Chapter 90

18 0 0
                                    

Chapter 90

••3rd POV••

Parang bumalik sa reyalidad si West ng bigla may lumipad sakanya na patalim. Nabaling ang atensyon nya bigla sa harap na napapalibutan pa din sila ng mga halimaw.

"Herause Saren! Gago kang babae ka saan kaba napunta punta ha?!" Sigaw ni Aurs.

Napatawa nalang si West at binigyan ng senyas si Emerald upang pumunta sa amo niya. Kinuha nya ang espada na binato nya at iniwasiwas.

"Inang pagod! Mamaya talaga hihiga ako at gigising pagtapos ng limang beses," Sigaw nito bago tumakbo sa direksyon ng mga halimaw.

Mabilis niyang iniwasan ang malaking bato na binato at sinaksak ito sa pataas. Hinila nya ang espada at sinaksak ang nasa likod nito.

••Hera POV••

Hinihingal akong bumaba sa isang bato at sinalubong naman ako ni Emerald. Yinakap ko ito ng mahigpit at nagpasalamat kay Winter.

Natawa ako at binatukan si Aurs na lumuluha sa harap ko. "Akala ko patay ka nang gaga ka."

"Pasensya na ngayon lang ako nakadating." Sumeryoso ang paningin ko ng maalala si Vien.

"Nakita mo ba si Vien?"

Umiiling ito at tinuro pa ang isang kahon. "Hala at humayo kana, may isa pa don oh,"

Tumango lang ako at ngumiti sakanya. Sumakay na ko kay Emerald at pinapunta siya sa kabilang kahon.

Madaming humarang samin ngunit tumahol lamang sakanila si Emerald ay nagliparan ito sa lakas ng epekto.

Inikot ko ang aking armas at nihampas sa lahat ng magtatantang lumapit saamin. Mabilis kaming nakarating doon at isang bulto ang nagpupumipit na sirain iyon. Sa una ay pinanood ko muna siyang batuin ito ng isang malaking piraso ng gusali na nasira bago bahagyang lumayo.

Pinatalon ko si Emerald sa mga bato upang mapunta sa taas noon. Kaagad kaming sinalo ni Winter ng kinapos ang tinalon namin.

"Winter, ibaba mo kami sa taas nyan" sabay turo sa kahon.

Umikot muna si Winter at ibinaba kami sa bandang may liwanag. Nakita ko ng kakaonti ang ilaw na nakawala dahil sa mga bitak na nagawa ni Nexan.

'mukhang kaya nya na ito kaya hahanapin ko nalang si Vien...'

Bumaba kami at humanap ng pwedeng pagtaguan sandali.

"Emerald, Tulungan mo si Winter na mabawasan ang dami ng halimaw, hahanapin ko lang si Vien."

Kaagad itong tumakbo kay Winter at sumakay.

Napansin ko na may nakatingin sakin at tumingin ako sa gawi ni Nexan. Nagtama ang aming paningin at ngumiti ito.

"Saan ka nagpunta?" pagkakabasa ko sa kanyang bibig.

"Nawala lang ako," sagot ko pabalik ngunit alam ko na hindi ito maniniwala kaya itunuro ko ang kahon at umarte na parang pinipipi ito. Mukang nakuha nya naman at nag thumbs up lang ito sakin.

'Pasensya na Nexan, kailangan muna kitang libangin para makausap mag isa si Vien.'

Malapit lang naman ako sa mga gusaling nasira kaya pumasok na ako doon. Kada butas at tinitignan ko ngunit walang bakas doon.

Napahinga nalang ako ng wala ito sa unang gusali na pinasukan ko. Itinali ko lang saglit ang aking buhok at inayos ang suot na pangginaw.

Sumilip lamang ako sa silid aklatan at napansin na meron bakas ng pagkasunog ito.

Napatalon ako at iniwasan ang maliit na kutsilyo na biglang sumupot na kung saan.

Tumingin ako sa taas ng lagayan ng mga libro at napansin ang nangingibabaw nitong puting ilaw.

"Maligayang pagkikita muli, binibini..."

Tatakbuhan ko na sana ito dahil wala na akong oras para makipaglaban ng may sumulpot namna babae na kulay lila ang ilaw na binibigay.

"Naalala mo ba ako, small bitch?"Sabi nito at inilabas ang maliliit na kutsilyo nitong hawak. Siya pala yun ha.

" Hindi? "

Napahawak ito sa dibdib."Awts, pagtapos mo kaming bastusin noon kakalimutan mo kami?!"

"Sino ka ba?"

"Saglit..." lumapit siya sa nakaputi at inayos ang kanyang buhok. "Muli ay ako si Violeta at ito si Light, noon ay natalo nyo kami pero hinding hindi na ito muling mangyayari."

Isang puting anino ang lumapit at umatake sakin. Iniwasan ko ito at tumayo sa taas.

"Hindi ko talaga maalala kayo pero..." Ipinosisyon ko ang aking armas "kailangan kong bilisan ang pagliligpit sainyo."

Tumakbo ako at mabilis na inatake sila. Naharang nila ito ng puting anino muli.

Umatras ako't binitawan ang armas. Hinawakan ko ang lupa na sanhi upang mapalibutan kami nito. "Pasensya na at may hinahanap ako ngayon."

-------------------TO BE CONTINUED--------------------

A/N:

👩‍⚕️SALAMAT NG MARAMI SA PAG BABASA! KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN AY MAG IWAN NG REAKSYON AT KOMENTO SA BABA!

👩‍⚕️ILYA AND STAY HEALTHY EVERYONE!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon