"Andito na tayo" saad sa akin ni Mira pagtigil namin dito sa harap ng bahay
Si Mira ang naghatid sa akin papunta dito sa bahay namin.
Ngayon na yung araw na napili ko para i-surprise sila Mama dahil ilang araw na lang ay babalik na ulit ako sa New York.
"Kaya mo ba buhatin yung box?" tanong n'ya sa akin pagbaba namin ng kotse
"Patulong na lang ako, lapag natin kahit d'yan na lang sa may gate" sagot ko
Binuhat namin mula compartment hanggang sa tapat ng gate yung balikbayan box na dala ko galing New York
"Sunduin na lang kita ulit mamaya? Or d'yan ka na matutulog?"
"Dito na muna ako sa bahay matutulog. Bukas mo na ako sunduin. Mga after dinner."
"Sige. Alis na ako!"
Sumakay na ulit si Mira sa sasakyan pabalik sa hotel dahil tutulungan pa raw nila si Grace at Harry sa mga natanggap nitong wedding gifts.
"Bye! Ingat!" sabay kaway ko sa kanya
Nung nakaalis na s'ya, nanatili pa rin ako rito sa labas ng bahay. Iniisip ko kung nahalata na ba nila ako sa loob o hindi pa
Nag-doorbell ako. Nung una, wala akong naririnig na 'sino 'yan?' kaya nakailang doorbell pa ulit ako bago may lumabas na tao galing sa loob
"Ate?!" sigaw ni Lia, "Ikaw ba- hoy bakit ka nandito tangina ka?!"
"Basta buksan mo na lang 'tong gate!" sagot ko
Binuksan n'ya ang gate at nanatili pa ring gulat dahil sa presensya ko
"Oh, ano 'tong dala mong box?" tanong n'ya ulit
Ngumiti ako, "Sa inyo 'yan. Bakit? May iba pa ba akong pagbibigyan? Hahahahahaha"
"Maaaaaaaa! Mamaaaaaa!" biglang sigaw ulit ni Lia
"Ano na naman 'yon?! Sino ba 'yan?!"
Nagmadaling lumabas si Mama dahil akala n'ya kung ano na nangyayari kay Lia. Pero nung nakita n'ya ako...
"Ria?!" pagtataka n'ya, "Jusko ka Algeria! Bakit 'di ka nagsabi na uuwi ka!"
Napatalon si Mama sa tuwa at niyakap ako nang mahigpit. Agad n'ya na akong pinapasok sa loob, at pinatulak kay Lia yung balikbayan box
Pagpasok namin sa loob mismo ng bahay, "Andy! May bisita ka oh!" sigaw ni Mama kay Papa
Nasa kusina si Papa at nagluluto ng tanghalian. Paglabas n'ya ay hawak n'ya pa ang sandok na ginagamit n'ya at nagulat nang makita ako
"Oh! Ria?! Bakit 'di ka nagsasabi na uuwi ka ha?!"
Tawa lang ako nang tawa nung makita ko yung mga reaksyon nila. Pati yung kapatid kong si Jester na nananahimik lang sa kwarto at naglalaro sa computer n'ya ay nagulat sa presensya ko
"Hala si Ate!" sigaw n'ya rin. Napatingin s'ya sa paligid at nagtataka kung bakit tote bag lang ang dala ko
Sumilip s'ya sa garahe at tiningnan kung may dala ba akong mga bagahe. Bigla n'yang napansin na may malaking kahon na naiwan doon
"Aba! At talagang una mong hinanap yung pasalubong ko bago mo ko yakapin ha!" biro ko sa kanya
Nagulat na lang ako nang bigla s'yang lumapit sa akin at niyakap ako. Ang laki n'ya na pero akala ko lalayo na ang loob n'ya sa akin.
"O sige na Ter, pagtulungan n'yo na ni Lia yung kahon dito. Ipasok n'yo na." utos ko
"Hindi ka pa rin nagbago. Talagang pala-utos ka pa rin!" reklamo ni Lia sabay tayo n'ya para tulungan si Jester na kuhanin sa labas yung balikbayan box
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021
