Chapter 72

17 0 0
                                    


Chapter 72

••Hera POV••

Napabangon ako bigla dahil akala ko nahulog ako. Napatingin sakin sila Emerald na nagtataka.

'Panaginip lang...'

Napabuga ako ng hangin at pinunasan ang mga luhang tumakas sa aking mata. Napatingin ako sa labas at napansin gabi na pala.

Hindi mawala sa isip ko ang mga pangyayari kahit patulog na kami. Alam kong impossible yun kay Nexan at kay Vien, hindi ko lang alam yun kay Rade.

Napansin ko din na parang nag iiba na sya sa ugali. Napapansin ko noon na madalas syang mag isa at halos hindi na sumasama samin. Pinapansin pa rin naman nya kami pero parang may nag iba sakanya.

-----ONE WEEK LATER-----

Isang linggo pa bago magsibalikan ang mga estudyante dito kaya naman sinasamantala ko na ang tahimik na kapaligiran.

"Magandang umaga Ms. Saren!" ngumiti lang ako sa nagbabantay at nag aasikaso ng unibersidad habang wala ang ibang bantay.

"Manong..."

"Ano po yon?"

"Diba mamaya ay dadating na ang kapalitan mo?"

"Opo!"

"Edi uuwi ka po sainyo?"

"Opo!"

"Pwede ba kong makisuyo sainyo?"

"Ano po iyon?"

Tinulungan ko muna siyang umupo sa gilid bago muling nagsalita. "Pwede nyo ho ba akong bilhan ng relo para sa bulsa? (pocket watch)"

"Sige po, ibibigay ko nalang po sainyo bukas."

Ngumiti ako at binigay ang limang gintong barya. Napalaki ang kanyang mata. "Ms. Saren hindi naman po siguro ganto ka mahal ang pinapabili nyo?"

"Ang sobra ay sainyo na po manong, pambayad ko sa pa pahingi ko ng pabor."

"Maraming salamat Ms. Saren!"

Muli nakong lumakad papuntang parke kung sana naglalaro sila Emerald. Nakit ako silang naghahabulan at nagkukukot sa yelo. Huminga ako at napansin na may usok. Natuwa ako kaya ilan beses ko inulit. Nakakamamangha.

Biglang tumingin sakin si Winter at mbailis na lumipad. Nakita ko naman si Emerald na papalapit at umupo sa harap ko. Tumalikod sya sakin at tsaka naghukay ng yelo! "

" Eme- Emerald! Ano ba yan, "

Napansin ko na nakalipad pala si Winter bago maghukay si Emerald. Ang daya pinagtutulungan nila ako.

Inis akong tumayo, muka tuloy akong taong nyebe. Nakita ko silang dalawa na mukang nasiyahan sa ginawa kaya hinabol ko sila. Naghabulan lang kami at minsna binabato ko sila ng nyebe. Napatawa ako nang tumama iyon sa muka ni Winter. Nanatili kaming ganun hanggang sa mapagod ako.

Hingal na hingal akong humiga sa lapag. "W-wala akong pag asa... Ma-mabibilis."

---
Napipilitan akong tumayo sa kama nang hilahin ni Winter ang buhok ko.

"Aray, Ano ba yon?"

Antok na antok pako pero mukang gusto nya lumabas at maglabas ng sama nang loob. Tinapik ko si Emerald kung gusto nya den pero tinalikuran lang ako nito. Napahinga ako nang malalim baka binuksan ang pinto. Lumabas naman agad si Winter habang ako ay nagsusuot ng makapal na pangginaw.

Mabilis kong sinarado ang pinto at sumunod sa kanya. Nakita ko sya sa isang gilid at ginagawa ang gustp nyang gawin.

Ang lamig at ang lakas ng buhos nang nyabe. Nagtago ako sa isang puno at hinintay dun si Winter. Tumingin ako sa paligid at ang liwanag ng buwan at nag mga poste kaya napakaganda ng gabi na ito.

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon