*unedited*
••Hera POV••
Pilit kong pinipigilan ang tawa ko kaya pumasok ako at lihim na natawa. Agad ko naman silang hinila at pinasok sa kwarto tsaka nilock ito.
Sobrang laki nang kwarto. May tatlong kama sa left side may sari-sariling patungan at lamp shade. Sa may bandang gilid nang unang kama ay may dalawang pinto. Batid ko ay yun isa ay closet at yun isa ay cr. Sa gitna naman any may pang anim na taong lamesa. Sa harap nun ay malaking bintana at kulay puting kurtina.Nakacarpet lahat nang sulok. Light purple at pink ang kulay nang pader. Sa may right side naman pinakagilid ay may tatlong lamesa na maliit sinadya ata ito para sa pag aaral at pagbabasa. May mga sofa din malapit dun.Tapos may isang accessories table ata iyon kung saan dun ka maghahanda.
Sa gitna nang right side ay may malaking salamin na may kurtina. May isa pang pinto sa right side na kusina ata iyon.
Kahit ako ay napamangha sa ganda nito. Bigla naman nila akong niyakap kaya bumagsak kami sa carpet.
"WAAAAHHHHH THANK UUUU TALAGA ATE HERAAAAA!"sabay na sigaw nila sa tenga ko. Tangina.
Tumayo ako agad at tumango lang. Kaagad akong pumunta sa pinakadulo na kama at humiga. Ahh sarap matulog.
Tumili silang dalawa kaya agad akong napabangon at nakita ko sila sa closet. Sa closet ay maraming damit. May tatlong side ito at may mga pangalan. Yun pinakauna lalagyan yun akin. Nagulat ako na halos lahat nang nandoon ay sakto lang sakin na para bang sinukatan ako. Sa gilid nun ay mga iba't ibang sapatos. Tinignan ko yun dalawa at nagsusukat na pala sila kaya pala medyo tumahimik.
Gusto ko nang matulog kaya kumuha ako dun sa closet nang pangtulog at tanging mga night gown lang ang nakita ko. Kinuha ko nalang at dumeretso sa banyo. Di nako nagulat nun may nakita akong bathtub at jacuzzi. Tama lang ang laki nang mga ito sa tatlong tao. Napailing na lamang ako at pumasok na sa shower. Kaagad akong natapos dahil inaantok na talaga ako. Nag hair dryer nako para mabilis matuyo ang akin buhok.
Lumabas na ako at humiga. Di nako nagulat na unting unti nang pumikit ang mga mata ko.
ZzzzzzzzzzzzzzzZzzzzzzzzzz.
Marahan akong bumangon nang marinig ko ang alarm clock. Pinatay ko iyon at nag inat-inat.
▪4:30am▪
Nakita ko na mahimbing pa ang tulog nang mga ito dahil kanina lang ata uto mga nagsitulungan. Lumakad ako paunta sakanila at ginising. Nagulat ako nang bigla silang nagmulat nang mata at nag tatatalon.
"GRABEEEE! ANG SARAP NANG TULOG KO KAHIT ILANG ORAS LANGGGG!"Sabi ni Vien. Napailing na lang ako.
Maski si West ay ganun din ang ginagawa at pumunta na sila sa closet.
Tinawag ko naman si Vien."May sinabi ba na magsusuot na daw nang school uniform?"
"Wala eh.. baka civilian lang muna dahil tanghali pa naman start nang klase." At nagkalikot na uli nang maiisuot. Akmang kukunin ko na sana yun ripped jeans at t-shirt nang sawayin ako ni West.
"Unang araw natin toh kaya dapat maganda ka ate Hera. Sayang ang ganda kung itatago lang." Napabuga naman ako at hinayaan ko syang magpasya.
Kinuha nya yun white Fitted off shoulder dress tsaka yun white boots na hanggang tuhod. Tinulak nya nako papuntang cr."Ate bilisan mo ah? Aayusan pa kita para gumanda ka lalo." At sinara nya ang pinto.
Wala akong nagawa kung kimilos nang mabilis dahil katok siya nang katok. Potrages wag nalang kaya ako sumama?-.-
Nagsepilyo nako at nagroba dahil nakalimutan ko pala yun damit sa closet.Pagkalabas ko palang ay hinila nako ni West papunta dun sa accessories table thingy. Tinuyo nya yun buhok tsaka kinulot na parang wave. Tapos nun ay sinabi nya na magsuot muna ako nun damit. Sinunod ko naman sya.
Nun masuot ko na ay bumalik ako dun at nilagyan nya ko anng kung ano ano sa muka."Last touch." Tsak nya nilagay yun black nang hairband.
Tumayo ako sa harap nya."WOW ate Hera! Ang ganda mo shet kakatiboHAHAHAHA! Sige na isuot mo na yun boots..ayun naman si Vien ipaayos mo kung di mo kaya ah? Ligo lang ako." Tsaka naglakad palayo.
Pumunta naman ako dun sa malaking salamin. Nagulat ako sa nakita ko. Ako ba talaga toh?
"Wawwwwww Hera ang ganda natin ngayon ah?" Nakita ko naman sya ay nagtitirintas nang buhok nya. Napatingin ako sakanya nun tumayo sya. Shet ang ganda nya. Isang black palda lang at see through na black t- shirt at saloob nun ay white sport bra ang suot nya. Tinirintas nya yun buhok nya na pakorona. Ang sapatos naman nya ay plain white running shoes pero may kataasan din ito.
Ngumisi ako sakanya."Di na din masama yun iyo."
Lumabas si West sa cr at tinuyo ang kanyang buhok. Pinusod nya iyon nang matuyo at pumasok sa closet.
Napatingin ako uli kay Vien. Ang lahat nang pinagbago nya. Kung dati ramdam na ramdam ko ang presenya nya ngayon hindi na masyado.
Lumabas na si West sa closet at nakasuot ito nang pencil skirt na white tsaka t-shirt na black na may design na 'fck off.' Pinaresan nya ito nang black heels.
Nagpabango ito at nag aya nang umalis. Napasilip ako sa orasan. Fuck! 6:10am na!
"Late na tayo." Sabi ko habang nilolock yun pinto namin. Pinag gitnaan naman nila ako
"HAHAHA ayos lang yan ate Hera sila naman ang mag aantay eh." Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami nang mga babae na parang kakagising lang.
"Ang aga naman nila?"
"Oo nga eh..sila yun mga bago diba? In fairness magaganda sila lalo na yun nasa gitna. Muka syang anghel!"
"True girl!"
"Sana all sexy huhuhuhu!"
"Psh..may bago nanamang pabibo dito sa University."
"Mga feeling campus crush"
Ilan sa mga narinig ko. Nakita ko yun mga lalaki na mukang naiinip pfft. Tinawag sila ni West. Napatingin naman sila at kumaway pabalik. Medyo nauna sila West nang unti kaya huli akong bumaba nang hagdan. Nang makababa ako ay nakita ko na lahat sila ay nakatingin saakin. Maski yun mga naglalakad ay tumigil.
Medyo uminit yun muka at nagmadali nakong pumunta kila Alex.
"Good morning,Hera. Ganda natin ah?" Sabi ni Alex. Ngumiti lang ako nang tipid. Tumingin ako kay Seid at Rade.
Biniro ko sila parehas."oh easy lang ah? Yun laway nakakaisang tabo na."
--------TO BE CONTINUED--------