41

108 6 2
                                        

TW / Mention of Death


"Paanong hindi ka kakabahan e tingnan mo, kape pa more!" saway ni Jeng sa akin

Hindi na kami nag-abalang gumising nang maaga dahil alam naming alas dos pa yung start

Nauna na ako kay Jeng maligo. Kaya eto ako ngayon, nagtatali na lang ng sintas ng chucks ko. Nagsuot lang din ako ng typical na outfit ko tuwing pumapasok.

Habang inaantay si Jeng magbihis, nagphone na lang muna ako at binasa ang mga 'congratulations' nila Mira kahit na mamaya pa ang contest

At kahit alam ko na namang, hindi ako mananalo.

Nagsabi na rin sila na hindi sila makakapunta dahil nataon na may class pa sila ng oras na yun, except kay Blythe.

Paglabas ni Jeng ng kwarto, ready na kaming umalis. Saktong pag-aya n'ya sa akin lumabas ng dorm ay biglang nagsi-datingan ang mga lalaki para sunduin kami.





Pagdating namin sa UP Theater, tumpok na ang mga tao at isa-isa na silang pumapasok. Pumasok na rin kami, at agad naghanap ng pwesto

As usual, si Ely? Sa akin na naman tumabi.

And speaking of the devil, iniisip ko pa rin sa mga oras na 'to kung sasagutin ko na ba talaga s'ya.

"Attention! Please get your numbers here beside the stage for the calling of contestants later" sabi ng emcee na umakyat sa stage

"Tara! Tayo na lang kumuha nung number!" aya ni Rayms

Agad namang um-oo si Buddy, na halatang... si Earnest ang hanap

Tumayo sila at pinakiusap na rin ang number ko para hindi na ako tumayo kasama sila.

Habang nag-aantay sa pagsisimula, si Ely, hindi na mapakali sa inu-upuan at kapa nang kapa sa bulsa n'ya

Nagulat ako nang bigla s'yang tumayo at nagpaalam, "Labas lang ako saglit"

Tumango naman ako bilang tugon. Napansin ni Jeng na umalis si Ely kaya tumabi muna s'ya sa akin

"Eto na yung right time! Habang hindi pa nagsa-start, sundan mo na s'ya dun sa labas! Malamang magyoyosi lang yun"

Para bang may umilaw na bumbilya sa ulo ko at narealize ang sinabi ni Jeng. Kaya tumayo ako agad at binilin ang gitara ko sa kanya.

Lumabas ako ng theater at hinanap s'ya. Malamang nagtatago yun dahil hindi pwede rito ang nagyoyosi

Nakita ko rin naman s'ya agad. Tama nga si Jeng na nandito lang 'to at nagyoyosi. Nagulat naman s'ya nang makitang nasa harapan na n'ya ako

"Hmm? Ba't nandito ka? Gusto mo rin magyosi?" tanong ni Ely

"Nagyoyosi ka na naman ha?" seryosong saway ko sa kanya

"Kinakabahan ako, okay?" sagot n'ya

Hindi ko na alam ang susunod na sasabihin ko pero may biglang lumabas sa bibig ko

"Sabi sa akin ni Lolo, habang bata ka pa raw, tigilan mo na 'yan. Mahirap na raw at baka matulad ka pa sa kanya"

"Kilala ako ng Lolo mo?!"

"Oo."

"So... anong meaning-"

"Alam kong matagal mo nang hinihintay 'tong araw na 'to. Wrong timing pero-"

"Hoy! Naglalandian pa kayong dalawa d'yan! Magsisimula na!" sigaw ni Marcus sa amin mula sa malayo

AlegriaWhere stories live. Discover now