"Kailan daw ang start ng trabaho mo?" tanong sa akin ni Mama
Kahapon, ininterview ako. At hindi ko expect na matatanggap ako.
Nakita ng CEO yung portfolio na pinasa ko sa kanila. Sinabi niya kahapon na pareho raw akong may potential on both positions, pero isang trabaho lang daw ang dapat kong piliin
Kaya Editor na lang pinili ko. Mas maraming nagagawa.
"Sa Monday na raw po Ma. Kaya need ko na ulit gumising ng maaga" sagot ko sa tanong ni Mama
"Eh paano yun? Sa QC pa yung trabaho mo. Magcocommute ka?"
Bigla namang pumasok sa isip ko si Ate Yani, "Ma, same naman kami ng work na papasukan ni Ate Yani. Edi sa kaniya na 'ko sasabay"
"Nako. Nakakahiya naman sa pinsan mo at ginawa mo pang driver!"
Natawa ako, "Hindi naman palagi Ma! Syempre magcocommute rin ako paminsan-minsan hahahahaha!"
"Or... pwede ko ring hiramin yung kotse ni Papa. 'Di ba? Hahahaha" dagdag ko pa
Or pwede ring ihatid-sundo ako ni Ely?
Pagkatapos namin mag-usap ni Mama, pumunta ako sa kwarto ko. Humiga sa kama, at nagphone.
Finollow ko na sa ig yung babaeng nameet ko kahapon. Si Aya.
Nagkwentuhan kami kahapon about anything. Sabi niya, graduate raw siya ng Journalism sa PUP. At katulad ko, panganay din siya
Actually, natanggap din siya sa trabaho as Editor kagaya ko. Naalala ko pa, nung lumabas siya galing dun sa office nung CEO, yung mukha niya, hindi maipinta
Tapos, bigla pang tumili kaya nagulat yung ibang nag-aapply saka yung mga empleyado. Hahahahaha!
Habang nagp-phone ako, nakaramdam ako bigla ng pagkainip dito sa kwarto. Nung una, nagbasa ako ng libro. Pangalawa, naglaro ng video games. Pero nung huli, hindi na talaga ako mapakali sa kama ko.
Out of nowhere, bigla na namang pumasok sa isip ko yung nangyari nung nag Antipolo Overlooking kami ni Ely kaya napakuskos ako sa mukha ko
Pero speaking of Ely, hindi pa niya alam at hindi ko pa sinasabi sa kaniya na natanggap na 'ko sa trabaho. Ayain ko na lang kaya siyang kumain?
Sa naisip kong iyon, agad kong tinawagan si Ely
"Eleandre— aray ko!" sabay layo ko nung phone sa tenga ko. "Patahimikin mo nga muna yung gitara mo! Jusko, nakakabigla sa tenga!"
"Sorry, sorry! 'Di ko nahinaan. Hmm, bakit?"
"Wala lang. Gusto ko lang marinig boses mo."
Minsan lang ako bumanat, Ely. Pagbigyan mo na.
"Miss mo na naman ako? Parang gusto mo yatang maulit yung—"
Agad kong pinutol ang sasabihin niya, "Heeeep! Shut up. Ayoko nang maalala yun."
"At bakit? Normal lang naman yun—"
"Shut up! Ganito na lang, gusto mo ba kumain sa labas? Libre ko"
"Oh, wait ha. Ikaw? Manlilibre? Syempre hindi ako tatanggi"
"Sunduin kita diyan sa inyo" sabay tayo ko at naghanap na agad ng damit, "Hihiramin ko na lang muna yung kotse ni Papa"
"Okay. If that's want you want, edi game. See you later!"
"Kilig na naman siya oh. Hahaha bye" asar ko, saka binaba ang tawag
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021