58

102 6 11
                                    

"Dito lang ako sa tabi mo." bulong ko kay Ely habang nakasandal sa balikat niya

Our first anniversary is not in good terms. Late na akong nakarating dito sa UP Fair, at last song na nila yung naabutan ko.

Inabutan ako ng traffic sa daan habang nakasakay sa taxi. No choice na rin naman ako kundi mag-antay.

After ng performance nila, dumiretso kaagad ako sa backstage para hanapin si Ely kay Earnest

Sabi ni Earnest, after ng performance ng 'heads ay bigla na lang daw nawala si Ely

Hinanap ko. At nakita ko siya sa may bench, exactly kung saan naging kami noon. Nakaupo siya doon, at may hawak na yosi.

Ngayon, nandito pa rin kami. Pinapanood ang mga taong nag-eenjoy sa harapan namin.

"Sorry. Sorry talaga. Hindi ko na nababalance yung oras ko sa trabaho, lalong-lalo na sa'yo." bulong ko

"Okay lang. Tanggap ko naman. Naabutan mo pa rin naman yung last song. Don't worry." sabay haplos niya sa buhok ko

Nakakaramdam akong may tampo pa rin siya.

"Hindi ko na talaga alam paano makakabawi sa'yo. Ilang buwan na rin tayong ganito."

Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kaniya, at hinawakan ang mukha ko. "Marami pang oras, marami pang araw. Hindi lang naman ngayon yung anniversary natin, may susunod pang mga taon."

Niyakap ko ulit siya, at hindi ko na rin napigilang umiyak.

Binawian niya rin ako ng yakap. Hanggang sa abutin na kami ng ilang minuto doon.

Nung nakabalik na kami sa backstage, nagpapack-up na sila ng gamit at ready nang umuwi. Kinuha ni Ely yung mga gamit niya at dumiretso kami sa parking

Pagsakay naming dalawa sa kotse niya, "Doon ako matutulog ngayon sa apartment niyo."

Napatingin naman siya sa akin bago i-start yung kotse, "Wala ka bang work bukas?"

Actually, may pasok ako. Pero ayoko munang isipin yun ngayong gabi. Gusto ko munang si Ely ang makasama ko.

Nagdrive kami pauwi sa apartment nila. Mabuti na lang at nag-aya ng inuman sila Rayms. Kaya sumali na rin ako

Naglalaro pa sila ng video games habang umiinom.

Dumadakot ako ng yelo na nakalagay sa isang bucket, nang bigla akong mapalingon sa bintana

Pinakikinggan ko ang naririnig ko, "Teka, kanta niyo ba yung naririnig ko?"

Nagtaka naman si Ely, "Ha? Saan?"

"Doon oh. Sa kapitbahay niyo yata?" sabi naman ni Jeng

Naki-rinig din si Ely, at napangiti nung marealize na kanta nga nila yung kinakanta ng mga kapitbahay sa karaoke

"Oh pare ko! Meron akong problema...."

Napalingon din sila Raymund nung marinig yung kumakanta. "Ayan ang patunay na sikat na tayo"
  
"Putangina, mali-mali naman yung lyrics e" saad ni Marcus
    
"Pati tono, mali rin!" reklamo rin ni Buddy

Natawa lang si Ely sa mga sinabi nila. "Hindi ko expect na dadating sa ganitong punto ha. Hahahahahaha!"

Iba impact nitong Eraserheads na 'to. Pati sa mga lasing na tito, okay na okay yung kanta nila.

Habang nag-eenjoy kami sa pag-iinuman, napatawag bigla sa phone ko si Mama. At sinagot ko naman yun kaagad. "Hmm bakit Ma?"

"Asan ka ngayon? Bakit hindi ka pa umuuwi?"

AlegriaWhere stories live. Discover now