Present
"Uhm... sorry to ask pero, nag-uusap pa ba kayo ni Ely?"
Ilang minutes bago ko masagot yung tanong ni Jeng dahil biglang nag-flashback sa akin lahat. From start to finish.
"Haha! Hindi na eh." sagot ko
Bumalik na si Lia galing sa pag-order ng tapsilog namin. At oo, sa Rodic's niya talaga ako dinala.
Habang nilalapag niya ang mga iyon sa mesa, si Jeng naman ay tuloy-tuloy lang sa pagsasalita
"Really?! I thought you and him had a communication! Kasi nakwento sa akin ni Rayms na nagkita raw kayo sa MTV awards night last year?"
"Oh, that one? Oo, nagkita kami pero we didn't talk to each other."
Nawala ang excitement ko. Ayoko na rin nung topic kaya nagtanong na lang ako about sa pagiging producer niya ngayon
"Kumusta naman pala yung work mo ngayon?"
"Okay naman. Medyo paguran nga lang"
"Marami ka nang artists na na-handle?" tanong ko ulit
"Ay oo! Sa ngayon, ako yung magpoproduce nung new MV na ilalabas nila Ely! And that's for their 9th studio album"
Ely na naman.
"That's nice to hear." sagot ko, kahit na medyo naasar na ako. "Good luck sa inyo!"
"Thank you!" sagot niya. "Anyways, i have to go na. May pupuntahan pa ko eh. Welcome back!"
"Thank you, Jeng! Ingat!"
Pagkaalis ni Jeng, sakto naman at sinimulan na namin ni Lia kumain.
Akala ko magiging okay na ang atmosphere ko. Pero may bigla na lang nagreact sa mga sinagot ko sa tanong kanina
"Sus, maniwala ako sa pinagsasabi mo! Nag-usap kayo after nung awards night 'di ba—"
Agad kong tinitigan ng masama si Lia. "Is there anything else na sasalubong sa akin sa pag-uwi ko? The hell, puro na lang Ely."
"Nako, 'wag kang magsalita ng ganyan! Baka biglang lumitaw yun dito at literal na makasalubong mo. Yari ka."
"And so? Bakit ako matatakot—"
Nagulat ako at napatingin sa entrance nang marinig kong may pumasok. Ayun pala, customer lang din.
Natawa si Lia. "Hahahahahahahaha! Akala ko ba hindi ka takot?"
"Hindi nga! Napatingin lang ako, tanga!"
"....Akala mo kasi si Ely" bulong niya
"Gusto mo bang itusok ko sa'yo 'tong fork na hawak ko?" paghahamon ko
Hindi pa rin siya tumigil at tuloy lang sa pang-aasar sa akin
"'Geste me beng itusok ke seye 'tong fork na hewek ke?' Arte mo! Ganyan pala epekto ng New York sayo"
"Yari ka talaga sa akin mamaya!"
Tawa lang nang tawa si Lia habang kumakain kami. Hanggang sa matapos kami at makasakay sa kotse.
Pero nung tinanong ko na sya about sa mga seryosong bagay, natigil rin kaagad.
"Yung kotse ko ba pinalinis mo?"
"Hindi. Saka 'di pinagalaw sa akin ni Papa dahil siya na raw bahala"
"Sana pinigilan mo! Papagurin na naman nun yung sarili niya"
YOU ARE READING
Alegria
FanfictionEraserheads Fanfic. A story inspired by the band's song, 'Ligaya.' Book Cover by: tapsilogues Date Started: November 14, 2020 Date Finished: August 13, 2021