"Paalala mo sa akin, magkikita kami ni Andres mamaya sa Sunken" saad ko kay Jeng habang nagrereview dito sa sala
Sabado ngayon, at within this week na yung midterms namin. Gayun din yung results. After nun, christmas break na.
"Sosyal. Magsosorry lang, sa Sunken pa" asar ni Jeng
"Pake mo ba ha?" sagot ko
Umupo si Jeng sa tabi ko, at saka sinagot ang sinabi ko
"Eh kay Ely kaya? Kailan mo gagawin 'yan?"
Ely na naman. Tanghaling tapat, Ely. Sige Jeng, okay lang ako.
Ngumisi na lang ako ng sarkastiko sa sinabi niya. Pero sinundan niya pa rin iyon
"Para kayong tangang dalawa kagabi. Mag-uusap na lang, sa message pa"
"Alam mo yun?!" pagtataka ko
Actually, hindi ko talaga nireplyan si Ely. Hinayaan ko lang yun, at pinakinggan ang magiging reaksyon niya labas habang nasa loob ako ng kwarto
Pero dahil naalala kong tahimik nga pala siya, hindi na 'ko nag-abala.
"Oo. Alam na alam, dahil inaasar pa ni Rayms kagabi. Iniiwasan mo raw hahahaha"
Para namang bago sa kanila 'yon. Mga boang ampota.
"Oo nag-message siya, pero hindi ko siya nireplyan. Kaya walang pag-uusap na nangyari"
"Eh? 'Di nga?" sabay make face ni Jeng
"Eh ka diyan? Baka si Toyang pala yung kausap tapos akala niyo ako?"
Natawa nang malakas si Jeng nang marinig niya ang sinabi ko. Kaya sa sobrang asar ko, nagreview na lang ulit ako
Habang nagrereview, pumapasok pa rin sa utak ko yung mga pinag-usapan namin kagabi nila Grace
After kasi magmessage sa akin ni Ely, na hindi ko naman nireplyan, tinuloy namin yung usapan kahapon. Kinuwento ko sa kanila yung mga nangyari.
Inasar pa nila ako nang inasar dahil raw sa pinag-aagawan ako. Lalo akong nagcringe at inexplain sa kanila na iisa lang naman ang pipiliin ko dun sa dalawa...
Pero hindi pa ngayon. At siguro, alam niyo naman na kung sino 'yon 'di ba? Spoiler alert.
Nakakain na ko at nakatulog, nang bigla akong gisingin ni Jeng ng bandang mga hapon
"Hoy gising! 'Di ba aalis ka?"
Tumango ako, at nagmadali na pumasok sa kwarto ko para magpalit ng maayos na damit
Paglabas ko, pinagsabihan ako ni Jeng
"Siguraduhin mo lang na itatama mo 'yang mga desisyon mo sa buhay ah. Number 1 fan ako ng loveteam niyo ni Ely, kaya please lang"
"Wala akong time for jokes, Jeng. Okay?"
"Okay, sorry. Sorry"
"Saka isa pa, hindi naman si Ely kakausapin ko. Bakit ba namimilit ka na naman?"
"Okay! Shut up na lang me. Ayoko na mapuno na naman ng bad vibes 'tong dorm natin. Kaya sige na, umalis ka na" sabay taboy niya sa akin gamit ang kamay niya
Tumawa na lang ako, at saka lumabas na ang tanging dala lang ay phone, sarili ko, at lakas ng loob.
Alam na naman ni Andres na kakausapin ko siya dahil minessage ko na siya kagabi. Pagdating ko sa Sunken, hindi ko rin naman inaasahan na mauuna ulit siya sa akin

YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021