ako sa tanawin paano pa ko makakain nito?'

"Pst." nagitla ako at nasapak ang bumulong sa tenga ko.

"Aray!"

------------------------------ TO BE CONTINUED-------------------------------

•PANGHULI, Hope u like my story! Make sure to leave a like, comment and share! STAY HYDRATED AND SAFE I LOVE YOU ALL MWUAH PEACE.

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon