19

115 5 1
                                    

"Sundalong-sundalo dating natin ah!" bati ni Jeng sa suot ko ngayon

Naglalakad kami papunta sa Sunken ngayon para sa first ROTC namin at magkakasama kami nila Jeng, Rayms, pati si Buendia.

Nung nakita ko s'ya kaninang pagpasok ko, naalala ko ang nangyari kagabi sa bench

Gumaan yung loob ko nung nandun s'ya sa tabi ko kagabi. Parang ngayon ko na lang ulit naramdaman yung ganun.

Umupo muna kami sa damuhan habang inaantay ang officer namin sa ROTC. Sakto namang dala ko ang film camera ko kaya inalok ko silang magpicture.

Una kong kinuhanan si Jeng. Sinabi ko pang gumawa s'ya ng iba't ibang pose.

Matagal ko ng gustong sabihin sakanya na bagay s'yang maging model. Siguro ngayon na yung chance!

"Alam mo, bagay kang maging model!" sabi ko sa kanya habang inaayos ang film camera ko

"Wow, thanks huh?"

"Oh dali, isa pa!" saad ko. Akmang pipindutin ko na sana ang camera nang biglang lumapit sa kanya si Rayms at sumali sa frame

Inakbayan s'ya nito, at nagrequest pa talaga isang shot.

Nainis lang ako dun sa huli nilang pose dahil hinalikan ni Jeng sa pisngi si Rayms.

Nakakainggit naman, sana all?

Itatago ko na sana sa bag ko ang film camera nang biglang lumapit si Buendia at kinuha 'yon

Hindi ko s'ya pinigilan, pero nagulat ako nang inutusan n'ya akong mag-pose sa harap n'ya. "Oh dali pose!" sigaw n'ya sa akin habang nakasilip sa camera

Naka-ilang shot din s'ya sa akin ah. Inaya n'ya pa akong magselfie.

Nakita kami nila Rayms, at napansin kong tumatawa si Jeng nang patago. Tumayo s'ya, kinuha ang camera kay Buendia, at pinagtabi naman kami

"Akin na nga 'yan! Oh dali kayong dalawa naman" utos n'ya sa amin

Nung una, na-aawkwardan kami sa isa't isa dahil kaming dalawa lang ang nasa frame. Nung mga sumunod na shots, nagulat ako nang bigla s'yang umakbay sa akin.

Kitang-kita ko sa mukha ni Jeng na tumatawa s'ya habang kinukuhanan kami

Pati tuloy ako napangiti rin sa ginawa ni Buendia.

Dumagdag pa pati tibok ng puso ko dahil hinawakan n'ya ang pisngi ko at pinisil habang nasa frame

Pagkatapos nun ay kinuha ko na agad ang camera kay Jeng, "Oh tama na. Tama na."

"Kinilig ka lang eh" saad ni Buendia

Yung puso ko mukhang lalabas na naman sa ribcage.

Pag-upo namin sa damuhan, habang nilalagay ko ang film camera sa bag ko, "Nililigawan ba talaga n'yan si Toyang? Bakit ganyan 'yan sa 'yo?" tanong ni Jeng

Nagkibit-balikat ako, "Aba. Hindi ko alam?" dahil talaga naman hindi ko alam ang dahilan.





"Tumayo kayo nang tuwid!" sigaw sa amin ng officer

At talagang tumindig kaming lahat nang sumigaw s'ya.

"I want to hear all your names, now!"

"Sir, yes sir!" sigaw namin

Isa-isa nang nagpakilala simula sa unang pila. Mabuti na lang at nandito kami sa bandang likod nila Jeng

Pinili naming magkakatabi para kung i-group man kami, magkakasama.

AlegriaWhere stories live. Discover now