"Kitakits bukas!" bati sa akin ni Buendia pagkahatid n'ya sa akin sa Kalayaan
Kinawayan at nginitian ko na lang s'ya, saka naglakad papunta ng dorm.
Habang naglalakad ako, naiisip ko na naman yung mga sinabi n'ya
"Bakit? Gusto mo rin bang maging gf ko?"
Napasapo na lang ako sa ulo ko, kahit na sinabi n'ya rin naman nung huli na joke lang daw 'yon.
Pagbukas ko ng pinto, nakita kong nakaupo si Jeng sa sofa. Nanonood ng tv, at nakapamewang habang nakatingin sa akin
"Bakit ngayon ka lang dumating ha?" tanong n'ya sa akin
"Bakit? Alas-syete pa lang naman ah?" sagot ko
"Antagal naman nung practice n'yo, siguro iba ang pinractice n'yo 'no?"
Sa sinabi n'yang 'yon, hindi na ako nagdalawang isip na habulin s'ya ng sabunot kahit na hindi pa ako nagbibihis
"Ikaw ah. Talagang ayaw mo ako tigilan!" saad ko habang sinasabunutan s'ya
Habang umaaray, tumatawa pa ang gaga at tuloy lang sa pang-aasar.
Sa pagod ko ay tinigil ko rin yun agad at tinanong s'ya kung nakapag-hain na ba s'ya ng pagkain
"Oo kanina pa. Nakapagluto na ako ng Longganisa d'yan oh. Ikaw na lang inaantay ko."
Nagpaalam ako na magbibihis muna. Nagpalit lang ako ng sando at sweat shorts, pero lumabas din agad para kumain.
Pag-upo namin sa sala, ang unang tanong ni Jeng sa akin, "Kumusta yung practice n'yo? Seryoso na 'to"
"Ayun, pinapa-recite sa akin yung chords ng gitara para raw malaman n'ya kung kabisado ko raw ba" sagot ko
"Nirecite mo naman ba?"
"Hindi. At bakit ko naman gagawin yun? Eh kabisado ko pa naman lahat yun kahit nakapikit. Ang hindi ko lang naman alam 'pag yung nilapat na sa gitara"
"Hahahaha tangina mo! Unang araw pa lang hindi ka na sumusunod sa teacher mo" saad n'ya
"Eh pota, paano ako susunod kung wala naman din s'ya sa ayos? Pero pinagbigyan ko na. Bukas daw start namin, yung may gitara na."
"Edi goods na 'yan. Sana matuto ka agad, ulit."
"Ako naman maghuhugas" sabi ko kay Jeng, at pumayag naman s'ya
Hindi ko alam nangyayari sa sarili ko. Pero habang naghuhugas ako, naaalala ko yung mga sinabi ni Buendia sa akin kanina
Na dahilan para mapangiti ako rito mag-isa.
Paglapit ni Jeng, hawak ang basahan na pinamunas n'ya sa mesa, tiningnan n'ya ako at tinawanan.
"Tanginang 'to. Ngayon lang ako nakakita ng taong masaya sa paghuhugas" asar n'ya sa akin
Pagkatapos ko maghugas, nagpaalam na rin ako na papasok sa kwarto para magpahinga, at ganun din ang ginawa n'ya.
Umupo ako sa swiveling chair ko, inabot ang gitara ko na nasa tabi lang ng study table, at tinipa isa-isa ang mga chords kahit na pilit kong tinatandaan
Habang ginagawa ko yun, biglang nag-ring ang phone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag
Group chat pala namin nila Grace, kaya pinindot ko agad ang 'answer'
"Oh kumusta?" tanong ko sa kanila habang hawak ko ang gitara
Pinatong ko ang phone sa study table habang nakikipag-vc sa kanila
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021