Chapter 41

40 0 0
                                    

A/N:
(May nakita akong isang reader na sabi ay kung sino ang bata sa panaginip ni Hera...syempre sya yun hehe. kailan kaba nakapanaginip nang hindi ikaw yun pov diba? Except nalang kung may abilidad ka gamit ang iyong brainnn.)

Chapter 41

••Hera POV••

00:54 na nga umaga pero hindi ako makatulog. Masyado akong maraming iniisip para sumagi ang tulog.

'Tulog kapa nang hapon ah..'

-.-

Ayan kinakausap ko na sarili ko tsk. Niyakap ko si Emerald na nasa gilid ko at nakanganga na habang nasa gitna namin si Winter na bahagya naghihilik.

'Ang cute hehe.'

Pinilit ko na ang aking mga mata ngunit sadyang bumabagabag sakin ang mga napapaniginipan ko. Paulit ulit na lang.

Hanggang kailangan ko ba mapapaniginipan ang mga nanyari sakin noon? Hanggang kailan ba ako nito papahirapan matulog? Kailan ba ako makakalaya?

Hindi ko namalayan sa paglakbay ng aking isipan ay nakatulog na ako.

---
Habang tulala sa kawalan ay napag isipan ko na ang sinabi sakin ni Peter. Di ako sigurado kung ano dapat ang isasagot ko sakanya dahil mas madaming makapangyarihan sa wizards kaysa saakin.

Napahinga nalang ako bago pumasok sa librarya. Tumango lang ako sa nagbabantay bago hinanap ang pakay ko.

"What are you doing?"

Muntik ko na ihampas ang librong hawak sa taong nagsalita sa gilid ko.

"Ano ba ginagawa sa library ha? Baka kumakain ako ano."Sagot ko kay Nexan bago tumalikod.

"Hey--wait! Saglit Herause!" Naramdaman ko na muka mahalaga naman ang sasabihin nya kaya dumeretso ako sa dating taguan namin ni Rade.

Hinintay ko syang makarating bago ako sumandal. "Ano ba ang sasabihin mo?"

"Ano na ang sagot mo sa sinabi ko kahapon?"

Nagtama ang paningin namin."Mmm,pumapayag nako..."

Ngumiti sya nang maliit."Good. Simula bukas ay ililipat kana sa A class." saad nito bago ito umalis.

*Kringggggg!**kringggggg*kringggg!*

Napahinga lang ako sa kawalan bago umalis. Ang hawak kong libro ay hindi ko na nabasa dahil oras na para sa ibang klase.

---
Napatungo nalang ako sa klase dahil wala pa ang amin propesor. Bakit ang tagal?

"Okay class go back now to your proper seats!"

"Pst Hera..gising kaba?"wika ni West. Tumingin ako sa kanya bago humarap sa pisara at sumandal.

"We are going to discuss about the witch spells that you shouldn't cast while you are out of energy,example blah.....blah.....blah...blahblahblah...."

Wala na akong maintindihan sa sinasabi nya kahit anong tutok ko sakanya. Sa madaling salita,tinatamad akong umintindi.

Tumunganga nalang ako sa bintana sa gilid ko.

'Simula bukas ay hindi ko na alam ang manyayari sakin. Hindi ko pwedeng sabihin sakanila ang ability ko. Mas lalong hindi ako pwede mapalapit sakanila dahil pag mas lumapit ako sakanila ay mas lalong bumabalik ang nakaraan tsk.'

Napatigil ako sa pag iisip ng may nakita akong lalaki na pumasok sa kabilang seksyon. Sa seksyon ng mga bampira. Wtf? Magpapakamatay ata sya tsk.

Tinaas ko ang kamay ko."Yes Ms.Saren?"

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon