65

118 8 15
                                    

"Saan mo nilagay yung cassette?" tanong ni Aya sa akin while we're having our lunch dito sa isang restaurant

"Tinago ko na." seryosong sagot ko bago uminom ng juice

After Aya and i read the letter, basta ko na lang tinago iyon kasama ng cassette tape sa may cabinet ko

"Nagtatanong lang naman ako, bakit parang galit ka?"

I answered the question sa abot ng makakaya ko. "Ayoko na pag-usapan yun, please lang."

Kinalimutan ko na lahat-lahat. At ngayong bumabalik na naman ay hindi ko alam kung anong dapat na maging reaksyon ko sa pinadala ni Ely.

Dapat ba akong matuwa dahil nanalo sila? Dapat ba akong mainis dahil pinadalhan niya ako ng letter and cassette?

Or dapat bang maging manhid na lang ako at 'wag na pansinin ang lahat ng 'to?

Sumagot si Aya, at mukhang natakot na sa naging reaksyon ko. "Oh... okay. Sorry."

"Bakit ba kasi tinatanong mo?"

"I just— i just wanna listen to the songs if okay lang sa'yo...." sagot ni Aya na nahihiya pa

"Kunin mo na lang sa cabinet ko, andun lang yun. Kung gusto mo, sa'yo na rin."

"Binigay sa'yo ni Ely yun, bakit ko naman kukunin?"

"Ako na may-ari nun, kaya ako na ang magdidikta kung saan mapupunta yun. Sa'yo na, kunin mo sa cabinet ko pag-uwi natin."

Hindi na nakasagot si Aya. Tawa na lang siya nang tawa dahil sa mga pinagsasabi ko

Nakikita niya kasi na naaasar na ako.

Bigla kong iniba ang topic. "Anyway, bakit daw ba may meeting tayo mamaya with the EIC?"

"Ay ayun ba? I have no idea rin pero ang naririnig ko sa ibang department, magreresign na raw 'yon eh"

"Huh? I was asking about the EIC ha! Editor-in-chief!"

"Ayun nga! Magreresign na siya tapos maghahanap na ng kapalit. I don't know if sa ating mga writers kukuha"

"Ahhh" sagot ko, "Fine. Bilisan mo na kumain diyan para makapunta tayo kaagad sa conference room, and para makauwi na tayo ng maaga"

"Kanina, naiinis ka. Ngayon naman, nagmamadali ka?"

"I really want to finish the series na pinapanood ko" pagdadahilan ko. Kahit na ang gusto ko naman talaga ay matulog.





Noong natapos kami kumain ay bumalik na kami kaagad sa office at nag-antay lang ng go signal para sa meeting.

Ang mga pinatawag ay yung mga copywriters pati yung galing sa ibang department

Pili lang, at maswerte kami ni Aya na kasama kami doon.

Nung nag-go signal na, pumasok na kami sa conference room. Napili naming pumwesto ni Aya sa gilid lang. Yung iba naka-upo pero kaming dalawa, nakatayo at nakasandal sa pader.

"Okay. As you all know, i'll be resigning. And i am also currently finding the one that suits in my position...."

"You are all lucky because i will be finding that specific person within all of you. But! Before that, to pass my requirement, i have a last project"

Nung narinig namin yung 'project', yung iba ay nagbulungan dahil expected nilang mahirap na naman ang ibibigay sa amin

That project was to cover the entire events for the whole month.

AlegriaWhere stories live. Discover now