"Nak, kain ka muna" saad sa akin ni Mama
Pangalawang araw na ng burol ni Lolo doon sa kabilang bahay. At ilang araw na rin akong hindi kumakain.
Gusto kong magpahinga, kaso wala silang katulong sa pag aasikaso sa mga bisita
Dumating pa yung mga pinsan ko galing ibang lugar.
"Ayoko Ma, wala pa kong gana" sagot ko habang nakahiga sa kama ko
"Ria, ilang araw ka nang hindi kumakain. Puro ka na lang tubig. At saka yung mga pinsan mo doon nag-aantay—"
"Hayaan mo sila dun. Gusto ko munang magpahinga"
Wala ring nagawa si Mama kundi lumabas ng kwarto ko. Kahit anong pilit nila sa akin, hinding-hindi pa rin ako kakain
Alam kong magagalit si Lolo sa pinag-gagagawa ko pero, gusto ko na lang muna talaga magkulong dito sa kwarto
At isipin ang mga desisyong ginawa ko sa buhay.
Sa palagay ko ay tama rin si Tito Fred. Na sana hindi ko na lang inuna ang sarili ko, na sana hindi muna ako pumasok, na sana hindi na lang lahat.
Ngayon, umiiyak na naman ako. Hahahaha
Sa kakaiyak ko'y nakatulog ako. Nagising na lang ako nang biglang magring ang phone ko
Tiningnan ko at puro missed calls mula kila Grace, kay Jeng, pati na rin kay Ely.
Ilang araw na nilang ginagawa 'yan. Pero alang-alang sa katahimikan ko, sinagot ko ang isa sa mga tumatawag
"Jeng?"
"Jusko Ria! Buti naman at sumagot ka na. Alalang-alala kami sa'yo. Lalo na si Ely"
Si Ely. Naalala ko na naman yung mga salitang binitawan ni Tito Fred sa akin, na siya ang dahilan.
"Bakit ka ba napatawag?"
"Gusto lang sana kitang kumustahin. Okay ka na ba?"
"Kailan pa ko naging okay, Jeng? Hahahaha joke lang. Eto, nasa kwarto ako, nagkukulong"
"Ano ba naman yan Ria! Alagaan mo naman sarili mo! Magagalit sa'yo Lolo mo sige ka"
"Im sure galit na galit na yun kasi pati pagkain, inaayawan ko hahaha"
"Puta ka girl! Gusto mo puntahan kita diyan ngayon? Wala namang prof kaya umuwi na ko agad"
"No need na Jeng. Kaya ko na sarili ko, sige na. Alagaan niyo na lang si Ely para sa akin. Please."
"Please? For what? Bakit? Hindi ka na ba babalik dito ha?"
Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon pero, sa palagay ko 'yon ang tama...
Ang layuan muna si Ely.
Hindi na rin kaya ng konsensya ko yung mga nangyayari. Parang nagsisisi ako. At mukhang sa panahon na 'to, mas kailangan ako ng pamilya ko
Ayaw ko na rin munang intindihin ang sarili ko.
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021