••Hera POV••
"Hay nako, mga kabataan talaga ngayon puro sakit ang hanap..."
Sabay kaming tumayo ni Fran at kinamusta ang lagay ng lalaking bampira.
"Maayos naman na ang lagay nya, mabuti at dinala nyo siya agad dito dahil nabalian pala siya ng buto." napatingin sakin ni Fran bago nag paalam na lalabas muna at mag iikot muli ng isa pang beses.
Tinitigan ko ang katawan nya dahil napakadami nyang pasa at sugat. Alam kong paggising nito ay pupunta padin sya sa detention dahil nilabag nya ang patakaran sa oras, pero kung ito ay magaling na.
Hindi ko na kaya pang hintayin ito na magising ng kusa kaya medyo diniinan ko ang sugat nito sa muka.
"Aray!"
Napahawak siya sa sugat na diniinan ko. Bigla syang bumangon at agad na sumama ang tingin sakin.
"Nun nagsusuntukan kayo, muka naman di ka nasaktan. Hinawakan ko lang naman ah?"
Mas lalong sumama ang tingin nya ng dumuho muli ang sugat nya. Ngumisi ako at tinapat doon ang kamay ko. Mabilis kong pinalibutan ito ng dahon na may dagta ng pangtigil sa dugo.
Binigay ko ang detention slip bago lumabas. Sakto naman ang pagbaba ni Fran sa pangatlong palapag. "Tara na sa mga taong lobo."
Habang naglalakad sa lagusan binatukan ako ni Fran. Iiwas sana ako pero mabilis ang kanyang kamay.
"Aww... Bat?"
Tumawa sya bigla. Hala?
"Dapat hindi mo na pinatulan iyon mga iyon kanina pfft--" bigla nanaman syang natawa kaya hindi nya na natapos ang sasabihin nya.
Binuksan nya kulay tanso na pinto. Dahil nahuli ako sa pagpasok ay ako na ang nasara,kaso pagtingin ko sa harap parang bula nawala si Fran.
" Fran?"
Hinawi ko ang kurtina bago bumungad sakin ang madilim na pasilyo. Sa sobrang dilim ay wala nako halos matanaw kaya kumapa kapa na lamang ako. Naramdaman ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo at kamay.
'ayoko dito... '
Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng huminga. Kahit saan ako tumingin puro itim na lamang. Nagsisimula nako manginig at mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.
"A-ayoko dito."
Para akong tinakasan ng kaluluwa ng may humawak sa balikat ko. "Hera?"
Biglang lumiwanag ang pakpak ni Fran. Dahan dahan akong kumalma ng makakita ng liwanag. Nahinga naman ako ng malakas nang bumukas na ang lahat ng ilaw.
"Hera ayos ka lang ba? Pawis na pawis ka..."
"May takot ako sa d-dilim."
Nakita ko ang awa at pag aalala sa kanyang mata. "Pasensya na, napansin ko na kase na may sira nanaman ang ilaw kaya tinignan ko muna..."
Tumango tango na lamang ako. Tinulungan niya akong tumayo bago kami lumabas ng pasilyo. Halos wala naman na kaming nahuli na nakatambay lang. Mabilis namin natapos at nakalipat sa susunod.
Excited na excited na ipakita sakin ang kanilang lugar. Napangiti nalang ako ng maliit sa kakulitan nya katulad ni Vien.
Maayos ang paligid at halos wala uli kaming nahuli na wala sa klase o tumatambay tambay nalang. Nagpahinga kami sa bleachers habang umiinom ng tubig. Tinatanaw ang mga estudyante na naglalaro lamang ng bola. Bigla naman napunta samin ang bola na nasaktuhan sa paa ko. Kinuha ko ito at binigay sa kakadating na estranghero.
"Salamat... Hi Fran,"
Lumingon ako kay Fran upang makita nag reaksyon. "Uy hi March!"
"Hi alpha." Kumaway ito sakin at sabay ngiti.
Ngumiti ako ng maliit. "Hera."
Tinanggap nya ito. "March Briel."
----------------------------TO BE CONTINUED------------------------
A/N:
🦋Salamat sa pagbabasa! Mag iwan ng reaksyon at komento kung ito ay iyong nagustuhan!!
🦋Mag ingat palagi at ugaliin ang pag inom ng tubig. Ilya☄️