••Hera POV••
Habang naglalakad ako sa papunta silid namin, hindi ko parin makalimutan ang mga panyayari nitong mga nakaraan araw. Napailing nalang ako at pumasok.
"Morning, beautiful!"
Napalingon ako kay Fran na mukang maganda ang gising. "Morning."
"Tara na,"
"Saan?"
Lumapit sakin si Fran at hinatak na palabas. "Wala si Copper at pro alpha ngayon, may pinuntahan sila sa teritoryo ng mga werewolves..."
"ahh, eh tayo sana pupunta?"
"Tayo ang magchecheck kung may nagcucutting ba o mga huling pumasok,"
Napatango ako. Simple lang pala. "madali--"
"Dito muna tayo sainyo, bago tayo pumunta sa mga bampira sunod sa mga lobo at last iyon samin,"
Napakurap ako. Wooh, medyo madami dami pala.
Nagsimula na kami mag maglakad sa corridor. Nakita ko ang ilan students na nagtatakbuhan na ng makita kami. "Ano bang mangyayari pag nahuli natin sila?"
"Mapupunta sila sa detention room ng dalawang oras."
Detention room? "Ano iyon?"
"Iyon ang silid kung saan magsusulat sila ng sampung pahina na hindi na sila uulit,pero kaylangan nila iyon matapos bago mag dalawang oras."
Dumahan ako ng lakad. "Paano pag hindi nila natapos?"
"Madadagdagan ng tatlong pahina. Sobrang makapangyarihan ang detention room... Kaya kung mandadaya ka may iba iba silang parusa."
Tumango tango na lamang ako. Nakita ko ang isang lalaki na nagtatago sa pader na may kasamang babae. Teka--
"Hmm... baka may makakita satin, Angelo..."
Biglang hinalikan uli ng lalaki ang babae. "Walang makakahuli satin Shein, kung hindi ka mag iingay..."
Lumaput naman si Fran sa gilid nila at sabay na kinutusan.
"Aray!"
"Aww!"Biglang dinuro duro ni Fran ang muka nila. "Why are you two making out here instead of attending your classes, huh?!"
Napayuko naman sila sa hiya at sa takot. Napahawak iyon babae sa balikat ng lalaki at nagtago dun sa likod.
"P-p-Pasensya-a na h-ho, alpha... "
Binigyan sila ni Fran ng dalawang maliit na papel. "Detention, NOW!"
aligaga silang nagunahan sa pagtakbo papuntang detention. Napalingon ako kay Fran nang nakangiti na sya sakin.
'talk about mood swings...'
"Tara na, baka may nagtatago pa sa gilid gilid."
Nagmadali kami na tignan ang bawat silid kung kumpleto ba o may nahuli o may lumiban. May tatlo lang kaming nahuli na kumakain sa rooftop edi ayon napagalitan uli ni Fran at pinadala sa detention. Pinapanood ko lang sya dahil hindi nya naman ako sinesenyasan kung ako naba ang aawat.
Mabilis namin natapos ang sa Wizards. Ngayon naman, nasa mga bampira na kami. Sabi ni Fran medyo maaga kami para sa unang klase kaya madami pang nagkakalat na mga estudyante.
Madaming nakatingin samin ngunit bigla kaming napalayo ni Fran sa isa't isa nang may lalaki biglang bumulagta sa harap namin. Agad ako tumingin sa unahan upang makit ang kaguluhan. Mabilis na pumunta si Fran sa harap upang pagsabihan sila habang ako ay inalalayan ko iyon bampira na duguan ang muka.
"Ayos ka lang ba?" napatingin ito sakin at tumulala. Tinapik ko ang muka nito ngunit bigla na itong nawalan ng malay. Pinakiramdaman ko ang pulso nya sa leeg at buti na lamang at hinimatay lang ito.
"Ano bang ginagawa mo dito, alpha? Kung tutuusin, baka nga mas malakas pa ang kamay ko kaysa sa buong katawan mo" narinig ko ang tawanan kaya pinanood ako ang pangyayari sa unahan.
Nakita ko kung paano pag agawan agawan ang papel na binibigay ni Fran sa mga pinapapunta nya sa detention. Lumapit ako sa kanila at tinanong kung anong problema.
Napataas ang kilay ng isang lalaki. "Oh ikaw yun bagong salta sa aplha diba? HAHAHAHA muka naman mahina!"
Sinampal sampal nya nag pisngi ko ng likod ng palad nya. Pinipigilan ako ni Fran sa kamay pero anong magawa ko kusang gumalaw ang kamay ko upang kunin ang kamay nya bago ito puluputin.
" Ahh! Ahh! Masakit! "
Tinulak ko ito paalis. Pinulot ko ang detention slip na nahulog isa isa sa lapag.
"Mapakatapang mo naman para sa isang babae, heto ang sayo!"
Naramdaman ko ang mabilis na pagtakbo nito ngunit hinatak ko lang ang kanyang buhok bago ko siya binalibag sa lapag.
"Ack!"
Naramdaman ko ang tensyon at takot na namuo sa paligid namin. Ang mga pag iwas ng tingin at matatalas na tingin.
"Ikaw na wizard, anong karapatan mong manggulo saamin!" mabilis na sumugod ang isa ngunit kinontrol ko lamang ang mga sanga ng puno bago ko itinali sa kamay at paa nila.
Napangisi ako ng mas lalo silang natakot. Tumingin ako sa lalaking minaliit ang kakayahan ng babae. Umupo ako at inangat ang ulo nya.
" Sino ka naman upang husgahan kami? Pfft. Lalaking bampira na mayabang, hindi kami makakapasok sa alpha kung hindi kami bihasa sa pakikipaglaban. Mabuti nlanag at nagtimpi ang aking kasamahan, kundi..." sumenyas ako sa leeg nya at kunwari pinutol. Napalunok agad sya nang maintindihan.
Pinulot ko muna nag dentention slips bago bingay sa mga kaibigan nya at sa lalaking bampira.
Tumingin ako sa mga nakapalibot samin," kung wala na tayong problema, maaari na kayong pumasok sainyo klase o pwede din naman bigyan ko kayo ng detention slip?"
Kumiripas ng takbo ang mga estudyante. Tumingin ako sa lalaking nakatali. Pumitik ako at winala na ang tali.
"Know your place. We will visit the detention room later on... I hope I will see you all in there."
Hinatak ko na si Fran doon na hindi nagsalita at nagulat na pinatulan ko iyon mga lalaki. Sabay namin binuhat ang lalaki na nahimalay sa manggamot nila at mabilis na tinapos ang pagtitingin sa mga klase ng bampira.
------------------- TO BE CONTINUED-----------------
❤️Salamat sa pag babasa! Mag iwan ng reaksyon, like at komento kung ito ay iyong nagustuhan!!
❤️Manatiling ligtas at ugaliin ang pag inom ng tubig upang malayo sa sakit! ILYASM💋