53

140 6 4
                                        

"Ate!" tawag ko kay Ate Yani habang nasa labas s'ya, nakatambay

"Oh? Naayos mo na ba yung portfolio mo? Next week na interview"

"Inaayos ko na. Pero ngayon, babalik muna ako sa Kalayaan. Pwede ko ba mahiram yung kotse mo?" sabay ngiti ko sa kanya

Binunot ni Ate yung susi ng kotse sa bulsa n'ya, "Maglilipat ka na ulit ng gamit? Hahahaha sige!" sabay abot n'ya sa akin

Pagkatapos ko magpaalam at magpasalamat, sumakay kaagad ako sa kotse. At nagsimulang imaneho ito papuntang UP.

Habang nasa biyahe, ineenjoy ko lang ang soundtrip ko nang biglang may tumawag sa akin

At sakto nung nasa stoplight na, saka ko sinagot 'yon, "Ely! Nasa biyahe ako!"

"Eto naman. Wala man lang 'hello mahal?' sumisigaw na lang bigla"

"Eh gusto mo yata akong mabangga e! Ano ba kailangan mo?"

"Itatanong ko lang sana kung dadaan ka rito sa Kalayaan? Tulungan mo ko mag-ayos ng gamit"

Anak ng tutcha naman 'tong Ely na 'to. Sasabay pa sa akin.

"Puta. Eh ako rin mag-aayos ngayon e! Bukas ka na lang"

"Sige. Ganito na lang, ikaw muna tutulungan ko tapos 'pag okay na yung sa 'yo, ako naman. Game?"

"Bahala na. Sige, mamaya na lang." sabay baba ko ng tawag, at nagmaneho ulit nang matiwasay





Pagdating ko sa UP, pinark ko lang ang kotse ko saka naglakad papuntang Kalaayan

Saktong pagbukas ko ng pinto, nag-aayos na rin pala si Jeng, at mukhang paalis na rin.

"Ang bilis mo naman matapos?"

Sumagot naman si Jeng habang hinihila palabas ng kwarto yung maleta n'ya, "Malamang. 'Di ba konti lang yung mga damit na dinala ko rito?"

"Oo nga pala 'no. So, saan ka na ulit ngayon?"

"Babalik muna ako ng La Union. Tapos, kapag okay na, balik ulit ako dito para maghanap ng trabaho saka condo. Ulit."

"Message mo ako kapag nakauwi ka na sa Elyu saka kung kailan balik mo rito sa Manila ha?"

"Yes, Madam. Saka 'wag ka mag-alala, hahatid naman ako ni Rayms"

Umupo ako sa sofa, "Sabagay, may kotse nga pala s'ya. Pero teka, paano si Marcus? Maiiwan dito?"

"Sabi n'ya, hindi raw muna s'ya sasama. Mukhang maghahanap na yata sila ng apartment dito lang din sa Diliman."

Hindi nabanggit sa akin ni Ely yun ah?

Pagkatapos namin mag-usap ni Jeng, bigla namang dumating si Raymund para sunduin s'ya

"Hoy! Ingat kayo ah. Saka Rayms, 'wag ka na magtagal sa highway. Delikado na 'pag gabi"

"Oo, noted na 'yan. S'ya nga pala, nakasalubong ko si Ely kanina. Pupunta raw s'ya dito"

"Ah oo. Sinabi n'ya nga sa akin kanina sa tawag"

Tapos nang ilabas ni Jeng yung maleta n'ya sa labas kaya nagpaalam na s'ya sa akin

"Uy, ingat ka ha. Ikaw na bahalang magsara nito"

"Oo, damit ko na lang naman aayusin ko. Yung iba dito, ib-box na lang. Saka gaga, ikaw ang mag-ingat!" sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit

"Congrats ulit Ligaya. I'm happy for you, sobra."

"Salamat sa lahat ng tulong mo sa akin. Isa ka sa mga best memories ko in my college life."

AlegriaWhere stories live. Discover now