12

136 6 3
                                    

"Bakit may yosi rito? Nagyoyosi ka 'no?" tanong sa akin ni Jeng pagpasok palang n'ya ng bahay

Jusmeyo naman kasi Buendia. Hindi marunong magtapon ng maayos sa basurahan.

"Ikaw ha? Sinong pinapasok mo rito Clarette?"

Hindi ako makapagsalita, dahil kakagising ko pa lang galing sa pag-idlip kaninang pag-alis ni Buendia

"Si ano..." nag-iisip pa ako kung sasabihin ko o hindi, "Si Buendia."

"Hahahahahahahaha seryoso ka ba?" patawang tanong n'ya sa akin

"Let me explain..." sinimulan ko magkwento

"...I was out to buy my food, kasi sabi mo wala ng stock. Nagpunta akong convenience store. Then, nadaanan ko yung Sunken, i sit there for a few minutes and talk to my highschool friends via video call"

"Oh tapos?"

"Tapos nagulat ako, Buendia messaged me. Then tinanong n'ya ako sabi ko nasa Sunken ako"

"At bakit ka naman-"

"Wait! Nung sinabi ko 'yun, sabi n'ya lumingon ako sa likod ko. And there he is. He sit beside me, tinanong ako ng mga walang kwentang bagay. He also insisted to drop me off here sa dorm kaso umulan"

"So ang ending, pinatuloy mo s'ya rito?"

"Exactly."

Tumawa lang nang tumawa si Jeng sa kwento ko. Hindi s'ya makapaniwala na sa pustahan namin, ako pa raw ang matatalo.

"Okay talo ka na sa pustahan. But congratulations, you did a great job. Yung idol ko pa ang inimbita mo rito" saad n'ya habang nilalabas ang mga pinamili n'ya sa plastic

"Don't get me wrong, Jennifer. Pinatuloy ko s'ya rito kasi makiki-cr s'ya, dahil basang-basa s'ya. Nothing else. Kung ano man 'yang iniisip mo, tangina mo" sagot ko sa kanya

"Sounds defensive huh. But who knows, 'pag naging kayo 'di ba?"

Putangina talaga, si satanas ba 'tong kausap ko ngayon?

"Alam mo tarantado ka talaga" hinabol ko s'ya habang hawak ang suklay ko na akmang itutuktok ko sana sa ulo n'ya

Pero nung hiningal ako, nagtanong ulit s'ya

"Pero eto seryoso na, anong pinagusapan n'yo kanina?" tanong ni Jeng

"He say sorry for what he did last time. Sabi ko napatawad ko na naman s'ya" sagot ko

"Tapos? Ayun lang?"

"He asked me about the Arts Org. Nasabi ko sa kanya yung sa pag-gigitara. Sinabi na pala sa kanya ni Marcus yung about dun. Kaya 'yun, pumayag s'ya." saad ko

Nagulat naman si Jeng nang sinabi ko 'yun

"Totoo ba? Oh, ayos naman pala e"

"Yes, kasali rin daw sila nila Rayms. He actually agreed like, sumali na raw ako bukas tapos s'ya na raw bahala sa akin" kwento ko

"Hindi nabanggit sa akin ni Rayms 'yun ah! By the way, pumayag ka na?" tanong n'ya

"Actually, sabi ko sa kanya message ko na lang s'ya 'pag nakapag-isip na ako" sabi ko

"Tingnan mo, aarte-arte ka nun na kaya mo na, na ayaw mo na may magtuturo sa 'yo. Tapos nung s'ya nag-insist pumayag ka" asar n'ya

"Ano ba! Inalok n'ya sarili n'ya, nakakahiya namang tanggihan 'no. Saka mabait naman ako e" pabirong sagot ko

"Tangina mo Ria. Sabi ko sa 'yo 'pag hindi naging kayo n'yan, ewan ko na lang." patawang sabi ni Jeng

AlegriaWhere stories live. Discover now