"Hayaan na lang kaya muna natin si Ria?" bulong ni Rayms kay Ely
Nandito na kami ngayon sa dorm nila Ely. Dito nila ako pinag-edit para raw nakikita nila yung ginagawa ko
"Bubulong na lang, naririnig pa" saad ko habang binubuksan ang laptop ko
Natawa naman ng patago si Jeng, kaya tiningnan siya ng masama ni Rayms
Habang naka-standby ang laptop ko, nagphone muna ako saglit
Kanina pa ko iritang-irita sa vibration ng phone ko.
Pagtingin ko, puro heart reactions ang nasa notifs dahil dun sa ig story ko
Wala naman sigurong issue? Friends naman kami ni Ely eh, bakit ba
Nakita ko rin ang messages na iniwan sa'kin ng mga gagang sila Grace. Grabe, 289 messages.
Expected ko nang tungkol na naman kay Ely 'to
grasyaaa: Oh ang ate niyo Ria may jowa na rin
mcecilia: Wow mas excited ka pa yata kaysa dun sa nililigawan ah
itsblythe: Hahahahahahaha eggzoited
roshineb: Grace, may jowa ka na 'di ba?
Nalungkot ako sa balita sa akin ni Mama kanina. Pero itong mga taong 'to, hindi nag-fail na pasayahin ako.
Kahit na tapos na yung usapan nila dahil mga mukhang busy na sila, pinili ko pa ring magreply
riacsj: Alam niyo, hindi talaga kayo nag-fail na pasayahin ako <3
Ang akala ko'y walang magsi-seen sa kanila pero nagulat ako nang magreply si Mira
mcecilia: Oh bakit? May problema ba? Mukhang masaya ka nga eh, kasama mo si Ely sa story mo hahahahahaha
riacsj: Tumawag kasi si Mama sa akin kanina, si Lolo daw... nasa ospital
mcecilia: Ano?! Totoo ba?! Omg sorry Ria, pasabi sa lolo mo pagaling siya
riacsj: Thanks Mira. Makakarating 'yan.
Habang kausap ko si Mira, nagulat ako nang i-abot ni Rayms sa akin ang camera
"Ria eto na, chineck ko lang yung mga scenes ko diyan. Baka pangit yung speaking voice ko eh hahahahahahaha"
Napatawa naman ako sa sinabi niya habang tinatanggap ang camera.
Tumabi sa akin si Ely sa sofa hawak ang yosi niya, "Ano? Okay ka na?"
Natawa ako lalo dun sinabi niya, "Hahahahaha nagpapatawa ka ba? Kailan pa 'ko naging okay ha Ely?"
"Ay sorry. Mukhang nakadagdag pa yata ako sa init ng ulo mo. Actually, lagi pala mainit ulo mo" pangaasar niya
Aba potanginang Ely 'to ah. Gusto yata nito mawalan ng grades sa Film Production
Sa inis ko, tinulak ko siya pababa ng sofa dahilan para malaglag siya sa kinauupuan niya
"Aray ko naman Ria, yung pwet ko" reklamo niya
"Bahala ka maghanap ng pwesto! Gusto mo dun ka sa banyo" asar ko rin sa kaniya
Laking gulat naman naming apat ng biglang dumating yung dalawa ng sabay, si Buddy at si Marcus
"Oh ano pare? Tapos na short film niyo? Saka bakit ang aga niyo dito?" tanong ni Marcus
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021