Chapter 69••Hera POV••
"Hey," nakita ko si Nexan na nakapatong sa isang sanga ng puno.
"Oh ano na gagawin natin at pinapunta mo ko?" tanong ko sakanya ng makababa sya.
"Tara sa rooftop, may sasabihin ako."
"Magteteleport pa ba tayo?"
"hindi na, tara."
Nagitla ako ng hawakan nya nag kamay ko bago kami tumakbo. Hindi ko alam pero napangiti ako.
'Para akong nasa panaginip dahil parang masyado naging mabilis ang oras na halos hindi ko na namalayan kung gaano nanaman ako napalapit dito sa unibersidad at sa mga...'
Naramdaman ko dumudulas na ang aking kamay pero mahigpit nya iyon muling hinawakan. Napakainit ng kamay nya.
'... tao.'
••3rd POV••
Napatingin si Rade sa paligid.
"Asan ka ba pumunta Hera--Emerald! Ibaba mo yan kahoy baka masugatan yan ngipin mo!" Sigaw ni Rade kay Emerald na nagngangatngat ng kahoy sa gilid.
Napahinga ito dahil sinabihan sya ni Hera na magbantay muna kila Emerald dahil may kikitain daw syang kaibigan mamaya. Baka daw kumain na sila sa labas kaya nakisuyo sakin.
" Winter! Tara dito baka di kita makita mamaya dyan!"
Napansin nya na dumidilim na kaya namna nagpasya na syang ipasok sila. Hinalungkat nya ang mga pagkain nila at mga laruan.
Habang naghahanda ng pagkain nila, nakarinig ito ng kalabog.
"Sht. Winter! Emerald!" dali dali itong tumakbo palabas sa kusina at nakita ang dalawa na nag aagawan lang pala sa isang laruan. Nakita nya ang mga libro na naglalagan mula sa taas.
"Tigilan nyo yan!" Mabilis na tumigil ang dalawa ng makita ang hapunan. Binigay nya ito at inayos nag mga libro na naglaglagan. Pinaikot nya ang tingin at pinagmasdan ang mga nagagandahan desenyo.
Nakita nyang tapos na kumain ang dalawa at naglalaro nalang. Ngumiti sya at inayos ang pagkainan nila bago niya kinuha ang isang makapal na jacket at lumabas.
Naramdaman nyang ngayon ay uulan ng nyebe kaya naman napagpasyahan nyang hanapin sila Hera at ibigay ang jacket.
••Hera POV••
(A/N:Play nyo iyon stereo hearts bandang bridge para feel nyo vibe hehehehehe.)"Tsk, hoy bat pa kasi dito sa pinakatutok tayo pwepwesto? Tangena yan pag tayo nadulas..." bigla ako napamura ng namali ako ng tapak at nadulas. Buti nalang nasalo ni Nexan iyon kamay ko.
"Ayos ka lang?"
"Near death experience, but i'm okay."
Umupo ako sa gilid nya at pinagmasdan ang buwan. Napakaliwanag nya ngayon kasama ang mga bituin.
"Naalala mo ba ang mga sinabi ko noon?"
Napagat ako ng labi dahil naramdaman ko ang pagbilis nang tibok ng puso ko. Wooh.
"A-ano... Uhm... Medyo?"
Natawa naman sya at di na nagsalita. Nakakaramdam ako na magiging awkward kami kaya ngkwento nalang ako.
"Alam mo ba na naperpekto ko ang pagpapalabas ng makalumang apoy? I kmow hindi mo naman siguro iyon alam, pero wala lang hehe. Pati kasi ako, namangha sa sarili ko..."
"Gusto ko din makita kung paano,"
Napatingin ako sakanya at walang buhay na tumawa. "Dito talaga?"
Tumawa naman sya malakas. "Sa susunod nalang."
"Kamusta naman ang huli nyong test?" tanong ko sakanya.
"Ahh, physical test din ang pinakahuli namin."
"oh anyare?"
"wala naman gaano, hand to hand combat lang pero ang guro ang kalaban..."
"natalo mo?"
Ngumiti sya. "Hindi."
Nagulat ako sa sinabi nya. "Eh?"
"Wala naman nakakatalo sa guro namin pag ganun ang test." dugtong nya.
'kung sabagay...'
Napatingala ako sa taas dahil kapansin pansin talaga ang liwanag ng buwan at mga kislap ng bituin.
"Tignan mo Nexan, nakakabighani ang buwan at mga bituin." sabay turo sakanila.
"Oo nga, napakaganda." bulong nya sakin.
Lumingon ako sakanya dahil bakit kailangan pabulong nya sabihin, pero hindi ko inaasahan na napakalapit pala namin sa isa't isa at nagtama ang aming mga labi.
Dali dali akong humiwalay at napatingin sakanya. Aksidente yon!!!
"P-patawad di k-ko sinasad---" di ko na natapos ang sasabihin ko sakanya ng bigla nya kong hinila at muling pinagtapo ang aming mga labi. Napapikit ako at napahawak sa jacket nya ng mahigpit. Naramdaman ko ang nyebe ay nagsisimula nang bumuhos.
••3rd POV••
(A/N: play nyo iyon happier x here's your perfect bandang chorus para sakto sa vibe awheat hshahaha rip sa puso ni Rade😔🍻)Ang tadhana ay hindi mo talaga mapipigilan. Ang mga bagay na hindi mo inaasahan na pwede mangyari ay maaaring mangyari.
Nakita ni Rade sila Hera sa tuktok at kumaway pero mukang di sya nakita dahil nagkwkwentuhan sila. Umakyat siya sa kabilang rooftop para maghintay ng tamang oras para ibigay ang jacket kay Hera.
Napangiti sya ng bumuhos na ang inaasahan nyang nyebe. Sinundan nya pagbaba nun at hindi sinasadyang makita sila Hera ay naghahalikan. Napaiwas sya ng tingin sakanila at umalis ng tahimik.
-----------------TO BE CONTINUED-----------------
A/N:
🍁SALAMAT SA PAGBABASA! KUNG IYONG NAGUSTUHAN AY MAG IWAN NG LIKE, REAKSYON AT KOMENTO SA BABA.
🍁STAY HYDRATED AND KEEP SAFE! ILYA!