17

116 5 1
                                    

"Hoy tanghali na! Wala ka pa rin bang balak bumangon d'yan?"

Ginigising ako ni Jeng ngayon dito sa kwarto ko. Sabado na ngayon, pero bakit gusto n'ya akong gumising nang maaga?

Halos dumaan lang din ang mga nakaraang araw. Tulog, kain, pasok sa campus, practice kasama si Buendia, kain, tapos tulog ulit.

"Lubayan mo muna ako Jennifer. Sabado naman ngayon eh." sagot ko sa kanya habang nakadapa sa kama ko

"Puro ka na lang tulog. Sige ka, d'yan pa naman daw nai-inlove si Ely." banta n'ya sa akin

Agad akong napatayo, at kinuyumos ang mata ko. Natawa s'ya sa ginawa ko kaya inutusan na n'ya akong lumabas ng kwarto.

Paglabas ko ng kwarto ko, dumiretso ako sa CR. Pagkatapos ay nagtimpla lang ako ng kape, kahit na alam kong magtatanghalian na.

Dinala ko 'yon sa sala, at ininom kasabay ng mga napakagandang tugtog na naririnig ko galing sa TV.

Nagscroll muna ako sa social media, at as usual, tumingin ng mga IG stories

Nakita ko ang IG story ni Buendia. Selfie kasama si Marcus, at nasa labas sila ng Kalayaan

Nagtaka ako kung bakit, kaya nagtanong ako kay Jeng. "Bakit nandito ngayon sa Kalayaan sila Buendia?"

"Gaga, tulog ka kasi nang tulog kahapon sa tabi ko. Ayan, 'di mo narinig usapan nila" sagot n'ya sa akin

"Anong usapan?"

"Lilipat daw sila ni Marcus dito sa Kalayaan! Malapit na kila Rayms"

What? So malapit na lang si Buendia dito?

No! Bakit kailangan nilang lumipat dito?

Napansin ni Jeng na biglang nag-iba ang ihip ng mukha ko nung narinig ang kwento n'ya. "Oh ano? Gulat ka rin 'no?"

"Eh... ano raw dahilan bakit sila lilipat dito sa Kalayaan?"

"Hindi ko rin alam. Wala namang sinasabi si Rayms sa akin."

Susubukan ko sanang magreply sa IG story ni Buendia pero, 'wag na lang.

Aantayin ko na lang na s'ya, o isa sa kanila ang magsabi kung anong dahilan bakit magsasama-sama na sila.

Mabilis ko lang ininom ang kape. At habang inaasikaso ni Jeng ang tanghalian namin, kinuha ko ang gitara ko sa kwarto, at sinubukan ang mga chords na tinuro sa akin ni Buendia.

Nagawa ko pang tumugtog ng isang kanta, at sinabayan din syempre ng boses ko

Narinig yun ni Jeng, kaya napatanong s'ya. "Mamaya ba may practice kayo?"

"Uhmm, hindi ko pa alam. Wala naman s'yang message sa akin." sagot ko

Saktong pagsagot ko naman sa tanong n'ya, nag-message sa akin si Buendia. "Speaking of."

In-open ko ang message at binasa


elybwenja: Ano? Napag-aralan mo na yung mga tinuro ko sa 'yo?

riacsj: Oo. Nga pala, may practice ba mamaya?

elybwenja: Meron sana kaso, mag-aayos muna ako ng gamit ko rito sa bago naming dorm ni Makoy

riacsj: Sige. Take your time :)


Umupo si Jeng sa tabi ko habang inaantay n'ya na maluto ang ulam namin. "Oh anong sabi?" tanong n'ya

"Mag-aayos daw muna s'ya ng gamit n'ya" sagot ko, at nag-gitara na lang ulit

"Sus, idol ko 'yan si Ely. Pupunta 'yan dito 'tamo!"

AlegriaWhere stories live. Discover now