"Sakit ng ulo ko." reklamo ko kay Jeng
Nilalabas ko na sa sala ang mga gamit na dadalhin ko sa amin pauwi. Para mamaya, diretso alis na lang.
"Napuyat kasi ako kagabi kakaayos ng mga gamit ko e" dagdag ko
Sagot n'ya sa akin, "Ang sabihin mo, napuyat ka lang kakaisip sa sinabi ni Ely kagabi."
Naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Narinig pala ni Rayms yung sinabi ni Buendia dahil bukas yung pinto ng kwarto n'ya.
Hindi ko rin naman expect na sasabihin agad ni Rayms kay Jeng. Kaya eto ako ngayon, inaasar na naman.
"Alam mo, maglaba ka na lang d'yan kaysa daldal ka nang daldal!" sigaw ko kay Jeng
Kung tutuusin, iniisip ko rin kung lasing lang ba talaga si Buendia o nag-iinarte lang?
Nagulat din ako nung malamang hindi pala naging sila ni Toyang. Ni hindi man lang binanggit sa akin ni Jeng, at alam na raw pala n'ya.
Habang nagsisintas ako ng sapatos ko, tiningnan ko ang oras, malapit na rin pala mag-8am. Kakain daw kasi kami ni Andres sa isang kainan na malapit lang sa Area 2, libre n'ya raw.
Nagsuot lang ako ngayon ng maong skirt and loose polo. Nothing special dahil bukas pa naman ang birthday ko.
Pagkatapos kong magsintas, ime-message ko na sana si Andres, pero biglang umeksena ang pangalan ni Buendia sa notifications ko
Pinindot ko naman 'yon at binasa.
elybwenja: Nakabihis ka na ba? Sunduin kita d'yan sa dorm n'yo, may pupuntahan tayo.
riacsj: Nakabihis na ako pero, saan?
elybwenja: Wala nang pero pero. Sandali lang 'to.
Sa sobrang kaba ko at pagkataranta, minessage ko agad si Andres na hindi na muna ako makakasama sa kanya.
riacsj: Sorry Andres! May emergency, biglaan lang talaga. Hindi muna ako makakasama. Bawi ako next time!
Hindi ko na naantay ang reply n'ya dahil may biglang kumatok sa pintuan. Binuksan ko 'yon, at nakita si Buendia na nakatayo sa harapan ko
Nakaporma rin s'ya?
"Saan ba tayo pupun-"
Biglang naputol ang sasabihin ko nang bigla n'ya akong hilahin palabas at sumigaw kay Jeng, "Jeng hiramin ko muna 'to!"
At pumayag naman s'ya. Tumawa pa.
Hiramin? Mukha ba akong gamit na hinihiram lang?
Habang naglalakad kami, pinipilit ko s'yang tanungin kung saan ba kami pupunta.
"Pati pakikipagkita ko sa iba pinosponed ko para dito!"
Napansin ko ring may hawak s'yang bagay sa kabilang kamay, pero hindi n'ya pinapakita sa akin.
"Doon lang tayo sa Sunken." saad n'ya, sabay akbay sa likod ko.
Sumasakit na naman tiyan ko ha. Ano bang meron?
Nang makarating na kami sa Sunken, umupo kami sakto kung saan n'ya ako unang pinuntahan noon.
"Naalala mo pa ba 'to?" tanong n'ya sa akin pag-upo namin sa damuhan
"Malamang Buendia. Mukha ba akong ulyanin?" sagot ko
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021