28

116 6 2
                                    

"Tama na kakakanta ng More Than Words diyan! Kumain ka muna!" saad ni Jeng sa akin

Kami lang ngayon ang magkasama dito sa CASAA

Yung dalawang lalaki, naghahanap ng location para sa shoot mamaya.

"Kasi yung boses ko!" sagot ko sa kaniya

"Oh ano namang meron sa boses mo? Mamaya mo na intindihin 'yan, kumain ka muna!" sigaw niya sakin

Eto, mukha akong tangang kumakain ng Tapsilog habang tumitingin sa kawalan

Yung boses ko naman kasi! Husky, dinaig pa lalaki

Habang kumakain kami, may mga sinasabi sa akin si Jeng

"Umayos ka mamaya sa acting niyo ah" saad niya sa akin

"Hanggang kailan ko ba makakapartner yun— este hanggang kailan yung shoot?" tanong ko

"Baka mga hanggang friday. Kaso, sino nga pala mag-eedit?" tanong din niya

"Sige na, ako na. Camera ko na rin gagamitin. May choice pa ba ko?" saad ko

"Gaga, may camera rin yata si Ely. Edi 'pag 'di kinaya nung sa'yo, yung sa kainya naman"

"Okay fine"





Literature na namin ngayon. As usual, si Ely na naman katabi ko

Habang nagsasagot kami sa quiz, dinadaldal niya ako

"Magready ka sa mga scenes ah" sabi niya

Bigla akong kinabahan. Una kong naisip kung may kissing scene ba. Tanginang 'yan.

"Tangina mo. Duda ako sa storyboard na ginawa mo" reklamo ko

"'Wag ka mag-alala. Walang kissing scene dun" sabay ngisi niya

Duda talaga ako sa itsura niya. Kaya hinayaan ko na lang

Bahala na mamaya, hahahaha

Pagtapos ng klase namin sa Litre, sumunod nun, wala na naman kaming prof

Kaya naisipan ko na lang maglaro sa phone ko.

Nabored din ako pagkatapos nun, kaya natulog na lang ako

After 30 minutes...

Naramdaman kong may humahawi ng buhok ko sa mukha ko, kaya dumilat ako

Pagtingin ko, si Ely pala. Kaya napaangat agad ako ng ulo

"May prof na?" tanong ko sa kaniya

"Uh... wala pa. Naistorbo ba kita?"

"Hindi" sagot ko

Pagtapos nun, hindi na ko nakatulog. Kumalumbaba na lang ako sa mesa ko

Nag-init yung mukha ko simula nung maramdaman ko kamay niya sa mukha ko

Ayun, isang oras na hindi pa rin dumadating yung prof namin sa Physics, kaya yung next na prof na yung pumasok

Akala ko'y lilipat na si Ely ng upuan, pero hindi na pala.





"Magcut na tayo! Wala naman na pumapasok sa prof eh!" aya sa amin ni Ely

"Apakasipag mo talaga Eleandre!" sigaw ko sa kaniya

"Wait..." biglang kuminang ang mga mata niya at tinitigan ako, "Tama ba yung narinig ko?"

AlegriaWhere stories live. Discover now