Chapter 64

24 0 0
                                    

●●LEARN TO RESPECT REPLY BOX POLICY. WAG PAKALAT KALAT PLEASE.●●

Chapter 64

••Hera POV••

"Ikaw ang kailangan ko..."

Para akong nilutang sa hangin nang sabihin nya iyon pero bigla iyon naudlot nanag may sunod syang sabihin.

"Ikaw ang kailangan ko, kailangan ko ang ideya mo sa gaganapin na anibersayo nang unibersidad diba,"

Napahinga ako muli. "A-ahh oo tama, sige mag iisip nako mamaya pag uwi tas bukas ko sasabihin sayo."

Nakatungo akong lumabas. Shutangina ano bang iniisip ko at bigla akong napatigil sa hininga?

Napahinga ako muli bago pumunta sa klase.

-----
After all classes
-----

Hay, kahit na dito ako nag aaral noon, hindi ko alam na mas humirap pala ang mga subjects. Nag inat inat ako nang may isang kamay na may hawak na strawberry milk sa muka mo. Akmang kukunin ko na nang bigla nya itong itinaas.

Nakangising Rade ang humarap sakin. "Hello miss,"

Pinakyuhan ko lamang sya at naglakad na. Muka naman di nya ibibigay iyon gatas edi wag. Nakabusangot akong naglakad papuntang tuktok dahil gusto ko muna nang sariwang hangin dahil mukang natuyot ang dugo nang aking utak.

"Hoy Hera sandale!" narinig kong sigaw ni Rade pero nag tuloy tuloy padin ako dahil gusto ko nang malasap ang hangin. Binuksan ko ang pinto at malakas na isinara.

Naiirita ako at wala akong strawberry milk. Umupo ako sa may lilim habang pinagmamasdan ang makulimlim na langit.

"Hoy biro lang eh!"

"tsk..."

Tumabi sakin si Rade at binigay ang milk.

Hindi ko sinasadyang magreact. "Yey."

Biglang kinurot ni Rade ang pisngi ko. "Aray, tangina ka."

"HAHAHAHAHAHA ang cute mo nun sinabi mo iyon 'yey' ulitin mo nga,"

Tinaasan ko lang sya nang kilay. "In your dreams."

Ngumisi sya bigla. "In my dreams? Gusto ko ikaw ang babae na makakasama sa pagtanda..."

Napatigil ako sa pag sipsip at wala sa sarili sinabing "de repente?"

// de repente? - all of a sudden? //

"Ano?"

"Wala." Parang uminit ang tenga ko kaya tumayo ako at lumapit sa may harang para hindi mahulog ang mga estudyante.

Kitang kita dito ang lawak nang unibersidad pero mas nakikita ko ang lahat nang mga pangyayari noon. Napabuga ako ng hangin nang malakas dahil unting unti ko napagtanto na hindi naman siguro masama kung tatalikuran ko ang paghihiganti pero bigla akong nakokonsesya at gusto ko na sunugin ang buong lugar.

May biglang umakbay sakin.

"Ang lalim nang iniisip mo ah? Share mo naman?" Pagtatanong ni Rade.

"Sinisid mo?"

"Alen?"

"Iyon isip ko sabi mo malalim eh..."Pagbibiro ko sakanya.

"Ang corny mo HAHAHAHAHA" wews corny daw pero tawang tawa.

Ngumiti lang ako at tumingin muli sa malayo. "Pero alam mong andito kami para sayo diba?"

Nagulat sya nang bigla ko siyang yakapin. "Alam ko at sobrang nagpapasalamat ako dahil don."

Gumanti siya nang yakap at tinapik ang ulo ko. "Mamigay ka kasi nang talino para di mo solohin ang mga problema mo HAHAHA, "

"Pero ayoko kayo na isali sa mga problema ko..."

"Malay mo kasama na,"

Natigilan ako sa aking narinig.

"Ano?"

"Sabi ko malay mo kasama talaga kita sa pagtanda," Sabi nya habang nakatingin sa mata ko.

Ngumisi ako sakanya. "Patay na patay ka sakin noh?"

"Hindi, ulol..." umiwas sya nang tingin matapos nya iyon sabihin.

Humiwalay nako sa yakap at tumingin sa kanya.

'Hindi daw pero hindi nga makatingin sa mga mata ko nang maayos.'

"Tatapatin na kita Rade..."

"Hmm?"

"May ano.... Ahm,"

"May ano?"

Iniwas ko sakanya ang tingin at tumingin din sa baba at nakita ko si Nexan na nakikipaglaro ata kay Copper. "Ahh--"

"May gusto kang iba?"

"Pano mo nalaman?" hindi ko sadyang nasabi pero ang paningin ko pa din ay na kila Nexan. Muka kasi silang masaya sa ginagawa nila dhil nakikita ko ang mga ngisi ni Nexan.

"Wala naman saakin iyon paningin mo eh..." napatingin ako bigla kay Nexan. "Nasa harap mo lang ako Hera pero bakit parang wala naman iyon paningin mo sakin?"

"O-Oy ayoko lang mailang."

Tumawa sya. "Alam ko naman may gusto kang iba pero hindi ko inaasahan na ganun kabilis mo kong irereject,"

Buntong hininga ako humarap at sinalubong ang tingin nya. "Rade, matalik na kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay. Ayoko subukan dahil ayoko lokohin ang sarili ko. Ayaw kitang paasahin at paghintayin nang matagal..."

"Okay lang, hindi mo naman talaga mapipilit yan," Sabay guhit nang puso sa kamay ko.

"Ayos ka lang ba?"

"Hmm... Hindi, pero aayos din pagdaan nang panahon."

Napayuko ako sa sinabi nya.

'Patawad...'

Niyaya nya na ko bumaba pero hindi nako nagpahatid dahil dadaan pako sa library.

--------------------TO BE CONTINUED--------------------

A/N:

🍑THANK YOU FOR READING! IF YOU ENJOY READING IT, PLEASE LEAVE A LIKE, REACTION OR A COMMENT!

🍑STAY HYDRATED, KEEP SAFE AND I LOVE YOU ALL🍒

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon