"Ate Yani, may work ka ba today? Tara punta tayo kay Lolo" aya ko kay Ate Yani
Sumagot naman sa kabilang linya si Ate, "Ay oo meron. Mamaya pa akong hapon dadaan doon sa ospital"
"Ahhh, sige ate"
"Bakit? Wala kang sasakyan 'no?" tanong niya
"Oo eh, si Papa tinatamad na raw bumalik dito. Nauna na doon, 'di man lang ako inantay" pagdadahilan ko
Pagkatapos namin mag-usap ni Ate Yani, tinawagan ko ulit si Papa at pinilit na bumalik dito sa bahay
Sa wakas naman ay sumagot din siya. At sinabing wala na rin naman daw siyang magagawa
Kaya agad na akong naligo at nagbihis habang inaantay siya.
Pagkalipas ng isang oras ay nakarating na si Papa dito sa bahay. Sinundo niya 'ko, at sabay na kaming nagpunta sa ospital
"Akala ko kasi kasama mo na naman papunta sa ospital yung... yung Ely ba yun?" tanong niya habang nagmamaneho
Anak ng— pati ba naman ikaw Papa? Hahahahahaha susmariyosep naman oh
"Pa, si Ely nandun sa Las Piñas. Bakit naman iistorbohin ko pa siya para lang ihatid ako sa ospital ha?" sagot ko
"Akala ko kasi magreretire na ko na driver mo at may papalit na sa akin e" saad niya
Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko expect na magsasalita ng ganyan tatay ko ah hahahaha!
Pagdating namin sa ospital, hindi na 'ko nakapag-antay na pumasok sa room ni Lolo kahit na nasa parking pa si Papa
Sumalubong sa akin si Tito Fred na busy sa phone niya.
Binaba ko ang bag ko at lumapit kay Lolo. Kinakausap siya ng marahan at kinukumusta, "Lo, nandito na ulit ako. Kumusta ka na?"
Hindi ko naman expect na naririnig pala ni Tito Fred kaya bigla siyang nagsalita, "Nagising na 'yang Lolo mo kanina, hindi mo naabutan. Kakatulog niya lang ulit"
"Ah, okay lang po. Maaantay ko naman" saad ko, "May gagawin po ba kayo? Kung meron po, kami na po bahala ni Papa dito kay Lolo"
"Pinapaalis mo ba ko ha? Oo may gagawin ako, pero mamaya pa ko aalis" sagot niya
Matagal na kong naiinis sa ganyan niyang ugali. Although okay naman kami dati, nung bata ako. Pero ngayong narerealize ko na lahat, at may karapatan na rin akong sumagot, hindi na tulad ng dati yung ngayon.
Pagpasok ni Papa ay may dala siyang pagkain galing sa fastfood na nasa tabi lang ng ospital
"Oh, kumain muna kayo" aya sa amin ni Papa
"'Di na po ako kakain, Pa. Nag-almusal na po ako doon sa bahay"
Si Tito Fred ay hindi na sumagot at lumapit na lang sa mesa para kunin ang pagkain niya.
Habang kumakain sila, at ako'y nagpphone lang habang nandito sa tabi ni Lolo, tahimik na tahimik ang atmosphere namin pare-pareho
Makalipas ang ilang oras, nagpaalam na si Tito Fred at umalis papunta sa trabaho niya
Hindi ko alam kung saan na nagtatrabaho yun, dahil wala na rin naman akong pakialam
Nagdaan ang mga ilang linggo at pare-pareho lang din ang mga bagay na ginawa ko sa buong sembreak
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021