Chapter 92

17 0 0
                                    

Chapter 92

••Hera POV••

Napataas ang kilay ko." oh tapos? Sino kaba para pakinggan ko?"

Unting unti nang bumalot ang yelo sakanya. Nagpakawala siya ng isang sigaw bago ito naging buong yelo.

Inihanda ko ang aking espada ng magpaulan nanaman ang isang lalaki ng kulay puti na anino. Napansin ko din ang ibang naliligaw pababa sa direksyon nila West.

"West, mag ingat kayo! May asido sa mga atake niya."

Muli akong gumawa ng pader saamin dalawa pero madali niya na itong nakakansela.

Napakunot ang noo ko sa inis. "Tsk!"

Tinawag ko Winter papalapit sakin at tumalon sa likod niya. Inikutan namin ang dalawnag malaking anino. Wala akong mahagip na maaaring pinagsimulan nito kaya satingin ko ay ang pagtalo lamang ang susi upang mapaalis sila.

"Winter, magpakawala ka ng apoy papunta sa lalaking iyon." bulong ko kay Winter.

Lumipad kami papalapit sakanya at ginawa niya ang sinabi ko. Ginamit ko ang apoy para paligiran kaming dalawa at umatake ng mas malapitan.

Nabitawan ko ang espada kaya sinubukan ko magpakawala ng suntok. Mukang hindi niya iyong inaasahan kaya tumalsik siya.

Mabilis akong lumapit at paulit ulit na pinagsusuntok ang kanyang muka. Hinawakan ko ang leeg niya. Mukang nakaramdam siya ng mangyayari kaya nagsimula na siyang magwala.

Ngumisi ako. Huli na para magpumiglas. "Wolkinstor."

Naitulak niya ako at tumayo siya. Pansin niya ang pag yelo ng kanyang kamay. Nagtataka ako dahil lumalakad siya pero hindi upang atakehin ako.

Lumapit ito sa babaeng nagyelo at yumakap ito doon na parang prinoprotektahan. Tumingin ito sakin at may butil ng luha na nahulog.

Para akong kinilabutan at nagsalita bigla. "Hindi permanente ang abilidad ko."

Tumango ito sakin. "Herause Saren, ngayon ay aaminin ko ang aming pagkatalo pero hindi na ito mauulit pa."

Tumalikod nako sakanya at akmang bababa na sa malaking anino ng magsalita ito ng nakapagpatigil sakin.

"Para sa iyong kaalaman, Si Vien Rey ang lumapit saamin, hindi kami."

Lumingon ako sa gawin niya ngunit namin yelo na ng tuluyan.

Mas lalong gumulo ang aking isipan. Tinamad ko si Winter muli upang dalhin ako sa pangalawang gusali. Napansin ko ang baba at halos paubos na ang mga halimaw.

Sumenyas sakin si West na isama siya pero umiling ako at sumenyas na pagtapos nalang namin muna mag usapan ni Vien. Bumaba ako kay Winter at sinamahan naman ako ni Emerald na tumahak pababa.

Tumakbo ako sa bawat silid upang tignan kung may mga tao pa sa silid. May nakita akong isang babae na naipilit ng malaking bato.

"Tulong..." mahina nitong sabi. Tinapik ko si Emerald at sabay namin tinulak ang bato. Agad naman sumirit ang dugo kaya pinatanggal ko ang suot nitong manggas at tinalian ang paa. Tinignan ko ang kanyang kalagayan, mukang hindi niya na kakayanin pang maglakad pababa.

Sumakay ako at ang babae sa likod ni Emerald at sinabi na dalhin siya sa pinakamalapit na manggagamot. Dali dali kaming nakaalis habang hawak ko ang babae.

Tumigil kami halos sa tapat din ng gusali ng matanaw ko ang isang manggagamot.
"Muka siyang may bali ng buto at hindi maganda ang dlaoy ng kanyang dugo, paki agapaan."

Umupo kami ni Emwrald sa harap nila habang ginagamot siya.

Nangtapos ang paggagamot sakanya, nagpasalamat siya ng paulit ulit samin at sinabing maayos na ang kanyang pakiramdam.

"Nagbabakasali lang naman pero nakita mo ba si Vien?"

Napahawak ito sa baba at nag isip. Lumiwanag ang muka niya bago nag salita. "Hindi ko masasabing siya nga iyon pero may dumaan ng mabilis kanina sa harap ng silid. Sa bilis nito ay satingin ko hindi na niya narinig ang aking paghingi ng tulong."

Tumayo ako agad at nagpasalamat. Pinaiwan ko na si Emerald doon dahil napansin ko ang kanyang mga natamong sugat kanina.

Tumakbo ako papasok at umakyat muli pataas. Tumigil ako sa dulo ng kaninang pasilyo at inisip ko saan maaari siyang pumunta. Napatingin ako sa kumikinang na balahibo sa lapag.

'Veux...'

Sinundan ko ang madilim na pasilyo malapit sa bintana at binuksan ito. Tumingin ako sa baba at natanaw ang maliwanag na gumagalaw sa kakahuyan. Tumalon ako pababa ng hindi iniinda ang palapag at tinakbo ito.

---------------------TO BE CONTINUED--------------------

🍩HAPPY 3RD ANNIVERSARY KENQUE UNIVERSITY! I WRITE THIS WHEN I WAS IN GR 10 AND NOW A GRADUATING STUDENT! SIYEMPRE ANG ANIBERSARYO DAPAT AY MAY MGA SUPRESA KAYA ABANG ABANG👀

🍩SALAMAT SA PAGBABASA! KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN, MAG IWAN NG LIKE, REAKSYON O DI KAYA KOMENTO SA BABA!

🍩STAY HEALTHY EVERYONE AND ILY💗

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon