Chapter 42
••3rd POV••
Habang naglalakad pabalik si Hera,Vien at West sa silid nila ay para syang nakalutang sa kakaisip.
Napabuga na lamang sya ng pumasok sila sa silid at sinalubong sila ng mga guardians.
"Hi baby!"Sigaw ni West sa kanyang guardian. Lumapit sakanya ang kwago at lumipad sa balikat nito.
Nakuha nya ito kahapon sa gym pagtapos nang kanilang A.E . Nagulat na lamang sila nang bigla may sumulpot na itlog sa bag nito.
Dumamba naman si Winter at Emerald kay Hera kaya bumagdak silang tatlo sa lapag.
"Ano ba! Alis muna kayo,"Utos ni Hera habang pilit na bumabangon. Natatawa na pinanood ni Vien silang lima habang nakalagay sa ulo nya ang kanyang vixen.
(Vixen-female fox)
"Mukang inaantok kayong dalawa West ah? Madami bang pinapagawa sainyo?"Pagtatanong ni Vien habang pumunta sa kusina.
Lumapit din si West sakanya bago kumuha ng tubig."Oo eh. Tinadtad kami ni Prof Guki ng gawain.. eh kayo ba?"
Umiling si Vien."Hindi...wala si Prof Jin kaya malaya ang klase."
Pumasok si Hera at kumuha din nang inumin. "Kamusta si Aurs?"
"Ayos lang sya..close na din kami tulad nyo HAHAHA!"galak na sabi ni Vien.
Napailing nalang si Hera at pinakain na sila Winter. Nahiga sya sa kama at pumikit.
Pero hindi ito nagtagal at tinawag na sya ni West para kumain. Tahimik silang natapos sa pagkain at nagligpit bago pumalibot sa maliit na lamesa.
"Soooooo... anong balita sainyo? Kamusta naman sa klase nyo?" Pagbasag ni Vien sa katahimikan.
"Ayos lang,kayo?"Pagtatanong ni West pabalik. Sumandal si Vien bago magsalita.
"Ayun tahimik kase wala na kayo lalo na si Alex...psh,"
Natawa nang bahagya silang dalawa ng magsalita si Hera.
"Isa nako sa mga Alpha."
Natigilan silang dalawa at tumunganga kay Hera.
"Ano?!"sabay na sabi nila West.
"Isa nako sa mga Alpha.."pag uulit ni Hera.
"Ha?! Paano?!"Vien.
"Bat?!"West.Tinaas ni Hera ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Gusto ko lang."
Biglang dumamba si West sa upuan bago muling nagsalita."TANGMAMA?! DI KABA NAGBIBIRO?"
"Tsk. Kailan ako nagbiro? Punta ako sa taas,patulugin nyo yang dalawa na yan."Tinuro ni Hera sila Winter na kasalukuyan naglalaro habang humakbang palabas.
Kinuha nya ang kapa na nakasabit sa gilid atsaka lumabas.
••Hera POV••
Nakatambay lang ako sa rooftop ng biglang umulan. Napatakbo tuloy ako sa may gilid. Naglakad lakad ako hanggang sa mapunta ako sa gilid ng rooftop. May nakita akong upuan na natatakpan ng mahabang bubong. Parang waiting shed pero mukang di pa ito tapos dahil wala itong ilaw at kulay.
Pansamantala akong umupo dun habang pinapanood ang ulan. Kalmado ang ulan at may mga kidlat pero wala naman kulog. Masarap pakinggan ang mga ito lalo na't ay nandito ako upang pag isipan ang mga pangyayari sa buhay ko.
Ano nga bat pumasok sa isip ko at pumayag ako? Hindi ako nandito upang paghiganti sila at hindi din ako nandito upang makiisa sa mga tao kinamumuhian ko.
(-.-)
Napatulala ako sa kalangitan na puro ulap at walang hintong ulan. Hinayaan kong alalahanin ang mga pangyayari noon.
.
..
...
••Flashback••Habang lumuluha ang langit ay wala din humpay ang luha ni batang Hera habang tumatakbo. Tumigil sya nang makarating sya sa isang malaking puno. Pilit nyang inakyat iyon hanggang nasa medyo mataas na parte na sya. Humihikbing napayuko si Hera.
'Namatay sila nang dahil sakin...pinatay ko sila.'
Nakatulog ito kakaiyak habang tinitiis ang lamig ng hangin at mga insekto na pumapapak sakanya.
May tumulong tubig sakanyang ilong at kaagad na bumahing. Nawalan sya ng balanse at nahulog.
"Ahhhh!"Sigaw nya nang maramdaman ang hapdi sa likod. Gumapang sya at sumandal sa puno bago pansinin ang mga sugat at pasa. Napangiti ito nang mapait ng maalala ang mga pangyayari kagabi.
Nagpahinga pa sya saglit bago lumisan uli. Kailangan nyang mahanap ang kanyang ina dahil sya na lamang ang tanging pag asa nito. Tumigil muna sya sa sapa at uminom nang tubig bago bumalik sa paglalakad.
Chap 42
'Nasan naba ako?'tanong nito sa isip. Madami syang puno na nakikita at pare parehas lamang iyon kaya hindi nya alam kung paikot ikot lang sya.Pero kaagad na nagliwanag ang kanyang mata nang may makita syang bayan. Tumakbo ito papalapit at tinignan ang paligid. Nakakaramdam sya nang gutom sa mga amoy nang pagkain ngunit wala syang pera. Nag iisip sya nang mga spell na kaya nito magbigay nang pagkain ngunit wala itong maisip dahil sa gutom.
"Pst...bata! Huy!"
Napalingon sya sa isang lalaki na may katandaan. Di na nagsalita ang lalaki ngunit binigyan sya nito nang apat na mansanas at tubig na nasa maliit na lalagyan. "Magpakabusog ka."
Tumalikod ito sakanya at umalis na. Kaya naman nagtago ito sa gilid at kumain.
"Napakabuti nya...ipagdadasal ko sya mamaya," masayang bulong nito habang kumakain. Kumain lamang sya ng isa at tinago muli lalagyan. Muli syang nag ikot ikot hanggang sa madako sya sa may naguusap.
"Nako! Kawawa naman ang mga bata..."
"Ano bang nanyayari sa mundo?"
"Demonyo ang gumawa sakanila nito.."
"Grabe ang balita tsk tsk tsk,"Napatingin sya sa isang malaking papel na nakasabit sa balitaan. Nagulat sya nang makita ang mga kaibigan nito at unting unti kumawala ang mga luha.
"Ang sabi ay nabayaran na daw ang mga buhay nila?"Rinig na usap ni Hera sa mga kalapit habang tumitingin sya sa mga litrato.
"Binayaran?"sagot nang kakwentuhan.
"Oo,balita ko di pinayagan na kumalat ng impormasyon ang pamahalaan."
"Oh tapos?"
"Eh ayun nga,binayaran daw para manahimik."
"Wala silang ginawa?"
"Wala daw. Pinalabas na lang na namatay dahil may umatake na hayop sakanila.."
"Kawawa naman."
Napatitig sya sa mga nag uusap habang unting unti na sumasara ang kamao nito.
'Tama sya,hayop ang pumatay sakanila. Hayop na mukang tao.'
-----------------TO BE CONTINUED---------------------
A/N:
▪Slow update sorryyyy. Busy ako sa acads at update sa story sa fbbb!
▪SALAMAT SA PAGBABASA! MAG IWAN NG KOMENTO AT REAKSYON SA MGA KAGANAPAN!
▪STAY HYDRATED AND KEEP SAFE! ILYA.