Chapter 36

39 1 0
                                    

••Third POV••

Dalawang araw ang lumipas simula nang matapos ang evaluation. Kaya naman balik pasukan na. Ang ilan ay mahihimigan sakanila ang pagkakuntento,saya,inggit at pagkadismaya.

Ngayon ipapastil ang mga malilipat at hindi malilipat. Sabi sabi kung sino ang nakatalo sayo,ikaw ang papalit sakanya. Sa madaling salita,kung ang nakalaban mo ay taga mababang rank at natalo ka,mapupunta sya sa rank mo at ikaw ay mapupunta sa rank nya. Gets? Punyemas ayos na yan.

••Hera POV••

Panay ang tanong nila Vien kung ayos lang ba daw ako sa resulta at panay tango lang ako. Nanalo ang kalaban ko nang patas kaya wala ng dapat ikaangal dun. Makakasama ko naman si West at Alex sa klase kaya ayos lang ulit.

"Heraaaaaaaaaaaaaaaaa!Westtttttttttttttt! Iiwan nyo ko huhuhuhuhuhuhuhuhu!"angal ni Vien.

Lumapit si West at binatukan ito."Hindi naman Vien,Magkakasama padin tayong pito sa cafeteria at sa free time diba?"

Napasimangot ng sabay si Vien at Aurs habang naglalakad. Naghiwalay na kami nang daan nang tataas na sila. Tahimik na nakasunod ako kila West at Alex sa likod papuntang 'Section 1-C'.

Tutal di naman daw kailangan mag uniform ngayon, kaya ang mga estudyante todo porma naman. Nakarating na din kami. Narinig ko na huminga muna si Alex bago sya kumatok.

Bumukas ito at sumilip ang mukang propesor nila. Ngumiti naman ito saamin bago sinenyasan na pumasok.

"Class. Sila ang papalit sa mga nawala dito. Please be nice with them okay?"

"YES MISS!"

"O sige,magpakilala muna kayo."

Sinenyasan ako nito na ibaba ang hood ko kaya wala akong nagawa kung hindi ibaba ito. "Hello ako Herause Saren."

Nag bulong bulungan ito nang kung ano ano pero di ko nalang sila pinansin.

Nagpakilala na din sila West at Alex. Tinuro na nang propesor ang upuan kaya umupo na kami.

Hindi na kami nahirapan mag adjust dahil medyo ahead na ang naituro saamin, kaya ang dalawa nag pakitang gilas tss.

Pinilit kong wag makatulog dahil naulit nanaman ang mga binasa ko. Hobby ko magkalikot,basahin ang kung anu ano kaya naman minsan ay alam ko na ang mga itinuturo.

Tinaas ko muli ang hood ko at saka dumukdok sa lamesa. Pipikit lang ako saglit.

••West POV••

Napalingon ako sa katabi ko. Amp. Tinulugan lang ang klase. Nilagyan ko nang libro sa harap nya para di sya mahalata nang susunod na propesor.

Wala naman nag aapproach saamin, pero ayos lang. Di naman namin sila kailangan. Tumingin ako kay Alex nang kinalabit ako.

"Bat ang tahimik ni Hera--"

"Hindi bat dati naman na syang di palasalita? Kaya naman shh."

Napatango naman ito at nag sign pa na izip zip ang mga labi.Napangiti ako. Mukang tanga.
.
.
.
.
Lumipas ang oras at tapos na rin ang klase. Lunch time na.

"Hera...gising na."

Napaangat ito ng tingin."Ha? Susunod na subject na ba?"

"Huh? Kain na na na!"Sigaw ni Alex sa mismong muka ni Hera. Napaiwas naman si Hera at nagpunas nang muka.

"Tss. Talaga? Osige,tara na."

••Hera POV••

Parang pumikit lang naman ako,tas tanghalian na. Hinihila ni Alex ang hood ko kanina pa,kaya sa irita ko sinapak ko sya.

Nakalayo tuloy ito sakin. Tss. Napatawa tawa lang saamin si West kala mo talaga saakin sya natutuwa pero kay Alex talaga.

Naglalakad lang kami,nang may narinig kaming pagsabog. Napatakbo tuloy kami nila West dun sa field.

"MAY MGA NAKAPASOK NA IBANG NILALANG! MAY MGA NAKAPASOK NA IBANG NILALANG!"

Sigaw nang isang nagbabantay. May biglang sumalakay sa kanya na kulay itim. Napaatras ang ilan at bigla silang nasitakbo. Nakita ko ang pagbaling nito kila West kaya hinatak ko sila sa isang pader na pwedeng pagtaguan.

"Ayos lang kayo?" Sabay silang tumango at nanood. Napahinga naman ako. Buti nalang may nahagip ako kaninang taguan.

"Dapa!"

Hinatak ako pababa ni Alex. Nang may tumagos na itim na apoy? Napagapang kami ng kumalat iyon. Nadapuan ang suot kong hoodie kaya kaagad ko iyon binato. Pilit akong tinayo ni West at Alex.

"Tarana Hera! Punta na tayong auditorium!"

"S-saglit. Mauna na kayo. May kukunin ako. Si Emerald."

Pilit parin nila akong hinihila."Wag na! Narinig ko na ichecheck ng mga nagbabantay ang bawat silid. Makukuha nila si Emerald at ilalagay sa ligtas okay?!"

Napabuga ako at nag paubaya. Nakarating kami sa loob. Ang ingay naman. May umiiyak,sumisigaw,nagkwekwentuhan at marami pang ingay.

Mukang halo halo kami dito pero wala akong pake. Hinanap ko kung saan yun mga guardian nakalagay. Ayun.

Humiwalay ako kila West ng di nila alam. Tumingin ako bawat guardian doon. Si Veux. Ang guardian ni Vien. Mukang namukaan ako nito at lumapit saakin. Hinimas ko ang ulo nito. "Hi Veux. Si Emerald?"

Para itong nakaintindi at tinuro ang pinto palabas. Shit. "Salamat Veux. Hanapin mo na ang babantayan mo."

Umalis ito saakin at lumipad. Ako naman ay tumakbo palabas papunta sa silid namin.

Ilan beses akong pinapabalik sa auditorium. Pero nag teteleport nalang ako sa likod nila at muling tatakbo.

Nang may natanaw ako na kulay berde na ilaw ay sinigawan ko ito kaagad.

"Emerald!"

Napabaling ito sakin. Si Emerald. Tumakbo ito saakin at tumalon? Wtf.

Sabay kaming bumagsak sa sahig. Aray ang sakit sa likod. Dinilaan ako nito at nilagay ng isang paa sa muka ko. Amp.

"Tama na yan..tayo na tayo. Punta na tayo sa auditorium." Nilagay nito ang kamay ko sa likod at inalalayan akong sumakay. Ang laki laki nya na.

Mabilis na tumakbo ito papunta don. Pero bigla itong tumigil nang may humarang sa harap namin.

Kulay itim iyon pero ang mga mata at pangil ay kulay puti. Tumakbo ito papunta saamin at handa ng umatake.

"Takbo,Emerald!"

------------------TO BE CONTINUED------------------

A/N:

▪Oh kala nyo tapos na ang bakbakan? Bulaga izza prank.

▪Salamat sa pagbabasa! Mag iwan ng reaksyon at komento!

▪keep safe hoy. Ang dami nang nag kaka covid,wag ka nang makisali tanga. I love you all mwuah. Stay hydrated.

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon