Chapter 86

9 0 0
                                    


Chapter 86

••Hera POV••

Napapikit ako sa irita dahil bukod sa napapalibutan ako ng mga bata, iyak pa sila ng iyak.

'Kailangan ko mag pokus wooh...'

Inilapag ko ang libro dahil muka naman di naman ako makakapasa. Lumapit aakin ang isang bata.

Kinarga ko ito at inupo sa lamesa. "Bakit kaba umiiyak?"

Tinuro nya ang isang bote ng gatas. Inabot ko iyon at binigay sakanya. Tumahan na ito at ininom ang gatas. Tumingin ako sa pinagkuhaan ko ng gatas at kinuha pa ang lima.

Isa isa kong binigyan sila at napansin na tumahimik na rin ang kapaligiran. Isa isa kong pinunasan ang mga luha nila na para silang inapi.

Naalala ko sakanila ang mga kaibigan ko noon. Iyakin din sila pero tuwing binibigyan ko sila ng tsokolate ay tumatahimik na sila.

Tumunog na ang kampana kung saan ang palatandaan na tapos na ang klase. Nawala na ang mga bata at kaming tatlo nalang nila Fran ang nandito.

"Patuloy na sanayin ang sarili na magpokus sa isang bagay..." tumango tango lang ako at inayos na yun libro.

"Pero huwag kakalimutan na may tamang oras para mag pokus sa isang bagay o sa kapaligiran muna..."

Nagkatinginan kami ni Fran at sabay tumayo. "Maraming salamat po sa araw na toh."

Ngumiti lang ito samin at naunang lumabas. Napabuga naman ako ng hangin.

"Mauna nako, Fran. Dadaan pako sa baba para ibigay yun huling listahan para sa gaganapin pagtitipon ng mga nakakataas."

"Sige, kita nalang tayo bukas!" Paalam nito sakin at pinanood siyang lumakad papalayo. Tumalikod nako at dumeretso sa baba.

"Ginang Huji!" sigaw ko nun naaninag ang pamilyar na likod sa hagdan.

Lumingon siya at tinignan ako na tunatakbo pababa. "Ms. Saren, oh dahan dahan..."

Nilabas ko ang papel at binigay sakanya. "Ito napo yun hinahanap nyong listahan."

"Ahh! Maraming salamat sa paghahanap." Ngumiti lang ako at nagpaalam.

Tumingin ako sa bintana at lumulubog pa lamang ang araw. Tatawagin ko sana si Emerald, pero nasanggi ng tingin ko si Vien.

Mabilis akong lumapit sakanya sa sulok. Tila tumigil ang paligid ng makita na hinahampas nya ng upuan ang isang guro.

"Vien? Anong ginagawa mo?"

Humarap ito sakin. "Nandito ka na pala."

Naguguluhan akong sumulyap sakanya. "Anong-"

Naputol ang aking salita ng biglang may nagkabit ng posas sa kamay ko at tinakpan ang ulo ko.

Nanlalabo ang aking paningin at stingin ko dahil iyon sa posas.

"Matulog ka muna ng mahimbing, Hera."

--------------------TO BE CONTINUED--------------------
A/N:
🙋‍♀️Buhay pa ko goiz! Pabalik balik kasi ang aking sakit kaya di ako makapokus sa pagsusulat pero babawi ako bago magpasukan. Ang bilis ng panahon.

🙋‍♀️SALAMAT SA PAGBABASA! KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN, MAG IWAN NG LIKE, REAKSYON AT KOMENTO!

🙋‍♀️ILYA, stay safe mina.

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon