●●LEARN TO RESPECT REPLY BOX POLICY. WAG PAKALAT KALAT PLEASE.●●
Chapter 53
••Hera POV••
Pagtapos umalis ni Nexan ay agad nadin akong natulog muli at sobrang aga nagising. Nakalimutan kong pakain sila Emerald kagabi kaya pinapakain ko na sila ngayon.
Nakaharap lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang unting unti pagpasok muli ng mga estudyante.
"Heraaaaaa!"
Aga aga may bwisit hay. Nagtungo ako sa pinto upang pagbuksan si Rade ng pinto. Ngiting ngiti ito sakin habang may hawak na maliit na kahon. Pinapasok ko sya dahil mukang hindi pa sya nakakapagpahinga.
"Kakabalik mo lang?"
Umupo ito sa upuan na parang may ari ng bahay bago sumagot.
"Medyo" sabay halakhak na parang baliw. Bigla itong tumayo at hinila ako palabas.
"S-Saglit hoy! Malamig sa labas." awat ko dito habang inaalis ang kanyang kamay sa braso ko.
Tumango lang ito kaya dali dali akong nagsuot ng jacket at nilock ang pinto.
"Saan ba tayo pupunta? Mag aala sais palang oh..."
"Sa taas may ibibigay ako sayong pasalubong,"
Napatingin ako bigla dito at ngumiti ng maliit. Sa buong buhay ko, ngayon na lang ako muling nakaramdam ng sabik.
.
.
."Tsaran!"
Binigay nya sakin ang isang bracelet. Simple ito tignan ngunit mukang napakasakit nito sa bulsa.
"Ano ito Rade? Mukang mamahalin... Hindi ko matatanggap."
"Bakit? Binili ko yan para sayo!" Ngiting ngiti nitong sabi.
"Pero--" mabilis nyang nahablot ang pulseras at kinabit sakin.
"Ohh diba bagay sayo, ang galing ko talagang pumili."
Napailing nalang ako at pinagmasdan ito. Makinang ito pag natatamaan ng liwanag, parang bituin. Ang ganda.
"Nagustuhan mo ba?"
"Alen?"
"Ako."
Napailing ako sa sagot nya dahil wala nang ginawa kundi magbiro.
"Oo naman, nagustuhan ko ang munting regalo mo. Salamat."
Ngumiti ito ng malawak. "Walang anuman, Hera. Suotin mo yan mamaya sa sayaw natin ha? Gusto ko ipagyabang mo" sabay tawa.
Natawa din ako habang pinapanood ang araw na unting unti na tumaas. Napatingin ako kay Rade na mukang tanga na nakangangang nakaharap sa araw. Nilagay ko ang kamay ko sa buhok nito at mahinnag tinapik.
"Ayos lang yan, Rade." Napatigil ito sa pagnganga at tumingin ng deretso sa mata.
"Hindi ko maintindihan?"
Inalis ko ang kamay ko sa ulo nya at lumapit bago ituro ang mata nya.
"Iyon mga mata mo, parang napakadaming gusto sabihin."
Natawa ito at hinawakan ang mata. "Ano kaba inaantok lang siguro ako,"
"Yun lungkot ang pinaka nangingibabaw, ok ka lang ba?"
"Oo naman... Baka pagod lang ako sa byahe. Tara baba na tayo,"
Tumango na lamang ako at sumunod sa paglabas.
Ngunit nakita ko talaga sa mata nya ang lungkot habang nakatitig sakin.
Pagkababa namin ay hinatid nya lang ako sa pinto at nagpaalam bago lumakad palayo. Pumasok nako sa loob at inilapag sa lamesa ang pulseras bago tinitigan. Masasabi kong maganda talaga sya, akala ko nun una ay simple lang ito pero napakaganda nito.
(I'll drop the photo below :) credits to the owner.)